ANITU THREE

1717 Words
B E A “Nabigay mo na? Pakikuha na lang nun ulit pagkatapos ng klase saka ibigay mo kay Sir Hermosa sa Science faculty. Hm, Bea ha?” Ito ang nakakarinding utos na naman ulit sa akin Jack pagbalik ko ng classroom galing sa English faculty. “Akala ko ba si Ma'am lang ang kailangan na pumirma,” angal ko. “Ah, kasi may bibilhin kasi tayong mga gamit. Magtatanong-tanong pa tayo ng mga halaga ng mga bibilhin natin na ‘yun. In short, may financing na involved. Eh, si Sir naka-aassign doon,” paliwanag niya. Bumuntong-hininga na lang ako at saka sinamaan siya ng tingin. “Sa susunod, ‘wag niyo na akong pag-tripan, ha,” anas ko sabay hablot ng papel na iaattached daw sa napirmahang papel ni Ma'am Suazo mamaya. As anyone might have noticed, I am a slave of my position. Secretary ako ng klase at ng organization namin kaya ako lagi ang napeperwisyo sa paggawa ng mga letters at iba pang mga papeles. Kaya eto ako ngayon, lunch time na, katatapos ko lang kumain sa canteen at bumalik na ako kaagad sa loob ng classroom para gawin ang utos sa akin ni Jack kanina. “What the f*cking paperworks,” sabi ko sa sarili ko. Para tuloy akong underpaid na officeworker sa lakas kong magmura rito. Natapos ko na rin kaninang second period ang pagkuha at pag-hatid ng canvass paper sa Science faculty. Wala si Sir Hermosa nung dumating ako, hindi na rin ako nagtaka dahil class hours pa, kaya nilagay ko na lang ang folder sa lamesa niya na may kasamang sticky note na may nakasulat na, From Beatrix Andana of Grade 12 1A. Secretary po ako ng Artistic Minds Society, ito po ‘yong hinihingi niyo sa president namin na list of materials for canvassing. Tapos nakalakip sa ibaba ng note ko ang email address at phone number ko incase na may gusto siyang sabihin o itanong sa akin. Hindi ko gusto ang trabaho ko pero hindi rin naman ibig sabihin nito ay buburarain ko na lang ang mga detalye ng mga papeles ng organization namin. How cheap could it be kung gagawin ko ‘yun. “Kailan pa ‘to matatapos?” Katatapos ko lang sa isang file, kaya binuksan ko na naman ang sunod na file.  Maliban kasi sa secretary duties ko sa organization ay may duties pa ako sa classroom namin. Yup. Sinagad na ng mga barkada ko ang kalokohan nila. Dalawa pa lang kami sa classroom kanina noong nagsimula ako. Ngayon na natapos ko na ang isa, paglingon ko ay halos mapuno na ang mga upuan sa loob ng classroom. “Ang bilis naman atang tumakbo ng oras.” “I agree!” “What the… goodness naman Jack oh,” angal ko nang bigla na lang sumulpot sa likod ko si Jack.  “Anong ginagawa mo?” tanong niya sa akin sabay singit ng mukha niya sa balikat ko. “Aray!” bulalas niya nang hampasin ko ang pagmumukha niya. “Ano pa ba edi ‘yung mga utos mo.” “Talaga?” gulat niyang tanong, “Tinapos mo na during class hours? Wow, ang sipag mo naman.” Base sa tono ni Jack hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o iniinsulto. Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang ipinagpatuloy ang pagta-type. Mayamaya pa ay tumabi na sa bakanteng upuan ni Louis si Jack. “Nag-text sa akin si Sir Hermosa kanina, sabi niya na received na daw niya ‘yung folder. Pinuri pa nga niya kasi ang linis daw ng pagkakagawa mo,” pahayag niya sa akin na. “Hm? Bakit hindi niya ako tinext kung natanggap na niya.” “Bakit ka naman niya itetext?” “Nag-iwan kasi ako ng email address at phone num– ah, okay na pala. Ang sabi ko dun, kung may gustong itanong o sasabihin niya lang ako i-message.” Pagkatapos kong banggitin ‘yun ay nagpatuloy lang ako sa pagtatype. Template na lang din naman itong ginagamit ko kaya konting edit na lang ang ginagawa ko. “Wala pa ba si Louis? Matagal siyang bumabalik tuwing lunch time, no?” bigla na namang tanong sa akin ni Jack na tinugunan ko lang ng kibit-balikat. Kailan pa siya nagka-concern kay Louis? “Kahapon pala nagmeeting kami ng president ng kabilang section. Nag-set na kami ng date kung kailan ‘yung magiging Senior’s ball natin. Last year na natin this year kaya sana naman gawin natin ‘tong memorable…” Ah… oh Jacky Jack. Ang bilis mong basahin. Ang dami niyang pang sinasabi eh halata naman na may gusto na naman siyang ipagawa sa akin. Pabagsak kong pinindot ang SPACEBAR key ng laptop ko tapos sinabihan si Jack ng, “Ano na naman ba ‘yan?” sa malamig at tinatamad na paraan. He smiled awkwardly then said, “Ah… uh. Tapusin mo muna ‘yan.” “Jack,” maikli kong bigkas. Pangalan pa nga niya ang binanggit ko ay nangangatog na siyang kumapit sa braso ko sabay sabi ng, “Pakigawa ng proposal letter ng Senior’s ball natin, Bea!” Napabuga ako ng hangin. Tama nga ako ng hinala. “Nakakapudpod naman ‘to ng utak, oh. Nakakapagod pa naman mag-type ng formal letters.” “Pasensya na, Bea. Don't worry, malapit na rin namang matapos termino natin.” Lumingon ako sa kanya at inirapan. “Sa susunod kung gusto niyong maging officials huwag niyo na akong idadamay, ha. Kung ayaw niyong masuntok sa ilong, makikita niyo,” banta ko sa kanya tapos ay binilisan pa ang pag-click ng save, x, at pag-type ng file name ng document na ginagawa ko. I ejected the flash drive from my laptop then hand it to Jack. “Tapos ka na?” aniya. “Obviously. Duh.” “Woah! The best ka tagala, Bea!” mutawi niya sabay yakap sa akin. Akala ko ay tapos na si Jack sa sadya niya sa akin nang sinundan pa niya ito ng isa na namang saad. “Oo nga pala. Ibibigay ko sa’yo mamayang gabi through email ‘yung copy ng e-signature ng president ng kabilang section, ha. Mamayang gabi pa naman niya isesend sa akin.” “Sino nga ulit president nila? Anon ga ulit pangalan nun?” “Si Ashley. Pero naturally, secretary to secretary ang transaction natin. Kaso ‘yung secretary nila nagka-dengue kaya unavailable, kaya ‘yung assistant secretary nila ang magiging kasabayan mo.” Phew. Ang daming pasikot-sikot. “So, sino ‘yung assistant secretary nila?” “Si Jonathan.” “Ah,” maikli kong sagot. Hindi ko siya kilala. Akala ko pa naman letter making lang ang trabaho rito, pati pala pakikipag-negosasyon. Wait. “‘Di ba sabi mo kasama natin sa event na ‘to ang kabilang section?” Tumango si Jack. OMG. Goodness gracious! Ibig sabihin din ba nito ay makikita ko si Allen? I mean, I can use the permit making process as an excuse para pumasok sa classroom nila Allen at makita siya araw-araw I'm sorry, fellow schoolmates and classmate. Hindi ako ang inaasahan niyong gracious and high-status Ms. Intramurals na sinasabi niyo. If there's anything that I can describe myself it might be cunning. Ewan ko lang kung anong tingin ng iba sa akin, pero para sa akin, personally I feel so cunning for just thinking about advantageous it is for me pagdating kay Allen. “Leave it to me,” nakangiti kong saad kay Jack sabay tapik sa kanyang balikat. He looks confused but who cares, ako lang naman ang may alam ng taong gusto ko. Ayaw ko kasi ‘yung pakiramdam na may nang-aasar sa akin tungkol sa mga taong gusto ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Louis, tapos sumunod ang first subject teacher namin ngayong hapon. Wala namang masyadong interesadong bagay nangyari sa buong klase maliban sa quizzes at iilang mga activities. We have two subjects in the afternoon. Konti lang kumpara sa three subjects sa umaga pero mas nakakapagod dahil oras ng siyesta. “Okay. That's all for today. Don't forget to turn in your assignment tomorrow as we have to see who among you understood Plato’s Allegory of the Cave,” anunsyo ni Ma’am Montero sa amin bago niya kami dinismiss. Paglabas ko ng classroom ay agad na bumungad sa amin ang dagsa ng mga estudyanteng nauna ng natapos ang klase. At syempre, balik sightseeing na rin ako kay Allen. Pasimple na naman akong dumaan sa pinto ng classroom nila para silipin siya. Saktong patayo na si Allen kaya sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa lumabas na siya sa harapan na pinto ng classroom nila. Tahimik lang siyang lumabas at lumiko patungo ng hagdan, at dahil wala na siya sa building ay ibig sabihin lang nito ay safe na ako na dumiretso sa may balcony para doon ipagpatuloy ang pagsunod sa kanya. I look at him from above. Tanging ang shiny na buhok niya, kulay puting uniform, at itim na bag niya lang ang nakikita ko mula rito sa itaas. But I'm fine as long as I can see him off. Hm? Do I still have another task to do? Sa pagkakaalam ko ay natapos ko na ang lahat ng letters today, maliban doon sa bago na para sa Senior’s ball. So, I think it's fine to leave now. I turned around to get my backpack when Jack came walking towards me asking about another thing. “Bea, tapos mo na bang kausapin ang assistant secretary ng 2A?” Naibagsak ko ang balikat ko sa narinig ko. Hays. I guess I still can't leave yet. “Bea?” “Tsk,” irap ko kay Jack, “panira ka talaga ng moment minsan,” sabi ko sa kanya bago padabog na naglakad papunta sa harap ng classroom nila Allen. “Oh, saan ka pupunta?” “Sa 2A. Halika nga dito at ituro mo sa’kin kung sino ‘yang Jonathan na ‘yan,” untag ko. Si Allen lang naman kasi ang kilala kong lalaki sa 2A na hindi ko naging kaklase noon. Sayang naman at wala na sa room nila si Allen. Sana pala dumiretso na lang ako rito kanina. Ito kasing si Jack hindi kaagad sinabi sa akin na may gagawin pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD