B E A
“Matagal pa ba mag-dismissal?” reklamo ko kay Jack na nakaupo lang sa likod ko.
He looked at me with worried eyes saying, “Hindi ko alam, Bea.”
Inirapan ko siya sabay harap sa upuan ko at nakasimangot na kinuha ang isang pad ng one whole ko para magsimulang gumuhit ng kung anong maisip ko. Kagaya ng bulaklak o kaya dahon. Mag-iisang oras na kasi ang lumipas simula nang iwan kami sa room ng last subject teacher namin para umattend ng abrupt meeting nila sa faculty. At ang utos niya kay Jack ay ang huwag kaming palabasin hanggang hindi pa oras ng dismissal.
“Bored ka na?” mahangin na naman na litanya ni Louis. Hindi naman talaga masyadong malisyoso ang sinabi niyang ‘yon, pero sa pagdagdag niya ng mga katagang, “Gusto mo kiss kita?” para akong gasulinang sinindihan sa sobrang alab ng pagkamuhi ko sa lalaking ‘to.
Tumigil ako sa pagsusulat, tapos ay unti-unting lumingon sa kanya. Sumalubong sa akin ang nakaka-bwisit niyang ngiti, ang hindi pantay niyang labi at ang trying hard niyang mga tingin. ‘Yung tingin ng tambay sa kanto na gustong mag-papogi, naka-angat ang dalawang kilay niya habang sinusubukan niyang papungayin ang kanyang mga mata.
“Tahimik, pwede?” maikli kong bigkas sabay saludo ng gitna kong daliri sa kanya. Hindi ako ngumiti o nagalit, I just glanced at him coldly.
Napaubo ng bahagya si Louis sa gulat. “S-Sorry,” sambit niya tapos ay tumalikod sa akin.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng pagtawa sa kaliwa ko. Lumingon ako roon at nakita si Cheska. Limang tao kasi kada hilera, si Louis sa dulo, pangalawa ako, si Cheska ang sa gitna, at dalawa pang iba sa kabilang dulo.
“What?” ani ko.
“Natatawa ako kay Louis sa tuwing kinikilig sa’yo?”
Napaangat ang dalawa kong kilay sa narinig kong sinabi ni Cheska. “Goodness, Cheska. Huwag mo nang ulitin ‘yung sinabi mo, ha. Ang cringe,” angal ko.
“Ang laki kasi ng gap na mayroon ang image mo at ang ugali mo, Bea,” biglaan niyang banggit.
Cheska is just a normal student. Naging magkaklase na kami noon pero ngayong taon ko lang siya lubusan na nakilala dahil sa magkatabi kami. She's unexpectedly smart. Siya ‘yung estudyanteng balanse ang lahat. Hindi siya tamad, may mga sandali kasing nakikita ko siyang nag-aral, pero hindi rin naman siya star student. She might get a high score in an assessment pero hindi siya ang highest.
“Bakit?” tanong ko.
“You look innocent outside pero napaka-intimidating. May awra ka ng princesita na hindi pa nakakalabas sa palasyo niyo, ‘yung alagang-alaga. Tapos kung makikilala ka nila, magugulat na lang sila kasi sa totoo lang hindi ka umaakto princesita. Hindi mo hinahayaan na iba ang gumagawa para sa’yo, you’re very independent.” Ngumisi ulit si Cheska, “Siguro ‘yan ang nagustuhan ng mga lalaking nagkaroon ng tsansa na makalapit sa’yo. Kagaya ni Louis,” pahayag niya saka ngumuso kay Louis na iniiwasan pa rin ang tingin ko.
Now that I heard her like this, I no longer think that Cheska is just your regular student.
Umayos ako ng upo para harapin siya. “Cheska,” panimula ko, “you're very observant. Thanks for noticing that out of sight detail,” nakangiti kong batid sa kanya.
“At palagi mong itinataas iyang pader na pumapagitan sa’yo sa ibang tao,” dugtong pa niya noong akala ko na tapos na siyang magsalita.
Napawi bigla ang ngiti ko sa labi.
Ahh. Cheska is so observant that she can even notice my wall.
“He. He…” I awkwardly uttered, “I guess you're also right about that. But isn't it best to build some to leave us from harm?” wika ko.
Ngumiti lang din sa akin si Cheska. Hindi na niya ako sinagot. I wonder kung naiintindihan niya kung saan galing ang pinaghuhugutan ko. At dahil din sa sinabi niya ay naalala ko na naman si Papa na panay ang pangungumusta sa akin itong mga nagdaang araw.
I hate talking about the wall I build for myself, kasi palagi kong naaalala ang pamilya ko.
Hindi ko na rin dinagdagan pa ang sinabi ko. Instead, I awkwardly moved aside to face the front and start scribbling on my paper again.
Today, someone noticed my walls.
~ ~ ~ ~ ~
“Bea… Bea… Bea… Bea!”
“Hoy! Bea daw!” bulyaw ni Jack sabay sipa sa upuan ko, dahilan para lumihis ang linyang ginuguhit ko at magising ako sa malalim na pag-iisip.
Dahil kasi ito sa sinabi ni Cheska kanina. Napatingin ako sa orasan na nasa taas ng blackboard. 10 minutes na lang bago ang dismissal.
“Bea, may naghahanap sa’yo,” sigaw ng kaklase naming malapit sa pinto ang pwesto ng upuan.
“Ha? Sino daw?”
“Si Mr. Quirky,” bulong ni Fey, ang katabi ni Cheska.
Gusto kong ngumiti nang marinig ko ang bansag na iyon. Mr. Quirky kasi ang tawag nila kay Allen dahil sa gwapo niya na itsura pero unsociable na ugali.
Kinalmahan ko ang sarili ko. Hindi ko pinahalata na excited akong makita sa labas ng pinto ng classroom namin si Allen.
Tumayo ako ng normal at hahakbang na sana patungong pinto nang sinabi ni Jack sa akin na, “Uhm, ‘yung folder ng files, Bea.”
Lumingon ako at nakita ko ang kamay niyang nakalahad na at may hawak na brown folder.
“Ah. Oo nga pala,” mutawi ko saka tumikhim sabay hablot ng brown folder sa kamay niya. “Secretary duties,” wika ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta ng pinto.
“Allen– ah, Jonathan… huh? Nasaan na ‘yun?” Luminga-linga ako nang nawala sa tapat ng pinto namin si Allen.
“Ayos lang din sa akin na tawagin akong Allen,” sambit ng pamilyar na boses sa likod ng nakabukas na pinto ng classroom namin, at sunod na lumabas mula roon si Allen.
“Sorry to keep you waiting,” saad ko.
“Ayos lang din,” mabilis niyang tugon. “Ito na ‘yung listahan ng mga kaklase ko na nagpirma ng waver at pinayagan ng mga magulang nil ana sumali sa ball.” Inabot sa akin ni Allen ang isang short coupon bond na may lamang table.
“Ah! Ito ba pinunta mo? Akala ko itong final paper ng canvass.” Napatingala ako sa kanya nang humigpit ang paghawak niya sa short bond paper. Tila ba nanigas siya sa kaba sa sinabi ko. “Bakit?” tanong ko.
“Uh… nakalimutan ko kasi na gawin ‘yun.”
Usually, iinit na ang ulo ko kung gagawin ito sa akin ni Jack. Pero dahil si Allen ito, I guess mapapalampas ko pa.
“Oh. Uhm…” naiilang kong tugon.
Pero siguro dahil na rin sa hindi talaga kami ganoon kalapit kaya hindi ko siya masabihan ng diretso.
Tumahimik si Allen. I was supposed to say something more to make him feel better, but he suddenly said, “May gagawin ka pa ba pagkatapos ng last subject niyo?”
Hindi ako kaagad na nakasagot kay Allen, na-pipe ako bigla sa tanong niya. “H-Ha?”