B E A
“Kailan nga ulit ‘yung binyag ng bago mong kapatid, Bea?” tanong sa akin ni Jack.
Lunch time namin ngayon at kasabay ko si Jack at Cheska. Unconsciously, after we told Cheska about the circumstances I have with my family things just became easier with her. Sa katunayan pa nga ay unti-unti na siyang nalalapit sa amin. And the next thing we know is that we are already a squad of three, which is fine though because Cheska is mature. Mas matura pa kay Jack.
“Last week ba ng August ngayon? Probably next month, first or second week next month.”
“Pupunta ka?”
“Of course not. Hindi ko pa kaya, no.” Isa pa alam ko rin na na-aattend sa binyag ang mga magulang nung babae ni Papa.
Isn't it awkward for all of us?
“Well, it's up to you. So, anong palusot na naman ang gagamitin mo this time?”
“I don't need one. May event tayong gagawin next month, hindi ba?”
“May event na naman?” tanong ni Cheska na parang nababagot na sa dami ng mga dapat gawin.
“Unfortunately,” maikli kong sabi.
“Cheska, stop complaining okay?” saway ni Jack.
“It’s fine to complain. Hindi naman lahat nasisiyahan sa mga event,” untag ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Jack. “By the way, Cheska sumali ka sa organizers, ha. Ikaw rin Bea.”
“Bakit naman? Ang tihitahimik ng buhay ko.”
We are short staffed. Hindi naman kasi lahat gustong makisali sa pag-organized ng event na ito kaya madalas ang mga class officers lang ang mga nagtutulungan. I can't blame them kasi hectic din naman talaga ang schedule lalo na at katatapos lang ng exam namin.
“Sige na. Tulungan mo na rin kami ni Bea,” pamimilit ni Jack.
I don't really mind kung sino ang makakasama ko, as long as matapos lang ng maaga at maayos ang mga gawain, okay na ako doon.
“Tara na? May results pa tayong titingnan,” aya ko.
Yup, the results for the examinations yesterday are out. Hindi ako nag-aral ng maayos dahil sa mga pangyayari sa bahay pero hindi rin naman ibig sabihin nun ay hindi na ako nag-review.
Papunta pa lang kami sa bulletin board na nasa ground floor ay hindi mahulugang karayom na ang siksikan ng mga tao. Lahat din sila ay naka-krus ang mga daliri o kaya ay nagdadasal na sana ay nakapasa. Dahil tigdadalawang section ang meron sa honor’s class mula grade 7 hanggang grade 12 ay may anim na mga papel para sa listahan dito.
“Basta nasa top 20 ako, okay na ako doon,” saad ni Jack. Pero kahit na sabihin niya ito ay alam naman namin na never siyang bumagsak sa top 5 ng klase namin at top 10 ng joint grades ng section A1 at A2.
50 students ang population of each section. Tapos may mga tatlong uri ng ranking. The top 100 kung saan ito ang combined ranking ng dalawang section, kung saan ang bottom 5 ay kailangan na mag-make-up class tuwing Saturday para makabawi sa grades nila. Top 10 for combined ranking. At tig top 5 sa bawat section.
“Aray!” bulalas ng isang junior namin na natumba sa sahig dahil sa gitgitan sa harap ng bulletin board.
“Hala,” Jack uttered as soon as he noticed the woman. While Cheska is still behind us, mukhang wala ata siyang balak na tingnan ngayon ang rank niya. Well, she can check this out later kung saan konti na lang ang tumitingin.
Noong walang nakapansin sa babae at panay pa rin ang pagtapak at pagbangga sa kanya ay hindi na ako nanatiling nakatayo lang. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya.
“Here. Medyo intense pa ang sitwasyon dito,” mutawi ko tapos ay hinila siya para makatayo.
“S-Salamat po, Ate Bea.” Base sa suot niyang kulay pula na lanyard ay isa siyang grade 9 student.
“It's nothing,” nakangiting wika ko sa kanya.
As soon as I was about to return to where Jack and Cheska are standing ay napansin naman ako ng ibang estudyante.
“Si Ate Bea.”
“Hoy! Tabi. Tabi! Dadaan si Ate Bea.”
“Andyan si Bea, padaanin niyo.”
Nagmistulang bubuyog sa mga bulong-bulungan nila ang mga junior ko.
“Naku, okay lang mama–”
“Thanks, guys,” sabad ni Jack at Cheska na pareho akong tinulak papasok sa kumpulan.
“Hoy, ano ba? Ba’t kayo nanunulak?”
“‘Di ba? Sabi ko sa’yo, dumikit ka lang kay Bea at may free access ka sa lahat,” mayabang na bulong ni Jack kay Cheska.
“Anong free access ka d’yan?”
