ANITU SIX

2406 Words
B E A “Wala ka bang gagawin pagkatapos ng last subject niyo?” Napipe ako bigla sa tanong ni Allen. “H-Ha?” Nagkamot ng batok niya si Allen bago nagsalita. “Uhm, magpapatulong sana ako sa paggawa ng canvass paper. Hindi ko kasi alam kung paano, unang beses ko pa lang na kumilos bilang assistant secretary.” Oh. ‘Yun pala tinutukoy niya. Akala ko kung ano na. Grabe ang tanga ko lang para mag-isip ng kung ano-ano. “Ah, ‘yun lang ba? Of course, no problem. Vacant ako after this class, wala akong lakad o ano.” Sinilip ko ang orasan sa loob ng classroom. Less than five minutes na lang at ma-eextend pa ang moment namin. “Sige. Salamat, babalikan lang kita mamaya may gagawin lang ako. Ayos lang ba ‘yan sa’yo?” “Oh, sure. Nasa room lang naman ako, hihintayin na lang kita. Good thing may dala akong laptop ngayon,” sagot ko. Nginitian niya lang ako na kita ang mapuputi niyang ngipin. Now that I have seen him close, ngayon ko lang napansin na may isang dimple pala siya sa kanang pisngi. Oh gosh. How can they ignore that smile? Palibhasa kasi puro bad boys at popular guys lang ang nakikita ng mga babae. Ayaw nila ng katulad ni Allen na good boy at matalino pa. Masyado silang nadadala sa mga nakikita nila sa TV. “Oh, anong sabi ni Jonathan?” bungad na tanong sa akin ni Jack nang nakasalubong ko siya pabalik sa upuan ko. “Listahan ng mga aattend sa ball sa klas nila. At saka hindi pa siya nakakagawa ng canvass paper ng klase nila,” litanya ko. “So, ano? Kung ayaw mo siyang tulungan, pwedeng ako na lang sure ako tatamarin ka na nam–” “Aah, hindi na. Ako na. Madali lang naman,” tanggi ko. Goodness! Moment na namin ‘to, ano. Tatanggi pa ba ako sa grasya ng pagkakataon na ibinigay sa akin? “S-Sige. Okay lang naman, actually mas okay siya,” sabi ni Jack pero iba ata ang tingin niya sa akin, parang may halong suspetsa. “Ano?” ani ko. Hindi ko papalampasin itong lalaking ‘to. “Ang active mo ata. Usually nagrereklamo ka lang sa tuwing nahuhuli kang umuwi dahil sa responsibilities and commitments mo sa organization. Pero since Monday ginagawa mo ang trabaho mo ng hindi umaangal.” Ang daldal talaga ni Jack. At ang talas niya rin mag-obserba, ha. Am I that easily read? Bakit parang pangalawa na ata si Jack ngayong araw na pumuna sa pagkilos ko? I sighed. “Jack, alam mo naman siguro na nakaka-pangit ang panay reklamo. Just as you said, our term is ending soon. So, instead of constantly being stressed about it, I decided to take it slow. Isa pa hindi naman ata tayo masyadong busy this month at sa susunod pa na month until the end of our term.” Pinanliitan niya ako ng mata. Hindi pa ata siya kontento sa paliwanag ko. “Okay, whatever. Okay na rin ito kesa marinig ko na naman ang mga reklamo mo,” sabi ni Jack noong sana ay magsasalita pa ako. “At saka ako rin ang mahihirapan kung hindi mo gagawin ang duties mo. Natural ka pa naman pagdating sa mga ganyan,” pahayag niya. Well, aren't I a natural at hiding things? “So, inaamin mong pinag-tripan niyo ako sa election dati kasi mabilis akong matuto at gumawa ng mga bagay-bagay?” Umiwas ng tingin sa akin si Jack at saka nagkunwaring walang narinig. Sa inis ko ay humakbang ako pabalik ng isang beses at hinarangan ang daan niya. “Yes or no lang naman kasi,” pagpupumilit ko. Tinitigan niya lang ako sa mata, tapos ay umiwas ulit. Sunod ko na lang narinig ang buntong hininga niya na para bang ang hirap bigkasin ng mga salitang yes at no. “Oo na. Oo na. Yes na. Eh kasi naman last term si Joan ang secretary.” Luminga-linga muna siya sabay mahinang sinabi ang, “Jusko! Ang bagal kumilos hanggang sa punto na ako na lang gumagawa ng lahat ng paperworks.” Nag-krus ako ng kamay. “Tsk. Tsk. Tsk. ‘Yan kasi, bakit nagpa-reelect ka pa.” “Hindi ko naman ginusto ‘yan, no. Iyang mga kaklase lang natin na ayaw matsempuhan at magka-responsibilidad,” paliwanag ni Jack. Well, he has got a point. Nakakapagod din naman kasi ang maging sunod-sunuran sa mga teachers namin. Idagdag pa itong paperworks na daig pa ang officeworks sa dami. Lalo na kung habol kami nang habol sa mga teachers namin na ang hirap hagilapin para magpapirma lang ng isang page ng papel. “Kaya mo ‘yan. Malapit na matapos term natin.” Sinamaan ako ng tingin ng kaibigan ko tapos ay hinawi niya ang kamay ko sabay sigaw sa lahat ng, “Okay, time na. Time na! Pwede na tayong umuwi.” Pagkatapos niya itong ianunsyo sa lahat ay sakto naman na pumatak sa 4:30 pm ang kamay ng orasan. Woah. This man is so used to his position that he already acquired the art of great timing. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?” angal niya sa akin. Ah. Nakatingin na pala ako sa kanya ng matagal na hindi ko namamalayan. “W-Wala…” “Wala? Mabuti naman kasi may naghahanap sa’yo, oh,” nguso niya sa pintuan. At doon ko ulit nakita si Allen na nakatayo sa labas ng classroom namin. “H-Hi…” I greeted him a little bit excited, “uh, pasok ka na. Tapos na class hours namin,” aya ko. Sumilip siya sa loob ng classroom. It seems like he is scanning the inside. “Ah. Marami pang tao, hintayin ko na lang na kumunti pa. Limang minuto pa,” saad ni Allen. He is certainly an introvert. Pero okay lang naman sa akin, ang cute nga niya, eh. “Hatid ko lang ‘to sa principal’s office,” paalam sa akin ni Jack noong dumaan siya sa amin ni Allen. Hindi ko alam kung para saan ‘yung papel, hindi naman ako ang gumawa nun. Pero kung si Jack ang gumawa nun ay labas na ako. Ayaw kong magdagdag ng stress. Limang minuto na ang lumipas at tatlo na lang sa mga kaklase ko ang naiwan sa loob ng classroom. Sinilip ko si Allen pero mukhang kabado pa rin siya. “Bakit hindi sa classroom niyo na lang natin ‘to gawin kung hindi ka komportable dito?” suhestiyon ko. “Naglilinis sila, hindi pwede,” sagot niya at saka lumingon sa hallway na nasa tapat ng classroom nila. Napuno ito ng kulay brown na hangin dahil sa mga natalsik na mga abo mula sa loob ng classroom nila. “Ah. General cleaning niyo pala ngayon.” Malulungkot na sana ako nang maglakad papasok ng classroom namin si Allen. “Papasok ka na?” “Oo. Mas tatagal lang tayo kung hihintayin ko pa na lumabas ang iba mo pa na mga kaklase.” “O-Okay.” Isn't it magical to know that we can converse this normal? Pumasok na kami sa classroom namin. Akala ko ay magpapaiwan si Allen sa may teacher’s table para hintayin ako, tutal doon din naman kami pupwesto. Kumuha lang ako ng laptop sa bag ko pero sa paglingon ko ay nakatayo na sa tapat ko si Allen. “Oh… sh*t,” mura ko ng hindi sadya. ‘Di ko kasi nakontrol ang balanse ng katawan ko nang biglang sumulpot sa tapat ko si Allen. “Ayos ka lang?” tanong niya. For the second time this afternoon ay nakalimutan ko na naman ulit kung paano magsalita. Nasalo lang naman ako ni Allen. Well, it's not really the type where he caught me by my waist pero the same feels pa rin ‘yun. Kinilig pa rin ako. Binitawan kaagad ni Allen ang braso ko, napansin niya ata ang gulat sa mukha ko pero imbes na tumayo ako ng maayos ay nawalan lang naman ulit ako ng balanse at muntik na naman matumba. “B-Bea…” he called out as he put his hand behind my back to catch me again.  Sa pagkakataon na ito ay natauhan na ako. “A-A-Ayos lang ako,” sambit ko tapos tinulak ng bahagya si Allen, “Pasensya na, nagulat lang ako sa ano… ano sa pagsulpot mo.” “Ganun ba, pasensya na,” sabi niya na nakayuko. Inayos ko muna ang sarili ko. Tumikhim ng mahina bago siya niyaya sa teacher’s table. “Tara na?” I started taking a step to the table, pero nang nasa gitna na ako ay hindi sumunod sa akin si Allen. Tapos ay napatingin ako sa tatlong kaklase ko na kanina pa pala kami pinapanood mula sa mga upuan nila sa likod. Oh, he must feel uncomfortable with the attention he’s getting right now. Bumalik ako sa lamesa ko kung nasaan nakatayo pa rin si Allen. “Okay, dito na lang tayo,” sabi ko sa kanya sabay upo sa silya ko. “There. Seat there,” aya ko sa kanya habang itinuturo ang silya ni Louis. Ahh~ look at us together. An introvert and the social elite. Yes. Ayaw ko man na aminin ito sa harap ng maraming tao pero alam ko na social elite o high status ang turing nila sa akin. It's not a bad term though. Anyone would love to be called in high regards. Pero outdated na ata ang term na ‘yan para sa akin. Although I still have financial stability, I don't think I am someone who is in high status because my parents’ polished name has long been destroyed. “Tapos