B E A
“And you look miserable again. Ano ba ang problema?” tanong sa akin ni Jack.
Break namin, and as usual, Jack occupies Louis' seat to talk to me briefly. At since magkatabi na rin kami ni Cheska, the three of us begin to have a conversation.
“Problema?” I paused, “‘Yung mga pinapagawa mo sa akin ang problema. Goodness naman Jack, oh. Kailan ba ‘to matatapos?” angal ko sa kanya kahit na wala naman talaga akong problema sa mga pinapagawa niya sa akin. Hinihintay ko na nga lang ang final copy na nasa kabilang section at mapapadala ko na through email ang letter sa isang approver na teacher. May leave kasi siya ngayon kaya online muna ang transaction ko sa kanya.
“‘Yan na naman ba pinoproblema mo? Mukhang hindi ka naman nahihirapan, ah,” puna ni Jack, which is a fact. Medyo tinatamad lang ako gumawa ng ibang bagay na hindi ako interesado but I am not struggling.
“Bea!” biglaang sigaw na naman ng kaklase namin na malapit sa pinto ang upuan. “May naghahanap sa’yo,” untag niya.
“Si Jonathan na naman ba ‘yan? He sure is your regular visitor, Bea,” komento ni Jack.
Nagpigil ako ng tawa. Ayaw kong ipakita na kinikilig ako o masaya sa pagpunta ni Allen sa classroom namin. Pangatlong beses na ata niya ito.
“Shut up, Jack,” maikli kong pag-kontra bago naglakad patungo sa pinto.
I may not be smiling. Naka-poker face man ako pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako excited na makita si Allen. Noong palapit na ako ng pinto ay naiisio ko tuloy kung maganda bang pag-usapan namin ang tungkol sa libro na nabasa ko. O kaya pahiramin ko siya nun para naman malaman niya na mas maganda ang magbasa kaysa manood.
But, in my disappointment, ibang tao ang nadatnan ko sa labas.
“Good afternoon, Bea,” pormal na bati sa akin ng pamilyar na mukha. Of course he should be familiar since matagal na kaming estudyante ng paaralan na ito.
“Hey… Kurt. What brought you here?” tanong ko. I am trying to hide the anti-climactic feeling that I just felt after seeing a diff person.
“Ito na ‘yung flash drive. Nandyan na rin ‘yung final document na isesend mo kay Ma'am sa email,” Kurt informed me in a very professional manner.
“Sure. S-Salamat.”
Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol kay Allen but that would be too suspicious.
Bumalik muna ako saglit sa upuan ko.
“‘Yan na ba ‘yung last document, Bea?” bungad agad sa akin ni Jack pagbalik ko.
“Yup,” I hurriedly replied saka inilagay sa bag ang flash drive tapos ay umalis ulit.
Lumabas ako ng classroom namin para bigyan ng kasagutan ang sarili kong tanong na hindi ko masabi-sabi sa iba. Kagyat akong sumilip sa pinto ng classroom nila Allen para silipin kung pumasok ba siya.
“Ah. He's there.” Mukhang tapos na ang duty ni Alleb bilang assistant secretary dahil bumalik na si Kurt.
I guess nothing really lasts forever. Farewell to the moments I had with Allen.
“I'm really sure that you're not feeling well today, Bea,” puna ulit ni Jack na sinalubong pa talaga ako sa pintuan.
Sino ba kasi ang sasaya kung double kill ang bad trip ko today?
“Whatever, Jack.”
~ ~ ~ ~ ~
6:49 PM. Kanina pang 4:30 ang dismissal namin pero nandito pa rin ako sa classroom namin. Nagbabasa ng libro na kabibili ko lang kahapon. Yup, that book with pagan content, The Da Vinci’s Code by Dan Brown. Mag-isa lang ako rito sa classroom kaya naman nakakapag-focus ako sa pagbabasa… or so I thought when Jack and Cheska entered the classroom with their jogging pants.
Oo nga pala, mga athletes pala ang dalawang ito. Si Cheska sa badminton habang volleyball naman si Jack. May practice sila tuwing Monday, Wednesday, and Friday. MWF for short.
“Oh, bakit nandito ka pa, Bea?” tanong ni Cheska na inilalapag dalang bag sa upuan niya.
“Woah, the bookworm is still here. Ano na naman ba ‘yang binabasa mo at bakit hindi mo na lang basahin ‘yan sa bahay niyo?” saway ni Jack.
Well, I would love to read it peacefully in my room. Kaso kung uuwi ako ay malamang isusumbong ako ni Mommy at Daddy kay Papa na bakante ako sa mga oras na ito. I told Papa about telling him if I can visit his family in the hospital or not, lalo na kung busy ako. But obviously, hindi ako busy. At kapag hindi ako busy, it only signifies that I have to visit them. Eh, dahil sa ayaw ko kaya nandito lang ako sa classroom ngayon. Nagpapalipas ng oras.
Hindi ko sinagot si Jack. I almost forgot that he can be an attention seeker sometimes then told me, “Hey, don't tell me may nangyari na naman sa bahay niyo?”
I froze. Napahinto ako sa pagbabasa which I regret because Cheska noticed my agitation. Like what I said, Cheska is a sharp girl. Lalo na kung madalas mo na siyang nakakasama.
“Bakit?” sabi niya.
“Jack, I hate you,” anas ko.
“So, I was right. Ano ba kasi ang nangyari?” he asked. Nagmadali silang dalawa sa pagbibihis. Akala ko ay tapos na sa pangungulit si Jack nang nagsalita siya ulit. “Bea, ano na? Tell us more… ah, oo nga pala,” Jack paused. He must have realized that Cheska doesn't know well about my family issues.
“It's fine now, Jack. Mukhang na-gets na rin naman ni Cheska ang sitwasyon.”
“Sorry,” he said while awkwardly showing his teeth, “uhm, dagil umiiwas ka sa inyo ngayon. Ba’t hindi na lang tayo pumunta ng mall? You know, to have dinner. Libre ko.”
“I don't mind,” sabi ko. Balak ko rin naman talaga na sa labas na lang kumain.
“How about you, Cheska?”
Cheska looked at me reluctantly. Sa palagay ko ay alam na niya na may posibilidad na mapapag-usapan namin ni Jack ang tungkol sa pamilya ko. She must be being considerate and does not want to cross the line.
“Cheska,” tawag ko sa kanya, “it's fine, sabay na tayong mag-hapunan,” aya ko.
Since it's already 6 PM at magsasara na ang gates ng school by 7 PM ay hindi na kami nagtagal pa.
When we are in the mall ay pumunta kami kaagad sa isang family restaurant. We are quietly eating. Normal lang. Siguro nagugutom na rin talaga itong dalawa galing sa practice nila. Nagiging relax na rin ako lalo na at patapos na ang dinner hours. Pero bigla na lang nag-ring ang cellphone ko sa bag.
It's Papa. He must have remembered about tonight.
“Hello, Sweetie,” bati niya sa kabilang linya.
“Hi, Papa. I'm sorry I forgot to text you o kaya si Manong Greg man lang. Naging busy lang talaga ako today,” simula ko na puno ng kasinungalingan.
“Oh, are you? Uh, are you still busy right now? Kung gusto mo I'll have Greg to fetch you there. We can still have dinner together.”
“At the hospital?” tanong ko na medyo natatawa, he sure sounds desperate to even invite me dinner inside his wife’s hospital room.
“Uh-huh.”
“Ah. Sorry, Papa. But I already had my dinner with my co-officers. Hindi naman kasi pwedeng magpatuloy kami ng hindi kumakain.”
“Oh, really? S-Sure.”
“Yes, Papa. I'm sorry kung hindi ako makakabisita. Bye,” I said then hastily dropped the call.
“Woah, that was cold,” komento ni Jack. “Grabe, pang best actress ang acting. Ano ba kasi ang nangyari? Sino ba ang nasa hospital?”
“Ah, wait!” sabad ni Cheska, “are you sure na okay lang sa inyo na nandito ako? It's your family issue, Bea.”
I scoffed. “Ano ba, Cheska. It's fine. Hindi ko naman tinatago sa lahat ang tungkol dito. Isa pa, our schoolmates partially know about this.”
Nagugulat pa rin ako sa impact na nabibigay ko sa mga tao sa paligid ko, pero aware pa rin naman ako na maraming nakakakilala sa akin by my name. And they even start to assume my personality and habits based on what they see.
“Well, my father and his wife just had their first born, and they want me to visit the baby tonight.”
Napatakip ng bibig niy si Jack. “OMG. Isn't that too cruel?”
“It is pero mukhang hindi nila ito na-realize kaya ako na lang mismo ang gumawa ng paraan.”
After I dropped the news, Jack talked a little more about the misinformation that Cheska might have heard about me on the campus.
“So, hindi totoo na sporty ka?” ani ni Cheska na para bang hindi niya inaasahan ang balitang ito.
“Of course. Kayang makipagsabayan sa iba ang katawan ko pero hindi nitong kayang tumagal. Kapag nasobrahan ako sa paggalaw madali lang akong madapa. I was even asthmatic in my early years.”
“Nagulat ka talaga dun, Cheska?”
“Oo naman. May balak nga siyang irecruit ng captain namin sa badminton noon, eh.”
“Ano pa ang gusto mong malaman?” saad ni Jack.
We continued talking a little more. Medyo nakakailang lang at times kasi tungkol sa akin. We talked about my sister who they thought is a model, about my father’s mistress that they said is an actress, and about me being a no-fear woman.
“Hindi naman ako perfect,” sabi ko, “nakakahingal pakinggan ang mga misinformation niyo sa akin.”
“But Bea, you are able to pull it off. I mean hindi ka man perfect but you are still trying your best,” batid ni Cheska.
Kung saan sinagot ko ng puno ng sinceridad, “Thank you.”
“Ah! Isa pa pala,” sabad ni Jack. Naka-ilang beses na revelation na itong si Jack, ah. Kung hindi dahil sa daldal niya kanina hindi sana ako malulungkot ng tuluyan ngayon.
“Ano na naman?” angal ko.
“Bea is also a good liar,” he said proudly as if it's a thought that is worthy of the Eureka!
Magsasalita na sana ako para mag-reklamo at itanggi ang sinabi niya nang magsalita si Cheska. “Yup. napansin ko nga.”