B E A
“I think may gusto rin siya sa’yo.” Gusto kong matawa sa sinabi ni Cheska. May gusto ako kay Allen, pero hindi naman ibig sabihin nun ay mag-iilusyon na ako.
“Tumigil ka nga. Baka magsimula na akong mag-ilusyon dahil sa sinasabi mo. I don’t want to hurt myself, okay?” saad ko.
Akala ko ay nakumbinsi ko nang tumigil si Cheska nang nagwika siya ng, “Hindi madalas nakikipagsalamuha sa iba si Jonathan.” Napahinto ako sa pagkulikot ng kamay ko na madalas kong ginagawa sa tuwing kinakabahan ako.
Napatitig ako kay Cheska. “W-What do you mean?”
She’s giving me hopeless expectations.
“Kagaya mo, may matayog din na haring si Jonathan. Pero sa nakikita ko ngayon, lalo na kanina noong pumayag siya na samahan ka, sa palagay ko may gusto rin siya sa’yo. Kung hindi man, siguro interesado o siya.”
“Woah. Cheska, marami kanga lam tungkol kay Jonathan?” sabik kong tanong.
Marami rin kasi akong gustong malaman tungkol sa kanya.
Naiilang na tumawa si Cheska. “Hindi, no. Hindi naman ako ganoon ka interesado sa kanya para gustohin kong malaman ang pagkatao niya. Base lang ‘yan sa naaalala ko sa kanya noong naging magkaklase kami. Kasi sa totoo lang, Jonathan is not the most interesting person in the class kaya hindi ko rin siya masyadong pinapanood.” May punto rin naman siya. “Kung gusto mo siyang makilala ng mabuti, why not ask him? By the way, why don’t you confess to him? You’re the Beatrix Andana, anyway,” sambit ni Cheska na para bang isa itong magandang ideya na muntik nang malimutan.
“Excuse me? Ano naman ang kinalaman nun sa nararamdaman ko para kay Allen? Isa pa, isn't it awkward to confess?”
“Popular people will never understand.” Buntong-hininga ni Cheska. “Wala rin namang problema na ikaw ang unang mag-confess. Bea, this is the 21st century. Huwag ka ngang masyadong old school kung mag-isip sa bagay na 'yan. It's so not like you.”
Ilang beses nagpabalik-balik sa isipan ko ang saglit na sandaling ito namin ni Cheska kanina sa balcony.
Nakauwi na lang ako sa bahay ay hindi pa rin ako tapos sa pag-iisip. Ito kasing si Cheska, ang daming nakikita. At dahil sa hindi ko kilala si Allen ng lubos ay wala na akong magawa kung hindi ang paniwalaan ang mga sinasabi ng kaibigan ko.
Paano kung mali siya?
Paano kung nagtapat ako tapos hindi pala ako gusto ni Allen?
Paano kung kagaya lang din pala ng iba ang tingin sa akin ni Allen? Si Beatrix Andana, the perfect and independent student kaya ayos lang sa kanya na dikit ako nang dikit.
Wouldn't that be too disappointing?
Ibinagsak ko ang mukha ko sa kama. “Aah~ nakakapagod mag-isip. Kailan ba hihinto sa pagtakbo itong isipan ko?”
Bukas na ang event. Inihanda ko na rin ang mga gagamitin ko sa runway bukas. I know I'll do good. Maglalakad lang naman ako. Pero ayaw kong dumating ang bukas… magkikita na naman kami ni Allen. Ngayon na alam ko ng maaaring may gusto rin sa akin si Allen ay hindi ko na tuloy alam kung paano siya haharapin. Isn't that annoying?
Dahil sa dalas ng pakikipagsalamuha ko sa kanya sa nagdaang buwan ay nakalimutan ko na tuloy ang dahilan kung bakit ako naging kontento sa pasulyap-sulyap ko sa kanya noon. Allen might be quiet, but his face is really my type at may pagkakapareho rin kami. Hindi na ito kailangan pa na sabihin sa akin ni Cheska dahil alam ko na may harang din si Allen. We are both not good with people. But he choose to be him, habang ako naman ay pinili na magsuot ng maskara at magkunwari na ako ay palakaibigan.
It's my father's fault. Takot akong maiwan kaya lagi kong sinisigurado na gusto ako ng lahat. I am unconsciously doing it, making sure I am always praised by other people. Sabihin ko man na nakakarindi na ang pagtawag sa akin na perpekto, ayos na rin ito kaysa iwan nila ako.
“Tama na!” mutawi ko sa sarili sabay takip ng tenga ko. Naririnig ko pa rin kasi ang mga iniisip ko. Bumuntong-hininga ulit ako saka bumangon sa kama.
Kinuha ko ang speaker na nasa loob ng drawer ko. Maliit lang naman ito, at kulag purple. Bluetooth ang gamit nito kaya kinonek ko na siya sa cellphone ko at nag-patugtog ng tahimik na musika.
“Okay, let's sleep.” Ipagbukas na muna natin ang pag-iisip.
~ ~ ~ ~ ~
“Next is Athena!” anunsyo ng emcee, “Ms. Beatrix Andana is Athena from the senior year, grade 12. She's wearing DIY armor made out of gold foil and karton. Underneath is a silky white dress. She have her shield and spear to show her strength and courage.”
“Athena is the goddess of wisdom and war and the adored patroness of the city of Athens. Majestic and stern, Athena surpassed everybody in both of her main domains… once again, Athena!”
Naglakad ako sa gitna ng stage. At nang nasa dulo at gitna na ako ay matapang kong itinapat sa audience ang sandata ko saka iwinasiwas ito na para bang may kalaban ako sa harap. Nang matapos ang saglit na demo na iyon ay tumalikod na ulit ako at muling naglakad ng dahan-dahan sa gitna bago tumayo sa gilid ng stage kasama ang mga ibang modelo.
The view from the stage is no longer new to me. Ilang beses na akong naging pambato ng section ko sa high school. Although ang costume ko lang naman talaga ang kailangan sa event na ito, the runway is just a mere showcase of costume, ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Lalo na at nasa audience din ngayon si Allen.
“Thank you so much to the models,” sabi ng emcee saka kami isa-isang naglakad pabalik sa backstage.
“Oh my gosh! Bea, ang ganda ng lakad mo! Napaka-perfect.”
“Panalo na tayo nito!” Sabik na sabik na bati sa akin ng mga kasama ko.
“Oh, shut it. Ang costume naman ang magkaka-score at hindi ako, no.” Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ng head ng costume making team sabay sabi ng, “You did perfect, girl.” Tapos ako ay ngumiti.
May sasabihin pa sana ang head ng costume making team namin nang bigla na lang akong tawagin ni Cheska.
“Bea! Costume change na. May gagawin ka pa sa kabila!”
“Oh, I should get going. Good job team!” bati ko ulit bago umakyat ng classroom para magbihis.
Ang sabi sa akin ni Jack noong isang araw ay ang runway lang daw ang pagkakaabalahan ko sa araw na ito. But he lied to me again. Sinali niya rin pala ako sa isang team building game.
That treacherous friend of mine. Lagot talaga siya sa akin kapag makita ko siya.
“We did not made it,” malungkot na sabi ni Cheska nang matalo kami sa ikalawang round.
Yup, pati si Cheska ay isinali niya rin sa mga kalokohan niya. Kasama namin sa team si Louis at anc tatlo pa naming mga ka-batch. Pero dahil on the spot ang pagbuo sa amin ay wala kaming naisip na strategy para manalo.
“Hayaan mo na, at least makakapag-pahinga na tayo,” I said in full practicality.
Matapos ang tatlong oras, at ilan pa na mini competitions ay natapos na rin ang event. Naghahanda na ako para bumalik sa classroom nang makita ko si Allen na papalapit sa akin.
Buong araw kong iniwasan si Allen ngayon. Nihindi ko man lang siya tiningnan ng diretso, at hindi ko rin hinayaan na lumapit siya sa akin. Wala namang mali na ginagawa si Allen pero the fact that he might have something for me is causing me great anxiety. Hindi man halata pero hindi pa rin umaalis sa isip ko ang sinabi ni Cheska sa akin. Kaya naman mas naging mahirap tuloy para sa akin ang makipag-usap kay Allen.
Palapit sa akin si Allen. Gusto ko sanang tumalikod at magkunwari na hindi ko siya nakita nang siya na mismo ang lumiko.
“Guess, I was assuming it,” bulong ko sa sarili. Umasa ako bigla na lalapitan niya ulit ako.
“Bea, mauna na ako ha,” paalam sa akin ng kaklase kong babae na bitbit ang magaan na karton ng mga maninipis na tela.
“Sure,” tugon ko habang tinatanggal naman ang mga pin sa booth na ginamit ng section namin.
And just when I was about to lift my head, may nakita akong isang bote ng tubig, at panyo sa gilid ko. Tumingala ako only to si Allen standing right in front of me.
“Hindi pa kita nakitang umiinom ng tubig simula lunchtime kaya naisip ko na baka nauuhaw ka na.”
I hate how my heart keeps pounding right now.
I hate that I am starting to think that maybe Cheska was right.
Lumingon ako sa direksyon kung nasaan ang matalas kong kaibigan na ‘yon. At natsempuhan ko siyang nakatingin sa amin habang nakangiti ng nakakaloko sa akin. She must be betting inside her mind if she's right or wrong about it.
“Th-Thanks,” maikli kong sagot habang inaabot ang tubig at panyo. It could be rude and embarrassing for Allen if I ignore him. Isa pa wala naman siyang alam sa kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ko.
It's basically my fault for thinking too hard about a single assumption that I don't have any idea if it's true.
Umiling-iling ako para alisin sa isipan ko ang tungkol kay Allen. Uuwi na lang ako ng maaga para iwas suspetsa. Although it's already suspicious, at least I can still calm myself if Allen is not around.
Desidido na akong umuwi ng maaga. Sa kasamaang palad ay umandar na naman si Jack.
“Good job for winning the major awards guys!” bati ni Ashley sa lahat. Tsempong ito ang nadatnan ko sa classroom namin. Pati rin ang taga-kabilang section ay nandito para batiin ang isa’t isa.
“Bea, sama ka?” Biglaan akbay sa akin ni Jack.
Sakto naman na nag-anunsyo na ng magandang balita niya si Ashley. “Since we worked hard for a few days to win those awards, I offer you my bank account balance today!” She clasped her hands loudly then said, “Kakain tayo sa labas at libre ko kayong lahat!”
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Dumagundong sa classroom namin ang masasayang hiyaw ng mga kaklase ko at ng kabilang klase nang marinig ang anunsyong ito ni Ashley. Sino ba ang ayaw ng libre?
Ashley’s family is quite loaded kaya may pang-gastos siya na hindi aakalain ng iba ay para lang sa isang 18-year old na estudyanteng babae.
“Sama tayo!” mabilis pa sa kidlat na aya sa akin ni Jack.
“No thanks, Jack. I can but myself food,” tanggi ko sabay hawi kamay niya sa balikat ko.
“Shut up, it's better to eat with everybody in a cheap fast food chain than to eat alone in a fancy restaurant,” litanya ni Jack bago ako kinaladkad palabas ng classroom. Ganun din naman si Cheska na may kausap pa sa may pinto.
Jack’s personality can be a little too hard to get along with lalo na pagdating sa mga party at saya. He might be a serious and dedicated class president pero isa rin siyang partygoer. His family owns a bar kaya sa tingin ko it's something he has since childhood. Dahil sa mismong environment na kinalakihan niya. Wala na akong nagawa dahil bitbit niya rin ang bag namin ni Cheska. Wala namang pasok buong araw kaya maliit na bag lang ang dala ng karamihan, ganun din ako.
Well, it's fine. As long as wala si Allen. Hindi naman siguro sasama sa mga ganitong galaan si Allen, hindi ba?
Jack’s personality can be a little too hard to get along with. Wala na akong nagawa dahil bitbit niya rin ang bag namin ni Cheska. Wala namang pasok buong araw kaya maliit na bag lang ang dala ng karamihan, ganun din ako. Isang maliit na kulay itim na tote bag lang ang bitbit ko na tanging pitaka at iilang gamit lang ang laman. Walang notebook o libro.
“Jack, sasama naman ako kaya bumitaw ka nga,” reklamo ni Cheska na naiinis na ata sa pagkaladkad ni Jack sa kanya.
If Cheska is coming, then there's no more escape for me.
Well, it's fine. As long as wala si Allen. Hindi naman siguro sasama sa mga ganitong galaan si Allen, hindi ba?