paano ‘tong table?” tanong sa akin ni Allen. Malapit na kaming matapos sa canvass paper ng section nila. Habang kanina pa umalis ang mga naiwan kong kaklase kanina. “Click mo lang ‘yang insert tapos click mo ‘yung parte kung saan mo gustong ilagay.” “Sige. Kuha ko na.” May isang bagay ako na natuklasan kay Allen ngayon. Hindi siya gaanong bihasa sa computer. Although nakakagamit siya ng Microsoft Word para sa pagta-type pero maliban doon ay hindi na niya alam ang sunod na gagawin. Now that I look at him closely, Allen does not also smell fancy. ‘Yung amoy ng mga lalaki na matapang o kaya masyadong bland? Wala siya nun. Instead he smells like shampoo. I guess he smells like the mint shampoo he is using and the floral fabric conditioner that he has on his shirt.  How should I put it? He smells natural, just like how he is. “Pirma ko na lang ang kulang,” banggit niya. “Ah, pwede mong gawin ‘yan kapag na-print mo na. Hmm… mas safe siguro kung ganito ang ilagay mo kasi.” Pinalitan ko ang mga kamay ni Allen sa tapat ng keyboard. Sa kabila ng halos walang humpay kong pagpapantasya ay alam ko pa rin naman na hindi ito magtatagal. Lalo na at assistant secretary lang si Allen at anytime ay pwede nang bumalik ang secretary ng klase nila. “Masipag ka talaga, no?” Napindot ko ng malakas ang right click ng touchpad ng laptop ko sa biglaang pagsasalita ni Allen. “Excuse me?” pagbibingi-bingihan ko. He simply caught me off guard. “Palagi kasi kitang nakikita na abala sa mga dokumento ng organization niyo. Nakasabayan pa nga kita doon sa faculty building noong isang araw, hindi ba?” Ah. OMG. Naalala niya pala ‘yun? Akala ko ako lang ang nag-iisip tungkol doon. “Aahh~ oo naalala ko. Ikaw nga pala ‘yun.” Pagkukunwari ko. “Madalas din akong nakakarinig ng magandang bagay tungkol sa’yo simula noong lumipat ako sa eskwelahan na ito,” dagdag pa niya. Goodness. Ano naman kaya ang mga naririnig niyang ‘yun? “Hindi naman.” “Influential person ka raw sabi nila.” Tumawa ako ng mahina sa hiya. “Apparently ‘yan ang tingin nila sa akin,” sabi ko na hindi tumitigil sa pagta-type. “Salamat sa pagtulong. Tama nga sila ng sinasabi na hindi ka lang maganda, mabait ka rin. Bihira na lang ang mga ganyang babae.” Ah. Ah! Hindi ko na kaya ‘to! Mayamaya ay pwede akong sumabog sa kilig at isa pa pakiramdam ko ay umiinit ang mukha ko sa mga naririnig ko mula kay Allen. “Uhm…” panimula ko habang nag-aayos kunwari sa spacing ng salitang tinype ko kanina. “don't get the wrong idea, but the truth is, I always do my part properly and help other people accordingly kasi alam ko na kapag hindi nila nagawa ng maayos ang parte nila isa rin ako sa mapsperwisyo. And I hate being in a troublesome situation,” buong katapatan kong sagot. I have no slightest idea but I feel that I have to be honest with this person. “Ayos lang naman ‘yan, hindi ba? Wala ka namang tinatapakan na ibang tao, wala kang minamasama. Kaya sa tingin ko mabuti ka pa ring tao.” Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot. Nakakahiya naman kung magpapasalamat ako, para bang tinatanggap ko ang pagpuri niya sa akin. “Ngayon ko lang ata nakita ang ngiting ‘yan mula sa’yo.” “Hm?” “‘Yung ngiti na parang may tinatago at nagdadalawang-isip na lumantad.” I gasped when I realized what he just meant. I must have get too much into the conversation na nakalimutan ko na itaas ang pader ko. “A-A-Aha-ha-ha. Ganun ba? Sorry,” I awkwardly replied. “Uhm, ano balik tayo sa canvass paper. Isave ko na ‘to, Allen ha. Tapos na ‘to. Ako na bahala sa printing,” pag-iiba ko ng paksa. Kinuha ko ang flash drive na nakasaksak sa laptop ko at nagmamadaling ibinigay ito kay Allen. “‘Yan. Na-copy ko na ‘yung document. May copy na rin ‘yang flash drive ng klase niyo.” He took the stick absentmindedly. Nagulat ata siya sa biglaang pagbabago ko ng usapan namin… pero ‘yun ang inakala ko nang kaagad niyang inilagay sa bag niya ang flash drive at walang pag-aalinlangan na tumayo. “Salamat sa tulong mo, Bea,” maikli niyang sabi bago naglakad palabas ng classroom. Uhm. What just happened? Hala! Hindi niya man lang ako inaya na sumabay sa kanyang umuwi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD