B E A
“Allen, pwede ba kitang tanungin?” I said as soon as we are alone together. Lunch time na. Nakabalik na kami galing sa Mini Depot at napinturahan na rin ang dapat na mapinturahang parte ng stage. Patapos na rin ang lahat. Handa na ang lahat para sa gagawing event bukas.
Simula nung bumalik kaming dalawa ni Allen galing sa Mini Depot ay hindi na kami nagkahiwalay pa. We are basically always together, hindi na ako umalis sa stage banda dahil mas nagaganahan daw ang mga lalaki na kumilos kung nandoon ako. I'm sure he's trying to use me again. I would have refused if it was not for Allen.
Nasa cafeteria kami. Umalis na muna si Jack at Cheska para bumili ng ulam habang naiwan naman kami ni Allen sa lamesa.
It wasn't me who invited him, si Cheska talaga.
Great job to my seatmate.
“Ano ‘yun?” tugon niya habang hinahanda ang baonan niya. “Saan ang baon mo?” saglit niyang tanong nang makita na wala akong inilabas na lunch box.
“Wala ako baon. Sabi ni Cheska siya na lang daw ang bibili para sa akin,” sagot ko.
“Ah,” tumatango-tango niyang mutawi, “ano ‘yung gusto mong itanong?”
Interisado pa rin pala siya sa tanong ko. Akala ko pa naman ay sinadya niyang magtanong dahil umiiwas siya rito.
“Uhm, if it's not too invasive. Are you fine with people calling you Mr. Quirky only because of your beliefs?”
Now, I've done it. Anong not too invasive ang sinasabi ko? If the mere curiosity itself is already too invasive. Babawiin ko na sana ang tanong ko nang hindi kaagad sumagot si Allen. Siguro iniisip na niya na napaka-pakialamera ko. Pero napansin ko ang biglaang paggawi ng mga mata ni Allen sa akin. Unti-unti na ring bumubuka ang bibig niya. He is about to speak.
“You can just not answer the question nama–”
“Noong una…” biglaan niyang wika, “noong una hindi ko maintindihan kung saan sa parte ng paniniwala namin ang quirky. Pero hindi rin nagtagal, nakikita ko na iba ang pamumuhay ng mga tao dito.”
Siguro napakahirap para kay Allen noon na marinig ang mga panghuhusga nila sa kanya. Well, I want to tell him that straight. Gusto ko rin na maging totoo sa sasabihin ko, a sincere sympathy, pero dahil hindi ko nakita si Allen noong unang salta pa lang siya sa eskwelahan na ito, I can't really be fully sympathetic towards him. But again, naiintindihan ko na may iba’t iba tayong paniniwala.
“Isa pa,” wika ulit ni Allen, “hindi rin naman ito humantong sa pisikal na pambubully. At saka, hindi naman ako ganun ka-sensitibo pagdating sa mga pananalita. Maliban na lang kung importanteng tao ang nagsabi sa akin nun.”
Yumuko ako ng bahagya habang mahinhin na sinabit ang buhok sa tenga ko. Hindi ko kasi maiwasan na mailang sa tingin ni Allen sa akin. I mean, it's not like there's a meaning behind it but a constant eye to eye contact with him is just flattering. Hindi ito kakayanin ng puso ko.
“Bakit mo natanong, Bea?”
Ah. For a second nakalimutan ko tuloy na ako pala ang unang nagtanong. Ako ang nagpasimuno ng usapan na ito.
“Na-share kas ito sa akin ni Cheska isang beses. Tapos naalala ko ang tanong mo tungkol sa paganism noong nakaraan. Naisip ko rin na baka mahilig ka rin sa libro… mahilig ka bang magbasa?” Mabilis kong isiningit ang ibang topic.
I'm always confident and straight forward towards other people pero sadyang nag-aalinlangan lang talaga ako at baka mailang sa akin si Allen kapag inangasan ko ang dating sa kanya. Let's say, nagiging kalmado ako pagdating kay Allen.
Because I know he does not intend to be the cool type or the astig type. He does not impersonate hindi kagaya kay Louis na magugulat na lang ako na para siyang sinto-sinto kung magsalita at umasta dahil pilit ang lahat ng mga galaw niya.
“Nagbabasa ako ng mga libro pero hindi gaanong kadalas.”
“Ah…” maikli kong tugon. Pagkatapos nun ay naging awkward na ang hangin sa pagitan namin. Hindi na ako nakasagot pa.
Lumingon ako sa pila ng cafeteria. Medyo malayo pa sina Cheska at Allen. Now, I am starting to regret being left with him at the table.
“Huwag kang mag-aalala, Bea,” biglaan niyang wika. Tumingin ulit ako sa kanya at nasilayan ko muli ang nakangiti niyang mga labi, “Hindi naman ako gaanong naaapektuhan, lalo na at hindi ko rin kasalanan na kakaiba para sa karamihan dito ang mga paniniwala ng bayan namin.”
Tama nga naman. Lahat naman siguro kakaiba kung bago sa kanila ang isang bagay.
“R-Right… you're a tough person, Allen,” batid ko sa kanya.
“Salamat, Bea.”
Ang galing lang dahil nakaya niya kaagad na masanay sa pamumuhay ng mga taga-syudad. Ilang buwan pa siguro ang lumipas mula noong dumating siya sa syudad nung una ko siyang nakita sa classroom nila. At wala sa porma o ayos niya, at lalong-lalo na sa dating niya ang pagiging probinsyano.
“Kung ayos lang sa’yo, Bea. Ikukuwento ko sa susunod sa’yo kung anong klaseng paniniwala ang meron ang bayan namin,” saad ni Allen.
Lumiwanag ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang ito. Ibig sabihin ba ay hindi ito ang una at huling lunch namin na magkasama?
Napansin ko ang paglihis ng tingin ni Allen sa likod ko. At nang lumingon ako ay nakita ko na si Cheska at Jack na pabalik na sa lamesa namin.
Well, I think it's best or else magiging mas nakakailang pa ang usapan namin kung hindi sila dumating.
~ ~ ~ ~ ~
“Nag-usap kami ni Allen kanina,” panimula ko. Tila kidlat sa bilis na lumingon si Cheska sa akin nang marinig ang unang sentence pa lang ng gusto kong ipahiwatig. At dahil nakita ko na interisado siya ay nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. “I asked him about how he felt sa tuwing tinatawag siyang Mr. Quirky ng iba.”
“Woah, ang lakas naman ng loob mo, Bea.”
“I know right. Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa akin na magsalita. Pero mukhang sanay naman si Allen and, he seems chill about it. Kinabahan ako at baka magalit siya sa tanong ko.” Mabansagan pa akong pakialamera.
“He would have been angry if it was not you, Bea,” pahayag ni Cheska sa malumanay na boses. It’s weirdly charming.
“Bakit? Kasi sikat ako?” I scoffed, Wala naman atang kinalaman ang pagiging sikat ko sa school sa pagsagot niya sa tanong ko.”
Luminga-linga si Cheska sa paligid namin. Nasa balkonahe kasi kami, tapos na ang klase at katatapos lang din ng practice niya. Bale nagpapahinga na lang kami habang naghihintay na matapos magbihis si Jack.
“Ano?” wika ko, kinakabahan kasi ako sa kakaibang tingin ng babaeng ‘to. "Hey, you're creeping me out, you know."
She must be enjoying teasing me when she smirked as she told me, "Hindi mo talaga siguro napapansin, Bea no?"
"Napapansin ang alin?" I don't have any idea what she' s talking about.
Kung may hindi man ako napapansin na nakikita niya ng malinaw, it's not really my problem. It's just she's so sharp. Ang bilis lang talaga maka-pick-up nitong si Cheska.
"I guess you haven't," bulong niya. Nanliit naman ang mga mata ko sa kakaibang kinikilos niya. "Hey, Bea…” lumingon ako sa kanya, “gusto mo si Jonathan, ‘di ba?”
Kaagad na nanlaki ang maliit kong tingin kay Cheska. At mabilis na nanginit ang mukha ko. Para rin akong tumakbo sa karera ng walang ginagawa dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Again, Cheska is a sharp girl. But I did not know that she’s sharp enough to notice things like this.
“Paano mo nalaman?”
“So, I was right?” Ngumiti siya na para bang napanatag ang loob niya. “Hindi naman ganun kahirap para malaman na may gusto ka kay Jonathan. Sadyang nagbabago lang talaga ang ekspreston ng mukha mo sa tuwing naririnig mo ang pangalan niya o kaya nasa paligid siya. You also act different around him compared to the other guys. It’s like, your guards are completely down around him,” paliwanag ni Cheska.
“A-Ah, am I too obvious?” I said before laughing awkwardly.
Confessing to your friends about your crush is nerve-wracking, but getting caught is another level. Gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa hiya.
“Kung kilala ka nila, yup. Halata ka masyado, pero kung Bea na lagging confident lang ang kilala nila, ‘yung high status na ikaw. Hindi naman masyado.”
Oh well. Exception ng talaga si Cheska.
Bumuntong-hininga siya at humarap sa akin. “Jonathan, too.”
“Jonathan…” pag-uulit ko sa sinabi niya, “Bakit?” I nervously ask.
Ano na naman kaya ang napansin ng babaeng 'to? Hindi pa man binubuka ni Cheska ang bibig niya ay kinakabahan na ako. Mas uminit din ang mukha ko at gusto ko na kaagad na matapos ang usapan na ito.
Ngumiti sa akin si Cheska. Her kind smile calmed me down a little as she said the following words, “I think may gusto rin sa’yo si Jona– si Allen.”