“Dige na, Bea. Nandito na rin naman tayo, tingnan na lang natin ang ranks natin, hm?” Jack insisted.
Oh well, he has got a point.
Hindi ko pa man nakikita ang bulletin board ay may mga spoiler na sa paligid.
“Congrats, Ate Bea! Ikaw na naman ang top one sa klase niyo.”
“Oo nga, Ate. Effortless ka talaga sa lahat ng bagay,” sabi ng mga bata sa paligid ko.
Tumingala ako sa bulletin board. Mula ibaba ay nakita ko ang pangalan ni Jack at Cheska sa overall ranking:
4. Zackary M. Jack
5. Kilver S. Guipitacoo
6. Francheska C. Cajes
Itinaas ko pa ng konti ang tingin ko and that's when I found my name.
1. Beatrix S. Andana
Oh. So, I really made it in top 1 kahit na hindi ako nag-aral ng maayos. Binasa ko ang pangalan na nasa baba ng pangalan ko. It's Kurt. Yup, that Kurt who is the secretary of section A2. I guess naging top 1 ako kahit nawala ako saglit sa focus dahil sa nagka-dengue si Kurt.
It might not be too obvious but Kurt and I are rivals pagdating sa puwesto na ‘yan. And it's not real na effortless ang pagiging top student ko. I am doing my best. Nag-aaral din ako kagaya ng marami.
“Congrats, Bea,” bati sa akin ni Cheska.
“Congrats din sa inyo.”
Nahati ulit ang kumpulan nang dumaan kami paalis. Sinalubong naman kami ng mga pagbati ng mga junior na nadadaanan namin. May iba pa nga na hindi namin kilala ng personal.
Maliban sa natapos na ang examinations namin at nalagpasan ko na ang araw na inimbita ako ni Papa sa hospital, halos tatlong linggo na rin ang nagdaan simula noong huli kong nakausap si Allen.
Para bang pinagbigyan lang ako saglit ng tadhana na makasama siya sa labas ng school saka tapos na. ‘Yun na ‘yun at baka wala ng sumunod pa na moment naming dalawa.
“Bea is a natural genius, hindi na niya kailangan na mag-aral ng sobra-sobra para maging top 1,” sambit ni Jack.
“Shut up, Jack.” Tinulak ko siya ng mahina.
“No. No. I’m kidding. Mabilis naman niyang pagbawi sa biro niya.
“Hindi naman sa matalino ako masyado, sakto lang naman. The secret is to read the text properly at ang mag-aral ng mabuti.”
“She’s very studious,” sabi ni Jack kay Cheska sa pabulong na paraan.
“So, hindi totoo ang mga sinasabi nila na mataas daw IQ mo?”
I scoffed. Oh gosh! Goodness gracious! “May mga ganyang usap-usapan din pala?”
“Oo. Akala ko alam mo.”
“Of course, I wouldn’t know,” I frankly replied.
Ang cringe kaya kung papakinggan ko ang mga tsismis ng iba tungkol sa akin. I am not a narcissist to enjoy such thing.
Magsasalita pa sana si Jack nang dumating na si Louis. Umalis na siya sa tabi ko at bumalik na sa upuan niya sa likod. Now that it almost 1 o’ clock and then eventually uwian na naman. Gagawa na naman kami ng plano para sa event naming next week.
~ ~ ~ ~ ~
“It’s called The Battle of Olympus,” anunsyo ni Ashley. Nasa loob na naman kami ng classroom ng section A2. And I am here again being involved to another event.
“It’s basically a competition among the year levels. At tayong lahat na nandito from different year levels ang representatives to organized this event,” dagdag naman ni Jack.
Ang dami nga talagang iniisip nitong mga president ng klase, ano? Siguro kung naging president ako malamang ay matagal na akong tinamid.
Sinuyod muna ni Ashley ang mga tao sa upuan. Lumingon din ako para kunwari ay ginagawa ko siya when actually I was just trying to see Allen’s empty seat.
“I request everyone to seat with your batch mates. Starting from grade 7 in front then grade 12 sa likod,” sambit ni Ashley when she’s done scanning the seats.
Kararating lang namin ni Cheska rito kaya hindi rin namin alam kung ano ang gagawin kaya sumunod na lang kami sa sinabi ni Ashley. Noong nasa likod lang kami ay tanging si Kurt lang ang representative mula sa section A2.
“Congratulations, Bea. Top 1 ka na naman ulit,” bati niya nang tumabi siya sa akin.
“Congrats din, Kurt,” tugon ko naman sa kanya.
Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya except that he is one of the few people na madalas kong nakikita sa baba ng pangalan ko sa listahan ng ranking. At pangatlong beses na siyang nasa baba ko, he must be working hard these days.
“Ikaw lang ba ang representative ng klase niyo?” tanong sa kanya ni Cheska sa kanan ko. Bale mula sa pinto ay may bakanteng upuan pa tapos si Cheska, Ako, at si Kurt.
“Hindi, may isa pa pero lumabas na muna siya saglit,” sagot ni Kurt, “babalik din ‘yun.”
Itinaas ko lang ang kilay ko bilang tugon. It’s not like I care.
Sa kabilang banda ay nagpatuloy lang sa pagbabahagi ng instructions sina Ashley at Jack.
“Each grade levels must have their representative gods as their team names. May Zeus, Poseidon, mga ganun. Okay?”
Sabay-sabay na sumagot ang mga nakikinig sa kanila, lalo na ‘yung mga grade 7 hanggang grade 9 na madalas ay masunurin pa sa aming mga senior high school.
“Sige. Lumapit dito ang isa para bumunot ng pangalan ng team nila,” anunsyo ni Jack, “let’s begin with the people at the back.”
Nagtinginan lang kami ni Cheska, tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako. “Ako na. Mahihirapan ka pang lumabas,” aniya tapos ay mabilis na lumabas sa hilera ng mga upuan.
She got a point. Dahil napapagitnaan nila akong dalawa.
“Wala rin bang gusto na mag-participate sa inyo?” wika sa akin ni Kurt the moment Cheska left us alone.
“Wala, eh. Ewan ko bas a kanila, para namang ikauubos talaga ng oras nila ang pagsali sa mga ganitong meetings,” reklamo ko. “Pero sabagay, mas madali naman talaga ang magkalat at magsaya kaysa sa mag-organized.”
“Kaso hindi ba may mga category na kailangan ng mga representatives? Kaya gusto man nila o hindi, kakailanganin pa rin nila na sumali rito.”
Hindi ko alam ang parting iyan. Again, pinilit lang kami ni Jack na pumunta rito. I’m sure Kurt thought I knew about this. Pero nakakapagod nang magpaliwanag. He will surely misunderstand kaya nginitian ko na lang siya. Sakto naman at pabalik na si Cheska. Handa na sana akong salubungin siya ng tanong. I wanted to ask her kung anong Greek god ang nabunot niya para sa batch namin nang bigla na lang siyang huminto. At imbes na siya ang makita ko sa tabi ko ay ibang tao ang nandito.
“A-Allen,” I uttered in surprise.
“Bea, ikaw pala ‘yan,” sabi niya sa malamig niyang boses. He sounded tired and bored.
“Jonathan, ang tagal mo atang nakabalik?” tanong naman sa kanya ni Kurt.
“Ininit pa ni Manang ang champorado nila. Hinintay ko na lang,” Allen said in a very casual manner. I mean, he also talks to me casually pero matagal-tagal na rin simula noong huli kaming nag-usap kaya medyo nanibago ulit ako sa pananalita at tunog ng boses niya.
“Ahh, si Jonathan pala ang isa niyo pang representative,” ani ni Cheska na nasa tabi na ngayon ni Kurt naka-upo. “By the way, si Athena ang Greek goddess natin.”
Tama ba ang dinig ko? Jonathan din ang tawag ni Cheska kay Allen.
“Nice, may naisip na ako. Para sa Display of Gods,” sabik na pahayag ni Kurt.
“Display of Gods? Para saan ‘yan?” tanong naman ni Cheska na binibilog-bilog na ang papel na may sulat ng pangalan ng Greek god namin.
“Para siyang modeling. Bale presentation siya ng costume ng god or goddess na nabunot natin.”
“Ooh,” tumatango-tangong mutawa ni Cheska.
Ano na naman kaya ang mga contest na meron ang event na ito? Dagdag sakit na naman ‘to sa ulo.
Just when I thought about it, Kurt looked at me with excitement. Para bang may naiisip siyang magandang ideya.
“W-What is it?” sabi ko.
“Alam niyo ba na pwedeng sumali sa mga contest ang mga representative?”
“So?” medyo mataray kong tanong. Hindi ko napigilan ang boses ko sa inis. “I-I mean… so, anong meron doon?” I repeated in the friendliest manner.
“Balak sana namin na ikaw ang gawing pambato para sa Display of Gods,” nakangiti na suhestiyon ni Kurt.
Hindi ako nakapagsalita kaagad, alala ko na lang na tinitigan si Cheska. Balak pa naman pero masama pa rin ang kutob ko sa sinabi ng lalaking ‘to.
Magsasalita na sana ulit si Kurt, pero bigla na lang ako kinalabit ni Allen. Humarap ako at sa sandaling nakaharap ko na siya ay binigkas ni Allen ang mga katagang, “Sang-ayon ako. Maganda at matalino si Bea kaya bagay siya na maging si Athena.”
Oh. Goodness.
Tama ba ako ng dinig?