ANITU ELEVEN

2413 Words
B E A “I didn't have an idea that you'll join here,” sabi ko kay Allen na medyo abala ngayon sa pagbubuhat ng mga upuan mula sa storage room. “Hello, Bea… uh,” saglit muna siyang umiwas ng tingin bago bumalik sa akin at ipinagpatuloy ang sasabihin niya. “Napilitan lang ako. Dalawa raw kasi kayong babae sa kabilang section kaya mas maganda raw kung mga lalaki ang sa amin.” Goodness, para kaming bumalik sa simula. I mean, bumalik na naman siya sa pagiging mahiyain niya sa harap ko. “Aah, yes yes. That's a wise move. Kasi kung nagkataon no babae ang nagbubuhat ngayon ng bangko,” I said despite of stating what's obvious. “Oo,” maikli niyang sagot. Akala ko ay ‘yun na ‘yun, pero masaya ako na dinugtungan pa niya ang sinabi niya. Lalo na kung ito ang katagang iyon, “Ikaw, Bea. Anong ginagawa mo ngayon? Magbubuhat ka rin ba ng mga bangko galing sa bodega?” Woah. He is asking me more questions. Mukhang mali ata ako ng inakala kanina. “Oh, no. Uh. Not really. Apparently dahil sa suggestion niyo ni Kurt ay ako nga ang naging model for Athena’s costume,” nahihiya kong sagot, “I’m practicing her walk and demeanor, right now.” Allen paused. Then looked at me from head to toe before smiling. “Bagay nga talaga sa’yo ang character.” “T-Thank you.” Oh gosh. Nakakasilaw ang ngiti niya. I wonder kung may ibang nakakita. I glanced here and there to check if someone was around and saw his smile. But I guess kami pa lang ang nandito sa quadrangle since nasa bodega pa ang iba. “Bea! Tapos na ang break. Let's go,” pagtawag sa akin ni Cheska mula sa second floor ng building. “S-Sige, Allen. Alis na ako,” paalam ko saka umalis ng hindi man lang hinintay ang sagot niya. Oh goodness! I finally went and told him about accepting the role of Athena. I first hate the idea, lalo na nung sina-suggest pa lang ito sa akin ni Kurt. And especially hate that I have to practice like this just to have my walk look perfect in a crowd. But then it was Allen who told me about it. “... Maganda at matalino si Bea kaya bagay siya na maging si Athena.” I still can remember those lines coming out from his mouth with his straight face. ‘Yun ba ang tingin ni Allen sa akin? Nakaka-pressure pero his intention looks pure. Sa palagay ko sinabi niya lang ‘yun to encourage me. Anyway, ganun man o hindi ang tingin ni Allen sa akin. O kaya totoo ba ‘yun or isang simpleng encouragement lang. I don't care. Basta narinig ko ‘yun mula sa bibig niya I’m fine with it already. Sinong mag-aakala na tatagal ng ganito ang simpleng curiosity ko sa isang tao? “Bea, kaya mo ba ‘tong gawin?” sabi sa akin ng isa namin na kaklase, si Rica. She's quite skillful pagdating sa mga ganitong rampahan dahil suki na siya ng mga pageant. Siya nga ang dating Ms. Intramurals noon. Ipinakita niya sa akin ang isang movie clip ng isang retelling ng Greek mythology. Madali lang naman. I only have to turn around habang iwinawasiwas ang espada ko. On going pa ang paggawa ng costume ko kaya stick na muna ang gamit ko ngayon as props na espada. “Cool. Very good,” batid ni Rica. “From the top. Habaan mo ang lakad mo kasi medyo malayo naman ‘yung runway.” Ginawa ko lang ang lahat ng sinabi sa akin ni Rica. Ilang araw na lang din naman ay magaganap na itong event na ito. After more than an hour of practice ay nagpahinga na muna kami. Bumalik si Cheska dito sa loob ng classroom matapos niyang isurpervised ang mga gumagawa ng costume ko sa section A2. “Lemme see their progress too,” I insisted kaya pumunta ako roon only to see Allen watching them also. “Hi,” bati ko sa kanya sabay kalabit. I know. Ang feeling close ko. Pero dahil ilang beses na rin kaming nag-uusap, hindi naman siguro mali na isipin kong medyo close na nga kami… tama ba? “Ang ganda ng costume mo,” sambit niya. “Well, what can I do? Ang gagaling ng mga kasama natin.” Nasagi ng tingin ko ang oras sa wall clock na nasa taas ng blackboard nila. Alas dose na pala, no wonder we took a break. “Ayaw niyo pa bang kumain?” tanong ko sa mga nagtatahi ng costume ko at nagdidikit ng mga designs sa props kong espada. “Nag-extend kami ng ilang minuto, Bea. Ten minutes na lang,” sagot sa akin ni Kim, na dati ko na rin naging kaklase. “Sure. Huwag kayong magpapagutom, ha. Makokonsensya ako,” ani ko sa kanila. “Ikaw Allen, kumain ka na rin,” I subtly told him then tapped his back before leaving. Sakto naman at nakita ko si Cheska sa pintuan na sa palagay ko ay sinusundo ako para kumain na. “Grabe na talaga ang charisma mo, Bea. Pati si Jonathan ka-close mo na rin,” komento ni Cheska habang naglalakad kami pabalik ng classroom namin. “Close? Hindi naman masyado. Nag-uusap lang kami minsan,” sagot ko. Kahit na ito ang tugon ko I won't deny to myself that I feel good hearing all these. I mean, close ba talaga kami tingnan? Ang hirap din naman kasi lapitan ni Allen. “Uh, mahirap kasi talaga pakisamahan si Jonathan. Ever since na lumipat siya dito dati he gives off an unapproachable aura,” paliwanag ni Cheska, “Although some girls like him kasi nga ‘di ba, he looks mysterious at gwapo rin siya. Pero noong nagtagal mas mahirap na siyang pakisamahan lalo na at may iilan na alam na weird siya.” I do know a lot of this about Allen. Pero ‘yung late years niya lang dito sa school. Hindi ko pa alam kung ano siya dati noong nag-transfer siya. Hindi naman kasi lahat ay sa school talaga na ito nag-aral buong high school years nila. “Baka nahihiya lang siya,” wika ko. “Maybe. Sabagay, huling taon na niya ito. Nagulat nga ako kasi sumali siya as organizer.” “Napilitan daw siya sabi niya kanina,” untag ko. “Talaga? Sumali siya kahit na inaya siya? Woah, that's very not like him, huh. Kahit anong pilit sa kanya dati, hindi pa rin ‘yan pumapayag, eh.” Cheska is really great at knowing people’s personality. “Pati ‘yan alam mo ha. You're really very observant, Cheska.” Pagkatapos ng kunting tsismis namin ay kumain na kami ni Cheska. Maraming gagawin kaya hindi na kami kumain sa labas at nagbaon na lang. Samantala, nasa faculty office naman sina Jack and Ashley para gumawa ng permit para sa mga gamit na hihiramin namin sa eskwelahan para sa staging and designs namin. Kagaya ng speakers, mga ilaw, mixer, basically for technicals ang mga ito. Nagpatuloy kami sa pag-practice ng lakad ko pagkatapos. Mga dalawang oras na practice at nang matapos ay napagpasyhan ko na lang na tumulong sa mga kasama namin. Pumunta ako sa baba para makisali sa ginagawa nilang design ng stage. May iba pa nga na hindi pa ata tapos sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. “Naku, Ate Bea. Kami na ang bahala rito.” “Baka madumihan ang kamay ko, Bea.” “Magpahinga ka na, Ate Bea.” Iilan lang ang mga linyang ito sa mga sinasabi nila sa akin sa tuwing sinusubukan kong tumulong. Bu in the end ay naka-singit pa rin ako sa kanila. Thanks to my persistence ay may nagawa rin ako kahit papaano. I did a few runthrough to the music; the songs and background music that we will use, I checked them all. Habang si Cheska naman ay minamandaran ang iilang junior sa mga props ng stage. Greek mythology ang tema kaya aasahan na may mga pillars at iilang mga kalapati at brick designs ang stage. “It’s already 4:48. Malapit nang mag-five. Pack-up na tayo, guys,” utos ni Jack sa amin. Kababalik lang nilang dalawa ni Ashley, kinausap daw nila ang teacher na naka-assign na mag-advice sa amin sa event na ito. Mabilis din naman na naglinis ang iba. Itinago lang nila ang mga gamit at tapos nang mga props para bukas ulit magpatuloy. “Ikaw na ang magliligpit niyan, Bea?” tanong sa akin ni Cheska na may dalawang isang bag na puro art tools ang laman. “Sure,” mabilis kong sagot saka niligpit ang extension wire para sa mga speaker. Everyone seems more busy cleaning up than when we were doing the tasks assigned to us. Hindi na rin nakapagtataka lalo na at pinili ng marami ang mga gawain na komportable silang gawin o may alam. “Bea?” tawag sa akin ni Rica. Abala pa rin ako sa pag-aayos ng gamit sa classroom. Kung saan-saan na lang kasi nila tinatambak ang mga ito. Basta lang nailagay na sa loob ay okay na sa kanila. “Louis, paki-buhat ng mga beatbox, ha. Tapos itabi mo rito sa drums then ipatong mo ‘yung bags, okay?” mabilisan kong utos kay Louis na saktong dumaan sa harap ko. Hindi naman siya umangal at naglakad na lang kaagad patungo sa dulo ng classroom kung saan doon inilagay ng mga taga-cheerdance team ang mga gamit nila. Habang tumungo naman ako sa pintuan para puntahan si Rica. “Why?”  “May naghahanap sa’yo.” Alam kong ang tanga at ang ilusyonada ko pero hindi ko maiwasan na isipin na baka si Allen ang naghahanap sa akin sa labas. Ilang araw lang naman ‘yun pero nasanay na ako ang mukha ni Allen ang nakikita ko sa likod ng pinto ng classroom namin. “Ito ‘yung listahan ng nagbayad na sa klase namin, Ate Bea. Paki-bigay na lang po kay Kuya Jack.” Isang junior lang pala. Yellow ang kulay ng lanyard niya kaya alam kong grade 8 siya. “Sure. No problem,” sambit ko at nginitian ang babae. Minsan lang mapuno ng mga taga lower level itong parte ng building namin. Probably dahil nasa section namin at sa section A2 ang sentro ngayon ng organizers. Papasok na sana ako ng classroom nang makita ko si Allen na naglalakad patungo sa pintuan namin. Gosh. Look at that shy man walking by himself along the corridor. Malapit na akong magsawa sa itsura ng uniform namin but to see Allen wearing it is so refreshing. Maraming tao sa paligid pero nangingibabaw siya sa paningin ko. “Oh goodness. Napaka ilusyonada ko,” I whispered to myself. And just when I began to give up that thought, Allen approached me with a water bottle. “A-Ano ‘t–” “Kanina ka pa kasi palakad-lakad at taas-baba. Niisang beses hindi pa kita nakita na uminom ng tubig.” Ah. Hindi ako naka-sagot. I am speechless. Ang thoughtful niya naman. Tinanggap ko ang tubig. Marami pa sana akong gustong sabihin pero tanging, “T-Thank you,” lang ang lumabas sa bibig ko. Ngumiti siya ng manipis habang nag-aalinlangan siyang nakatingin sa mga mata ko. “Sige. Good job ngayong araw… bye,” he said before leaving me. That's very surprising. Napaka-unexpected ng ginawa niya. We literally don't mingle today dahil iba't iba kami ng ginagawa then he went here to give me water. “Oh no. Bakit lumalapit may Ate Bea si Mr. Quirky?” “I know right. Sino ba siya sa akala niya para makipag-usap kay Ate Bea.” Narinig ko na usap-usapan ng dalawang juniors na dumaan sa likod ko. Napalingon ako saglit para tingnan kung sino sila. I can't remember their name but I definitely know them by their faces. Kasama namin sila noong isang araw sa meeting ng mga organizers. “Bea, tapos ka na ba? Tara na,” aya sa akin ni Cheska na kababalik lang galing sa kabilang section. “Oo tapos na,” mabilis kong sagot. “Uhm, Cheska…” I reluctantly begin. May gusto kasi akong malaman, and I know that Cheska has a lot of information about this matter. She looks innocent but she's actually sharp kaya best disguise niya ito pagdating sa pagsagap ng mga tsismis sa paligid. “What? Oh, si Jack. Pabalik na ‘yun.” “Hindi. Iba kasi.” “Ah. Edi ano ‘yun?” Luminga-linga muna ako sa loob ng classroom at baka may makarinig sa amin. “Uhm, bakit Mr. Quirky ang tawag nila kay Allen?” “Mr. Quirky? You mean si Jonathan?” Tumango ako bilang sagot. “Aah. Kasi mahilig sa pamahiin si Jonathan noong lumipat siya rito sa school noong junior high.” “Pamahiin? Bakit, may mali ba doon?” “Wala naman. Pero intense kasi siya dati. Naniniwala siya sa mga anitu. Mga nature spirits, ‘yung mga ganun. Tapos nadadala niya sa pang-araw-araw niyang gawain. Nagdadasal pa nga siya sa mga anitu niya dati tuwing recess. Then tahimik pa siyang tao kaya ayun, Mr. Quirky,” kuwento ni Cheska. Gosh. Akala ko nakuha niya ang bansag na ‘yun dahil tahimik siyang tao. At may mysterious aura siya. “Akala ko dahil misteryoso siya,” ani ko. “Hmm. Oo, kasali na rin ‘yun. Marami nga ang may gusto sa kanya noon. Gwapo at misteryoso, ‘di ba ganyan ang madalas na gusto ng mga babae?” Oh gosh. How do I say na ganyan din ako? “K-Kind of,” sabi ko. “Uh-huh. Kaya may mga nagkakagusto rin sa kanya. Pero mas marami pa rin ang nawi-weirduhan sa kanya kaya mas sumikat ang pangalan na Mr. Quirky.” Napaisip tuloy ako kung alam ito ni Allen. Lalo na at ang lakas ng boses ng dalawang babae kanina, at saka matagal na rin siyang nag-aaral dito. Imposible na walang nagsabi sa kanya tungkol dito, and at least he has a few friends who talks to him like a normal person. Kasi nga, normal naman talaga siyang tao. I wonder kung gaano katibay ang paniniwala niya sa mga anitu? No wonder he was too interested in paganism. But I don't really mind tho. May kanya-kanya naman tayong paniniwala. Beliefs, it's not like these are bad things to have.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD