ANITU FOUR

2376 Words
B E A “Excuse me,” bati ko sa babaeng nasa gilid ng pinto ang upuan, “uhm, nasaan si Ashley?” The girl looked at me with a confused gaze. “Uhm, pakisabi hinahanap siya ni Jack. Tagakabilang section,” sabad ni Jack. “What's that?” sabi ko kay Jack nang umalis na ang babaeng tinanong ko kanina para tawagin si Ashley. “Anong what's that?” “Nakita mo ‘yun? Umiwas siya ng tingin sa’kin,” bigkas ko. Dumako saglit ang mata ni Jack sa babae na pabalik na ulit sa amin kasama si Ashley. “Nakaka-intimidate ka kasi,” banggit niya sabay mahinang sinapak ang likod ko at ngimiti kay Ashley bilang pagbati. Nakaka-intimidate… ako? Tinitigan ko ang sarili ko mula sa sapatos kong tatlong taon ko nang ginagamit hanggang sa uniform kong, in fairness, ay ika-apat ko nang pares ngayong linggo. Saang parte ko ang nakaka-intimidate? “Bakit, Jack?” “Ito nga pala si Bea,” panimula ni Jack, “Bea, si Ashley. Hindi niyo pa kasi kayo naging magkaklase noon, pati rin si Jonathan kaya naisip ko na ipakilala muna kayo sa isa’t isa bago tayo magsimula sa meeting bukas,” paliwanag niya. “Naging nagkaklase na kayong tatlo?” tanong ko, “Uh, nasaan na ‘yung Jonathan?” Luminga-linga ako sa labas tapos ay sinuyod ang loob ng classroom nila. “Na-iintimidate din pa siya?” I jokingly asked. Nagsitinginan si Ashley at Jack. Then Jack awkwardly laughed as he said, “Naku, ikaw naman. Hindi, ah.” “Medyo mahirap lang talaga hagilapin si Jonathan,” dagdag pa ni Ashley, “Maaga kasi siyang umuwi this past few days. Pero bukas, siguradong makakasama natin siya sa meeting.” Tumango-tango lang ako. Pero sa totoo lang ay hindi pa ako tapos na magtanong. “So, is that all? Nice to meet you, Ashley. I'm looking forward to working with you.” Inilahad ko ang kamay ko para makipag-kamay sa kanya. Inabot din naman ni Ashley ang kamay niya sa akin. Nag-aalinlangan man ay nakipag-kamay pa rin naman siya. “See you tomorrow, huh. Same time lang. Pakisabi kay Jonathan na willing na tumulong si Bea,” saad ni Jack kay Ashley bago kami bumalik sa room namin. “Willing tumulong pala, huh,” I teased Jack as soon as we reached our room. Mabilis naman siyang ngumiti sa akin. He put his hands together as he bowed down a little then said, “Please, Bea. Last na talaga to this year tapos reorganization na naman.” “Yeah. Yeah. Ikaw na may sabi niyan.” Wala na akong choice, malapit na rin ako sa dulo ng termino ko. After the short meeting ay umuwi na ako kaagad. Wala na rin naman akong gagawin sa school at umuwi na rin si Allen. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pag-uwi ko sa bahay. Ginawa ko na ang mga assignments ko. “Mommy, ako na po diyan,” pagboluntaryo ko. Nagluluto kasi ng ulam si Mommy Divine. Since wala na rin naman akong ginagawa ako na lang ang magsasaing. “Oh. Sige sige,” she urgently agreed as she gave me the rice cooker. Naaamoy ko ang maasim na amoy ng sinigang na paboritong-paborito ko. Ganito kami palagi sa bahay nila Mommy at Daddy. Siguro kung walang alam ang nakakakita sa amin tungkol sa sitwasyon na mayroon ako at ng mga magulang ko malamang ay aakalain nilang sila Mommy at Daddy ang totoo kong mga magulang. Hindi nila iisipin na hindi ako kabilang sa pamilyang ito. Well, proven na rin naman ang theory na ito dahil sa tuwing may meeting sa school ay si Mommy ang sinasama ko, and our closeness is just so deceiving. Na-tsempuhan pa na magkahawig si Mama at si Daddy kaya marami ang iniisip na kahit hindi kami magkamukha ni Mommy ay kay Daddy daw ako nagmana. How convenient that is. Maliban sa mga first years ay alam na ng lahat ng nasa building ang sitwasyon ng pamilya ko. Paano ba naman na hindi kung halos isang buwan din akong imabsent sa sobrang depressed ko. Anyway, pagkatapos kong magsaing ay bumalik na ako ng kwarto ko to do the other things that I have to do. Mahilig akong gumuhit at magbasa, kaya kung may oras akong bakante ay isinisingit ko ang paggawa ng mga portraits. And yes, one of my favorite subject is Allen. Pero dahil hindi ako makakuha ng tamang timing para malitratuhan siya ay madalas na ginuguhit ko ang mukha niya base sa alaal ko. But since I am not a skilled artist, hindi rin naman ganun kaganda ang resulta ng drawing ko. Pagpatak ng alas nuwebe ay oras na ng tulog ko. Pagkatapos kong maglinis ng hapag, paghugas ng pinggan, pagsisipilyo, at iba pa ay bumabalik na ako sa kwarto ko para matulog. Maaga pa naman ako bukas para gumawa na naman ng template ng document para sa permit letter ng Senior’s ball. Pero habang nasa kama ay hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung ano ang mangyayari bukas. Sana naman ay hindi maagang umuwi si Allen, o kaya naman maagang mag-dismiss ng klase ang teacher namin sa last subject. Kahit ano, basta maabutan ko lang sa classroom nila si Allen. ~ ~ ~ ~ ~ “Hello ulit, B-Bea. Ito nga pala si Jonathan, siya ‘yung assistant secretary,” pagpapakilala sa akin ni Ashley sa lalaking nasa tabi niya at nasa harap ko ngayon. “Oo nga pala, Ashley. May ginawa nang template si Bea kanina,” banggit ni Jack sa kanya. “Hindi ba, Bea?” Bigla na lang akong siniko ni Jack sa braso nang hindi ako kaagad na nakasagot sa kanya. “Ah, magsasalita pala dapat ako?” sambit ko sabay himas sa braso kong siniko niya, akala ko ay tatango lang ako rito. Pero sa totoo lang ay hindi ko rin talaga alam kung ano ang sasabihin. Natulala na lang ako nang makita ang lalaking kasama ni Ashley. Oo. Ang lalaking tinatawag nilang Jonathan. Tumikhim muna ako bago ko inilahad ang kamay ko sabay sabi ng, “Hello, I'm Bea. Nice to meet you.” Hindi man masyadong halata pero nanginginig na talaga ang kamay ko sa kaba. Buti na lang at kaagad na kinuha ng assistant secretary si ang kamay ko. Tinitigan niya muna ako sa mata bago niya binitawan ang kamay ko. “Jonathan. Kilala ka ng marami kaya alam ko na rin ang pangalan mo. Nice to meet you na rin,” he sternly replied. “Oh gosh,” bulong ko sa sarili ko. “Bea?” tawag sa akin ni Jack nang bigla akong bumulusok sa sarili kong pantasya. “A-Ah, yes. Yes. Hindi ko alam… I mean, hindi ako ganun ka-aware,” pagpapakumbaba ko. Maraming nakakakilala sa akin sa school. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun at madalas na sinasabi ng mga kaibigan ko na malamang ay dahil sa ugali kong napaka-scheduled oriented. At sa ganda ko na rin daw, saka dahil na rin sa family background ko. Pero wala akong panahon na mag-isip sa kung paano ako nakilala ng assistant secretary ng 2A dahil ang mas malaking katanungan na umuukopa sa isipan ko ngayon ay ang mga katagang, “Paano na si Jonathan ay si Allen pala?” “Jack,” bulong ko kay Jack noong inaayos pa lang ni Ashley ang teacher’s table na pag-gagamitan namin sa meeting, “akala ko ba Allen pangalan niya?” dugtong ko. Sinubukan ko na maging tahimik hangga’t sa makakaya. Bumulong ako para hindi marinig ni Ashley at lalong-lalo na ni Allen ang tanong ko. Kaso nga lang, nakalimutan ko na hindi pala kami parehong mag-isip ni Jack. “Ahh,” malakas niyang wika, “si Jonathan?” turo niya kay Allen na nag-aayos pa ng laptop niya, “Allen din naman talaga siya. Second name niya lang ‘yun.” Napalingon naman sa amin si Ashley at Allen nang marinig ang malakas ba boses ni Jack. “Hindi ka ba daw si Allen, Jonathan,” natatawa na sumbong ni Jack kay Allen. Napangisi na lang ako ng manipis nang tingnan ako ni Allen.  Naku. Naku. Naku. May bakla akong makukurot ang singit mamaya. “Ako nga si Allen. Jonathan Allen. Iyan ang complete name ko,” paliwanag niya sa akin. “We just call him Jonathan,” tugon naman ni Ashley, “‘yan na kasi ang nakasanayan namin dati noong junior high school. Jonathan. But I guess some call him Allen now.” “O-Okay… sorry for making a mistake about it, Al– Jonathan.” “Ayos lang naman kung Allen ang tawag mo sa’kin. Hindi ko naman tinatago ang pangalan na ‘yan,” aniya sabay angat ng screen ng laptop niya. Pagkatapos ng saglit na paglilinaw ng maliit na hindi pagkaka-intidihan na iyon ay nagpatuloy na kami sa agenda namin ngayong hapon – ang hiwa-hiwalay ng mga gawain para sa darating na Senior’s ball. “Are we going to so this hanggang sa araw ng ball? I mean itong pag-aasikaso?” tanong ko sa kanila sa kalagitnaan ng pagsusulat ni Jack ng programme para sa ibang event. “Kailan nga ulit ‘to, Ashley?” “Around December pa naman.” December? So, may more or less apat hanggang limang buwan pa kami? “Ang aga naman ata nito. August pa naman, ah,” komento ko. “Hmm, oo. Pero dahil nga marami pang events na magaganap along the way at isang big event ang Senior’s ball mas mabuti kung matapos na natin ang permit at saka mga paperworks na involved dito since matagal ang process niyan sa admin. Dadaan pa ‘yan sa audit at treasurer’s office ng school administrations dahil sa budget na gagamitin. We don't want to cause any anomaly on the month kung kailan mangyayari na ang event, so to avoid any miscalculations, we decided to do it early,” paliwanag ni Jack. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit mabenta sa student’s council ang kagaya ni Jack na madaldal ang bibig. “May point naman kayo. Pero hindi ba’t nakakapagod ‘yun? 5 months tayong mamomroblema dito,” batid ko. “Hindi rin,” tugon ni Ashley, “kasi after nitong paperworks and permits, ipapasa na natin sa iba itong trabaho sa Senior’s ball. Sila na bahala sa final preparations like the props and design sa venue or the application ng lahat ng nasa papers na hinanda natin.” “Oh… kay. I think that's fair enough,” sagot ko na lang nang wala na akong maisip na tanong. Nagpatuloy lang kami sa mga ginagawa namin. Si Jack at Ashley para sa mga formal invitation sa mga teachers habang kami naman ni Allen sa mga listahan ng mga sasaling estudyante. Tahimik lang kaming apat. Pero mas kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Allen. Makailang beses na akong nagtanong, kasali iyong kanina, at ilang beses na rin akong sinagot ng dalawang presidente. Mayamaya rin sila kung mag-usap sa isa’t isa, but here I am with the quiet Allen. Ngunit sa kabila ng katahimikan niya ay kitang-kita rin na nababagot na siya at gusto niya nang matapos ang ginagawa namin. Halos hindi kasi mapalagay ang mga binti niya na panay ang paggalaw. Buti na lang ay nakabukod ang upuan ang laptop niya sa lamesang ginagamit namin. ‘Yung upuan na may armchair kasi ang gamit naming dalawa habang ang mataas na teacher’s chair naman ang gamit ni Ashley at Jack. Dalawa lang kasi ang ganito sa bawat classroom. “Uhm, pinilit ka rin ba nila dito?” sambit ko kay Allen. Goodness! Bakit nagiging madaldal ako ngayon? Akala ko ay hindi na niya ako sasagutin nang ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita. “Oo,” maikli niyang sagot. “I figured it out. Ako rin, eh.” Ngumisi ako ng konti. Pero hindi na naman niya ako sinagot.  Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Saktong nasa panghuling registrant na pala ako. “Halata nga sa’yo na hindi ka mahilig sa student service.”  Nahinto ako sa pagta-type, at saka unti-unting akong lumingon kay Allen na nakatingin na pala sa akin. “H-Ha?” Nabingi ata ako sa boses niya. It's the second time we converse pero kinakabahan pa rin ako. At ang mas nakakatawa pa ay kahit na ako ang unang kumausap sa kanya kanina ay ako pa rin itong kinakabahan.  “Hindi, kasi akala ko hindi mo gusto itong m–” “Ah, no… I mean, hindi naman talaga. Napagtripan lang talaga ako ng barkada ko.” Hindi naman siguro ako nagmumukhang tanga, ano? “Si Jack ba?” Tumango ako at tumawa ng mahina. “Si Jack, si Katelyn, Janna, at Kenneth. Naging officers na kasi silang, ako na lang hindi kasi hindi nga ako mahilig.” “Hmm,” patango-tango na mutawi ni Allen. At ‘yun na rin ang huling usapan namin ngayong araw na ito. Patapos na rin kasi pala sina Ashley at Jack. At nang makita nila na nag-uusap na lang kami ni Allen ay sinabi na nila na uuwi na kami. Balak ko pa sana na makasabay si Allen kahit sa pagbaba man lang sa building pero sing bilis siya ng kidlat kung mawala sa paningin ko. Kumuha lang naman ako ng bag sa classroom. “Hanggang kailan ‘to?” biglaan kong tanong kay Jack habang patungo kami sa sakayan ng jeep. Napalingon siya sa akin. “Kanina ka pa tanong nang tanong, ah. Gusto mo na nga talaga siguro na matapos ‘to, ano? Don't worry, two weeks lang naman ito. Kapag na-approve na ang permit tapos na rin tayo. Ang iba na ang bahala na mag-claim sa budget proposal ng ball sa susunod na buwan. May iba pa naman tayong gagawin na event,” mabilis na litanya ni Jack. Bumuntong-hininga ako. Sana naman tumagal pa ito para magkaroon ako ng maraming pagkakataon na makasama si Allen. “Wow, ang lalim nun, ah. Matatapos din ‘to, huwag kang mag-alala,” batid sa akin ni Jack na walang kaalam-alam na iba ang pinoproblema ko ngayon. I don't care kung ilang events pa ‘yan. As long as kasama ko si Allen ay magiging okay lang ‘yan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD