ANITU SEVEN

2896 Words
B E A Maliban sa umaga isa rin sa gusto kong oras kapag nasa eskwelahan ako ay lunch time. Hindi dahil sa gusto kong kumain o lumabas ng eskwelahan para mag-lakwatsa. Pero dahil sa isa ito sa mga oras kung saan malaya akong makakasilip sa classroom nila Allen.  Hindi madalas umaalis si Allen sa upuan niya. Mukhang mas gusto niya rin na manatili lang sa classroom nila dahil sa napapansin ko ay palagi lang siyang nasa loob kahit lunchtime. May iilan siyang mga kaklase na nakakausap pero kumpara sa mga oras na mag-isa siya ay mas madalang pa rin ito. I guess he won't become an assistant secretary if he is a total loner.  “Bea, pupunta kami ng canteen. Sama ka?” aya sa akin ng isa kong kaklase. Kilala ko ang boses niya, pero dahil may iilan na magka-boses ay hindi rin ako gaanong sigurado kung sino siya. Nakapwesto lang ako sa balcony, pinapanood ang mga dumadaan at naglalarong estudyante sa berde na open field. Hindi ko pa man inaalis ang tingin ko sa tanawin, at hindi ko pa man alam kung sino ang nag-aya sa akin ay malugod ko itong sinagot ng, “Sure!” Umalis na ako sa pwesto ko, pero syempre, bago ko pa man tuluyang narating ang hagdan ay mabilis ko nang sinilip si Allen sa upuan niya. Nandoon pa rin siya, nakamudmod ang mukha sa kanyang lamesa. It seems like he fell asleep. “Oh, Cheska,” mutawi ko nang makita na tama ang hula ko. Tama ako na si Cheska ang nagmamaari ng boses kanina. “Oh, Bea,” the man beside her, Jack, mimicked to tease me. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Ano ba ang gusto niyong bilhin?” tanong ko bilang pag-iwas sa panunukso ni Jack. “Gusto ko ng mahihigop na sabaw,” sambit ni Jack. “Hm? Kakakain lang natin, ah,” puna naman ni Cheska. “Depende kasi ‘yan sa mood. Today gusto kong kumain ng extra.” Si Jack. Isa si Jack sa iilan na estudyante na loyal sa eskwelahan na ito. Dito na siya pumapasok simula grade school hanggang senior high school. Habang ako naman nag-transfer lang noong grade 7 ako. I was the talk of the town. A rich and beautiful girl, a princess, transferred to our school. Someone who has their own car to escort her in and out the school premises. She has a gorgeous sister and famous parents.  Sa mga panahon na ‘yun ay si Jack ang una kong naging kaibigan. We were always together, just like this time, when we reached 8th grade everyone thought we were dating. I did not have enough time to deal with baseless rumours especially if it was the hardest time of my life. I was very vulnerable that a slight touch could ruin me. Sa madaling salita ay umasa ako. Jack isn't bad. He has the look and good background. Hindi naman sa importante sa akin kung saan siya galing o sino ang mga magulang niya, but as someone who were to naive about thinking her family was perfect, I can't help but to do the same judgement. Pero sa huli ay mali ako. The rumours are just rumours, and Jack did not have the slightest interest in it. Nihindi nga sumagi sa isip niya na magustuhan ako because Jack is not into women. I felt bad about thinking about us hopelessly. Pero hindi ako umiyak. Ang sama lang sa pakiramdam… ganun lang. And then now that I think of it, I realized that it was just me, a rich and beautiful girl, trying to look for a place to belong to after losing hers. Gusto ko lang pala ng kasama, as my family drifted apart, I become just a shell. Hindi na ako ang rich and being girl na sinasabi nila. I am just a shell with that title written on it. Well, thanks to my aunt and uncle, I was able to lift myself. I was even happy when Jack came out to me. Tapos ganun na lang, isang araw nagising na lang ako bilang Bea ngayon. The Bea that's no longer a princess but just a shell called a rich and beautiful girl. Pagkatapos na mahigop ni Jack ang sinasabi niyang sabaw, at maubos ni Cheska ang clubhouse na binili niya ay bumalik na kami kaagad ng building namin. “Hindi ka talaga kumain, Bea ‘no?” sabi ni Cheska habang papaakyat kami ng hagdan. “Hm, busog pa naman ako. Hindi kasi ako glutton kagaya ng iba d’yan,” pagpaparinig ko kay Jack. “Uhm, k-kumain din ako, Bea. Am I being considered a glutton as well?” taas kamay na tanong ni Cheska. “No, you're fine. That guy over there is not,” pangungutya ko kay Jack. Tumawa lang si Jack sa sinabi ko habang nagpatuloy naman sa pakikipag-usap sa kanya si Cheska. Habang ako… iniwan ko muna saglit ang usapan namin para gawin ang nakasanayan ko na. Just as we passed by the last door of Allen’s classroom, I immediately and skillfully turned my head to search for him. Akala ko tulog pa siya. Pero nang mahagilap siya ng mata ko na gising at nakatingin din sa akin ay hindi ko napigilan ang paglaki ng mga mata ko sa gulat. Allen was smiling and waving at me. He was looking at me. “Bea, hindi ka pa ba papasok?” sambit ni Cheska nang nasa tapat na kami ng pangalawang pinto ng classroom namin na sampung metro rin ang layo mula sa huling pinto ng classroom nila Allen. “Yes. I'll be in.” ~ ~ ~ ~ ~ “Bea, andito ulit si Mr. Quirky,” tawag na naman sa akin ng kaklase ko. I immediately look at the door, and as expected, it's Allen. Tiningnan ko muna ang oras. Three minutes before dismissal. Kakaalis lang ni Ma'am at ngayon nandito na kaagad si Allen.  Okay lang ba kung isipin ko na hinihintay niya na matapos ang klase ko? Tumayo na ako kaagad at kinuha ang brown folder. This time, I did not mess up. Hindi ako nagulat o na-excite masyado. “Ngayon deadline nito, hindi ba?” kaagad na tanong ni Allen sa akin. “Oo. Should we pass these together?” “Sige, ‘yan rin naman talaga ang sadya ko,” he honestly replied. He must be shy to visit the faculty all by himself. Sa naalala ko noong isang beses na nakasabay ko siya. Even though he was just sitting on the sofa, now that I think about it, he was looking nervous. “Allen,” I uttered to begin our conversation, kalalabas lang namin ng building at ayaw kong mailang sa kanya on the way to the faculty building. Noong bahagya siyang lumingon sa akin, ‘yun na ang hudyat na handa siyang makinig sa akin. “Kailan ba babalik ‘yung secretary niyo? Is that person fine? Ang sabi nila nagka-dengue daw siya.” “Oo, Si Kurt. Nagkasakit siya. Babalik na rin siya within this week. Magaling na raw ‘yun eh, nagpapahinga na lang ng ilang araw.” “Aaw, mabuti naman hindi naging malala ang dengue niya.” Tumango lang si Allen bilang pagsang-ayon. “Ah, oo nga pala,” he uttered while raising the folder in his hand, “anong gagawin ko kung bumalik na si Kurt?” “Oh, about that. You can just give him the flash drive we used last time. He's been your secretary since the first month, right? Ibigay mo lang sa kanya ‘yung drive, alam na niya kung ano ang gagawin dun. Hindi naman ito ang first time na nagka-event ang batch natin.” Oo. May event na kami noong July. Some sort of a foundation day at nag-propose kami ng maraming pakulo kay gumawa rin kami ng permit letters. It was my first time doing a secretary’s duties. Hindi naman mahirap, pero time consuming siya for me. I could have done something that is more fun for me kaysa ang magsulat ng mga letter para sa event na alam kong hindi ko rin naman talaga trip. Paakyat na kami ng building nang nagtanong ulit si Allen. “May assistant secretary din kayo sa klase niyo, ‘di ba?”  “Uh-huh. Si Rachelle.” “Nagpapatulong ka ba sa kanya sa tuwing hindi mo na kaya or tinatamad ka nang gawin ang trabaho mo?” I briefly glanced at him to see his face then replied, “This might sound selfish pero mas gusto ko na ako lang mag-isa.” “O-Oh…” he uttered. Allen sounded a little disappointed. Oo nga pala, magkasabay nga pala kaming gumawa ng canvass paper at permit noong isang araw. “Ah! No. No. Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Mas gusto ko na ako lang mag-isa ang gumagawa in general. That way I can monitor the progress and the quality of the paper. Hindi kasi all the time pareho kami ng nasa isip ng assistant secretary o kung sinuman,” pangangatwiran ko. “Oo. Gets ko.” Ngiti ni Allen bago niya hinila ang pinto ng faculty. Ibinigay niya lang sa akin ang folder nila. Ako na lang mag-isa ang pumasok sa loob para hindi maka-istorbo sa mga teachers. Nang makita ko na wala roon ang teacher na naka-assign sa canvass paper ay iniwan ko na lang ang dalawang folders na may kalakip ulit na pangalan at number ko. “Tapos na?” tanong ni Allen na tahimik na nakaabang sa akin sa labas. “Yup.” “Mabuti naman… ah. Mauna na ako,” paalam ni Allen sabay turo sa likod niya. Doon ko pa lang napansin ang suot niya manipis na kulay brown na sling bag. “Uuwi ka na? Sabay na tayo,” I asked out of nowhere. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat pero ipinagpatuloy ko lang ang pag-aaya ko sabay sabi na, “Wait. Hintayin mo ko dito, ha,” saad ko bago tumakbo papunta ng building namin para kunin ang bag ko. Allen looked confused, still he nodded and agreed to wait for me. Malamang nagtataka na siya kung bakit ko siya inaya na sabay umuwi. “Allen!” sigaw ko. Buti naman at nasa tapat pa rin siya ng faculty building. I run pretty quickly kasi baka mabato siya kahihintay at iwan ako. “Okay lang ba sa’yo na sumabay ako?” I asked. I know medyo huli na para itanong ito ngayon. Pero mas mabuti na ang huli kaysa hindi ko alam na hindi pala siya kumportable. “Ayos lang naman sa akin,” maikli niyang sagot.  Sabay kaming naglakad palabas ng gate. Ilang kanto na lang ay mararating na namin ang kalsada patungo sa hintayan ng jeep. Tahimik lang kaming dalawa, which is a bad sign because I cannot tell if he likes walking with me or not. “Ah… ba’t ang aga mong umuwi?” I asked him out of curiosity and desperation to save myself from this awkwardness. “Hm? Uh… wala naman akong ibang ginagawa sa eskwelahan, kaya ano pa ba ang itatagal ko?” He is not just an introvert; he is also so blunt. “So that’s how it is. Akala ko kasi strict ang parents mo kaya maaga kang umuuwi.” “Hindi naman. At saka wala sila rito, nasa probinsya sila. Mag-isa lang ako sa boarding house na tinutuluyan ko ngayon.” Oh. That must be lonely. Hindi lang siya laging mag-isa sa eskwelahan pati rin pala sa bahay niya. I wonder if he doesn't feel homesick all by himself. “Really… why don't you come with me?” I gasped. Ano na ba itong mga pinagsasabi ko? I just invited him to go somewhere with me! Pero baka kasi gusti niya ng saglit na pagkakaabalahan kahit na pagsama lang sa akin sa mall. “Ah, okay lang naman kung hindi mo gusto. I'm not forcing you to go or something.” “Saan ba?” Allen suddenly said. “Pardon?” “Saan ba tayo pupunta?” wika niya na may seryosong tingin at malamig na boses. Anong araw ba ngayon? Wednesday? I'm usually unlucky sa araw na ‘to. Someone annoying will come visit me. But this time is different. Mas matagal ang moment ko with Allen ngayong araw. “Sa bookstore lang naman.” ~ ~ ~ ~ ~ Nasa loob na kami ng bookstore ng isang mall na isang sakayan lang ng motorcycle ang layo mula sa eskwelahan namin. Hindi naman umangal si Allen habang patungo kami and he seems calm and used to crowded places unlike I expected him to be. “Ah! Here it is!” bulalas ko nang makita ko na ang libro na gusto kong bilhin. “The Da Vinci Code?” basa ni Allen sa title ng libro. “Yup, by Dan Brown. Have you read this?” Itinapat ko sa kanya ang makapal na libro habang hinihimas-himas ang plastik na nakabalot dito. “Hindi. Napanood ko lang.” “Ooh. I got you. Pero mas maganda ang detalye sa libro kaysa pelikula. Books are just different.” “Nabasa mo na ba ‘yan?” tanong ni Allen habang naglalakad kami patungong cashier counter. “Well, a little bit. Hiniram ko lang kasi ‘yung libro kaya hindi ko kaagad natapos. Kinuha na ng may-ari,” tugon ko. Maikli lang ang pila sa cashier kaya ako na kaagad ang sumunod na magbayad. Nang matapos ay hindi na kami nagtagal sa loob ng bookstore. “Bea.” “Hm?” “Ano ang opinyon mo sa mga pagan?” Allen asked me out of the blue. Then I looked at the paper bag where I put the book I just bought. He must be pertaining to the book. “Uhm… pagans. I don't think they are wrong. I mean most religions in the world are not wrong also. It's just, we have our own different beliefs. May iba't iba tayong pinaniniwalaan kaya para sa akin pagans are just like the other famous religions with the greatest number of believers.” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko. Pero ito naman talaga ang opinyon na mayroon ako para sa mga pagano. “Paano ‘yung mga taong naniniwala sa mga bagay na para sa iba ay kabaliwan lang? Sa tingin mo tama pa rin sila?” dagdag na tanong ni Allen. Malayo pa kami sa exit kaya may sapat ba oras pa kami para mag-usap. “Hindi ko alam. May tama ba o mali sa mga pinaniniwalaan ng ibang tao? You know I learned last time in Ethics class that what's savage to one society might be normal to the other’s. Paganism as part of culture is also the same.” “Parang hindi ka rin ata ganoon kakumbinsido sa sagot mo, Bea.” Tumawa ako ng mahina at napakamot ng baba sa ilang. “Hindi ko nga kai alam. Pero isa lang ang alam ko beliefs are beliefs.” Tumigil ako at bumuntong-hininga. “If you believe that there’s a being that is supreme to human beings and helps them in the journey of their living, wouldn't it make life more easier for the humans? For a more practical situation, if one believes that their family is perfect, they would really have the family they want.” Bumuga ako ng hangin. I just made my family as reference to my argument. “Beliefs are strong, you know, they can't easily be broken. Who am I to try breaking someone’s beliefs?” Hindi ako sinagot ni Allen, imbes ay tinitigan niya lang ako ng matagal sa mukha. Oops. Mukhang nasobrahan ako sa pagsasalita. I laughed awkwardly again. “A-And the ones in fiction are different in real life, it's not always up, sometimes you have to fall over and over before proving that what you believe is worth keeping.” Ngumisi si Allen. ‘Yung tipo ng ngisi na nagpipigil siya ng tawa niya. “Uhm, what I just said was funny, right? Pasensya na.” “Hindi. Napangiti lang ako kasi napatunayan ko na naman kung bakit marami ang humahanga sa’yo,” banggit ni Allen saka ngumisi ng malapad, ‘yung ngisi na kita ang maliit niyang dimple sa pisngi. “Ah, dito lang ako. May bakante sa jeep na ‘yun,” sambit niya. “Salamat sa pag-imbita sa’kin.” Naiwan ako sa sakayan na nasa harap ng mall na mag-isa. Ang bilis ng pangyayari. Parang kanina lang ay nasa loob pa kami ng mall tapos sa kadadaldal ko ay nakarating na kami sa kabilang kalsada at ngayon ay nandito na ako. Natauhan lang ulit ako nung nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. “Hello?” “Ma’am, malapit na po ako sa mall. Saan po kayo nakatayo?” “Nasa tapat ng– oh, I'm here. Over here,” sambit ko habang ikinakaway ang kamay ko para makita mabilis niya akong makita. “Good afternoon, Kuya Greg,” bati ko sa driver ni Papa. “Magandang hapon din po. Kanina pa po kayo hinihintay umuwi ni Sir, Ma'am Bea,” bungad niyang pahayag pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa sasakyan. Ang lungkot naman. Hindi lang dahil sa tapos na ang moment namin ni Allen, kung hindi ay makikita ko na naman ulit si Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD