ANITU TWELVE

1532 Words
B E A “Bea! Tapos ka na sa ginagawa mo?” pasigaw na tanong ni Jack sa akin. Nasa stage kasi siya habang nasa dulo ng mga upuan naman ako naka-pwesto. Kasama ko si Ashley na naka-assign sa pag-finalized ng mga design sa entrance ng venue. I rolled my eyes. Jack sure knows how to annoy me. “Excuse me lang, Ashley ha,” paalam ko muna bago naglakad papunta kay Jack. With him are the guys. Si Louis, at iba pa na mga lalaki sa section namin. Tapos si Kurt, Allen, at iba pa na kaklase nila. They are attaching the lights kaya puro lalaki ngayon ang nasa stage. “Don't you think you're on the wrong team?” biro ko kay Jack. “Shut up, Bea,” tugon naman niya gamit ang tono ng boses ko sa tuwing sinasaway siya. ‘Yung may pagka-maldita at maarte na paraan ng pagka-sabi ko. Mabilis din naman akong kumalma sa kanya. Ang cringe niya lang kasing pakinggan. “Bakit ba?” sabi ko para matigil na. Jack smiled at me comically. ‘Yung ngiti na parang may ginawa siyang bagay na ikaiinis ko ng lubos. “What?” anas ko. “Biro lang. Ito naman, oh. May iuutos lang ako.” Sinamaan ko na siya kaagad ng tingin nang marinig ko ang salitang utos. “Ano?” “Uhm, pwede ba na bumili ka ng pisi at pintura sa Mini Depot?” “What?” “Bumili ka ng pisi at pintura sa Mini Depot kako.” Napabuntong-hininga ako sa narinig ko. Bakit ako ang inuutusan ng lalaking ‘to? Sa kay dami ng mga nandito, ako pa talaga. “Bakit ako?” walang paligoy-ligoy kong tanong. Sinuyod muna ng tingin ni Jack ang mga tao sa paligid. Liminga-linga rin siya sa likod niya para masiguradong walang tao. Kung ano man ang gusto niyang sabihin dapat masigurado niya na valid ito. Ang lakas naman ata ng loob niya para utusan ako. Lumapit sa akin si Jack sabay bulong ng, “Hindi pwede na iba ang utusan ko kasi… may nangunguha sa funds natin.” “Ano!?” bulyaw ko sa gulat. Grabe. Kokontin na nga lang funds namin may kukurakot pa? “Oo. Noong isang araw kasi may inutusan ako tapos inutos niya sa iba, pero nung pagdating sa akin ng pera kulang ‘yung sukli. Hindi rin naman basta-bastang madadaya kasi may resibo na ibinigay.” “Ngayon?” “Sige na, Bea. Ikaw at si Cheska lang naman mapagkakatiwalaan ko, eh. Kaso nasa badminton practice pa siya.” Luminga-linga ako sa paligid. Baka may mahanap pa ako na pwedeng mautusan. Pero pati rin ako ay hindi gaanong kilala ang mga taong nandito.  “Hays, sige na nga. Pero ako lang ba mag-isa? Mabigat din ‘yung bibilhin na pintura, ano.” Tumingin ako sa mga bakal na paggagamitan nila ng pintura. “Sa nakikita ko isang kilo ang kailangan niyo diyan. “Sige. Uh, magdala ka ng isa sa kanila. Pumili ka,” saad ni Jack sabay turo sa mga lalaki sa likod niya. Pili talaga? Nag-tunog bugaw naman ata si Jack sa sinabi niya. “Ikaw na ang pumili. Kahit sino pwede basta kayang magbitbit ng isang balde ng pintura,” pahayag ko. Parang ang pangit naman siguro kung mamimili ako. Lumingon si Jack sa mga kasama niya sa stage. Ilang segundo lang ay humarap na siya ulit sa akin sabay sabi ng, “Sige si Jonathan na lang.” “Ah. Okay si Jonatha– si Allen?” Hindi naman sa ayaw ko pero ang awkward. “Mukhang mapagkakatiwalaan siya, at saka magkaibigan din kayo,” aniya, “Bakit? Hindi ba okay sa’yo?” “O-Okay lang naman.” Sobra pa sa okay. Sana lang hindi ko mapagiya ang sarili ko sa harap niya. It's the common feeling that some people feel towards the person they like. The nervousness and stiffness. Nakakakaba dahil baka may masabi o magawa akong nakakahiya sa harap niya. Baka manigas na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. “Jonathan,” tawag ni Jack sa kanya, na siya namang nagpalingon sa halos lahat ng nasa stage, “pakisamahan naman si Bea sa Mini Depot, oh. May bibitbitin kasi na balde ng pintura.” Noong una ay nahahalata sa mukha ni Allen ang pagtataka. Siguro nagulat siya kung bakit sa dami ng mga lalaking nandito ay siya pa ang pinili ni isama sa akin. Tumungo ang tingin ni Allen kay Jack bago lumipat sa akin. Hindi ako kumibo, nihindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Baka kasi naiilang siya at tanggihan lang ang utos ni Jack. Isa pa, hindi rin naman kasi kami ganoon kalapit ni Allen. Nag-uusap pang kami minsan pero kung susumain ay wala ako masyadong alam tungkol sa kanya maliban sa pangalan, edad, at personalidad niya. “Sige,” mutawi niya, “wala namang problema.” Inabot ni Allen ang hawak niyang pisi sa katabi. Iniwas ko na ang tingin ko sa lahat pero kitang-kita sa kanila na nagulat sila sa biglaang pagpayag ni Allen. Bumaba na siya sa stage na walang pag-aalinlangan. Hindi man lang niya pinansin ang mga tao na nakatingin sa kanya sa sandaling lumapit na siya sa akin. “Sure ka na okay lang?” tanong ko sa kanya sa sandaling nakalapit na siya. “Oo. Ayos lang naman. Bakit, tumanggi ba dapat ako sa utos ni Zack?” “Ah, naku! Hindi. That's not what I meant…” Hinawi ko muna ang sagabal na buhok sa mukha ko sabay sagot ng mahina, “Salamat sa pagsama.” I thought he did not hear me. Lalo na at napakahina ng boses ko. Pero narinig ko ang pagpipigil ng tawa niya. Lumingon ako sa kanya, at doon ko nakita ang napakaganda niyang ngiti. Once again in a rare time, I saw his cute little dimple. “Saan nga tayo bibili?” sabi ni Allen. “Ah… sa Mini Depot.” “Tara, sa Mini Depot tayo,” wika niya na para bang siya pa ang nag-aaya sa aming dalawa. Nakatingin sa amin ang lahat habang naglalakad kami palabas mg school. But, I'm sure it's not because we look good together. It must be because of what I heard yesterday. Pero kung anuman iyon ay wala na akong pakialam doon. I admire Allen’s uniqueness. Ang dami ng mga lalaki ang nagkakagusto sa akin but Allen is kind of a challenge to me. Gusto ko ang pagiging tahimik at seryoso niya. Pero gusto ko rin makilala ang masayahin at pilyong bersyon niya. What I want to happen between us is too ambitious. Lalo na at dahil lang naman sa pintura kaya ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama siyang maglakad sa daan ng ganito katagal. ~ ~ ~ ~ ~ “Wait, I’ll ask about the pri –” “Ako na, malayo-layo pa naman ang cashier,” pagboluntaryo ni Allen. Tatanggi na sana ako pero walang pag-aalinlangan na siyang umalis. Nasa Mini Depot. Malapit lang naman ito sa school namin, walking distance lang. Dito rin kami madalas tumatakbo kapag may kailangan kaming materials. Mura ang mga benta nila dito, student friendly ika nga nila. Pero siyempre hindi rin ganoon kaganda ang quality ng mga benta nila pero okay na rin for short term use since for props and quick uses lang naman ang ginagawa namin. “273 daw, Bea.” Ang bilis naman ata iyang nakabalik. Sabagay, may advantage talaga kapag mahahaba ang biyas natin. Kinuha ko na ang pintura. Nasa taas ito ng shelves kaya medyo nahirapan akong abutin. I know medyo cliché pero ginawa talaga ni Allen ang ginagawa ng mga leading man sa mga drama. Pumuwesto sa likod ko si Allen. I felt his warmth behind me then like the main protagonist in a movie, our hands brush against each other. I saw him reaching for the bucket of paint as I turn around to see him. “’Di ba kaya ako pinasama sa’yo para may tagabuhat nito?” he said as he mischievously smiled at me. Goodness gracious! Ano bai tong nakikita ko? Am I allowed to see this side of Allen? “O-Oh… sure.” Dinala rin naman kaagad ni Allen ang pintura patungo sa cashier habang bitbit ko naman ang pisi. I am a few steps ahead of him. “Kumusta naman ‘yung libro na binabasa mo?” biglaan niyang tanong nung natapos na kami sa pagbabayad. “’Yung The Da Vinci Code? Hm, tapos ko na. Just like what I thought, the book is much better than the movie, and I can understand why it has become a controversial novel.” “Mabuti naman,” maikli niyang sabi na medyo nagpa-ilang sa pagitan naming dalawa. Gusto ko sana na tanungin siya tungkol sa mga pinaniniwalaan niya. I have the feeling that I could know more about him kung aalamin ko ang mga bagay na ‘yun. And I am quite open minded. Despite of the walls I have around me, I can be understanding towards the people around me. Mayber sa susunod na lang ako magtatanong. Mukha kasing kailangan ng magandang timing para mabuksan ang topic na ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD