B E A
“Ooh, kaya pala sinabi mo kanina that I will like the afterparty,” sabi ni Jack kay Ashley na may pasundot-sundot pa sa gilid nito.
Tapos na kaming kumain. Ashley treated us in a pretty fancy restaurant. It's a family restaurant but still fancy and is sure expensive. I've been there once with my cousin’s girlfriend.
I actually did not hate coming with them. Masaya naman ang lahat sa family restaurant, at saka marami kami. Ashley reserved the whole VIP area for us. Para nga kaming may on the spot get together party kanina. I couldn't complain too much except that Allen was with us.
I known it's kind of dumb to assume na hindi siya sasama, I guess I judged his personality too much and did not expect that he would come with us. Inasahan ko lang na hindi siya pupunta dahil mukhang hindi naman siya mag-eenjoy sa ganitong mga bagay.
I sighed. Ang bigat naman ata nito sa dibdib at isipan.
“Hoy, Bea. Okay ka lang?” Kalabit sa akin ni Louis.
Lumingon ako sa kanya at walang ganang inangat ang kamay ko. I shouldn't be here now.
“Tara na, Bea!” Biglaang hila sa akin ni Jack, just when I thought of leaving.
This is the after party. Hindi kagaya ng family restaurant na tahimik ang atmosphere ay maingay ang lugar na pinuntahan namin para dito. Hindi pa nga kami nakakapasok ay rinig na rinig ko na mula rito sa labas ang ingay ng tugtugan sa loob.
“Hey, I can walk by my own,” wika ko kay Jack na patuloy pa rin ang paghila sa akin. “It's not like I'm escaping or something,” dugtong ko.
Gusto ko talagang tumakas at umuwi na pero dahil nandito na rin naman ako, sasagarin ko na lang ang oras.
It’s 8 PM. Maaga pa para sa after party pero sa nakikita ko ay wala rin atang balak na umuwi ng maaga itong mga kasama namin.
Madilim ang paligid pagpasok namin sa club. Neon Light Night. Ito ang pangalan ng lugar. It's not my first time him, niether to Jack. Dito kasi kami nag-celebrate ng 18th birthday ko. Walang magarang handaan sa birthday ko. Pero sinigurado ko naman na maipagdiwang ang araw ng pagiging legal ko.
“Do they have VIP rooms here?” tanong sa akin ni Cheska.
“Well, they have. Pero sa dami natin, I don't think their VIP rooms are big enough.”
56 kaming lahat. Halos kalahati kasi ng mga tao sa bawat section ang sumama sa after party. From 82 out of 100 kanina, naging 56 na lang. Lalo na at hindi pa legal ang iba. At ang mga VIP room nila dito ay singlaki lang ng kalahati ng classroom kaya sa palagay ko ay magiging masikip ito para sa atin.
Napansin ko ang alala na mukha ni Ashley. “Hm, what do we do now?” tanong niya sa akin nang makita akong nakatitig sa kanya.
“I-I guess, it's fine to have it here. I mean, hindi naman natin kailangan ng VIP room as long as magkatabi tayo ng mga sofa at saka masaya tayong lahat,” suhestiyon ko, “at saka mas maganda rin dito sa labas kasi may dance floor at maraming tao.”
Tiningnan muna ni Ashley ang paligid. I guess she's checking if we can have a sofa na malapit lang sa isa’t isa. “You're right, Bea. Thanks,” sabi niya.
Lumapit si Ashley kay Jack. May binulong siya rito bago tumango-tango si Jack at nag-okay sign sa kanya. Sumeryoso ang mukha ng malikot kong kaibigan bago lumabas ng bar. Sinundan ko lang siya ng tingin, at nakita ko siya sa labas ng glss door ng entrance na pumunta sa bus na sinakyan namin kanina. It's a bus owned by our school. Pero sa totoo lang donated ito ng pamilya ng mga estudyante kaya we are free to use it anytime we want as long as the administration permits us. May sampung bus ang school namin, at may dalawa rito na mula pa kay Mama. Pero kahit ganun, I still don't think na pagmamay-ari namin ito kasi nga ibinigay na namin ito sa eskwelahan.
“Okay,” panimula ni Ashley. Nakaupo na kaming lahat sa sofa. Nasa iisang espasyo lang ang natirang anim na mga organizers sa dalawang section. Kasali na ako roon, tinipon na muna kami ni Ashley para mag-anunsyo. “Sorry to put you in this responsibility pero could you please tell the others from the other tables to drink responsibly? Let's make it home safe together tonight, is it alright?” pahayag niya sa amin. Kahit na nasa tapat lang namin si Cheska ay nagmistulang malayo ang lakas ng boses niya dahil sa ingay ng tugtug sa paligid.
Tumango, sumagot, at nag-okay sign ang iilan sa aming lima. And as soon as Ashley nodded we all went to the tables to brief our other companions.
~ ~ ~ ~ ~
“Bea, nakailang baso ka na?”
Tumingin ako sa shot glass ko sa lamesa nang marinig ang tanong sa akin ni Jack. “Ewan ko,” tugon ko.
Alas onse na ng gabi. Ilang ikot na lang ng manipis na kamay ng relo ay maghahating gabi na pero kasisimula pa lang ng saya sa Neon Light Night Bar na ito.
May ilan na sa amin ang umuwi, pero marami pa rin naman ang naiwan at patuloy na nag-iinuman. Let's say, sila ‘yung sanay sa walwalan kaya sisiw lang sa kanila ang pag-inom at ang maingay na paligid. Habang ako naman ay nasa gitna lang. Hindi ako palawalwal pero kaya kong makipagsabayan kung gusto ko.
“... Bea.” Bigla kong narinig ang boses ni Cheska na kanina pa pala ako tinatawag sa may dance floor. Tumingin ako sa kanya, kumaway siya sa akin saka ako tinanguan para lumapit sa kanya.
“Ano?” anas ko.
“Hindi mo pa rin ba kinakausap si Allen?”
“Huh?” Wala na nga ata akong matatago sa babaeng ‘to.
Hindi na nagsalita si Cheska, imbes ay nginusuan niya na lang ako. Sinundan ko naman ang direksyon kung saan nakaturo ang nguso niya. At nakita ko sa hindi kalayuan si Allen, napapaligiran ng dalawang babae.
“What is that?”
Cheska shrugged her shoulders. “Gwapo pa rin si sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya, Bea. Tigilan mo na ang sobrang pag-iisip at lapitan mo na siya. He even went here with use kahit na hindi naman niya tipo ang mga ganitong lugar.” Tinulak ako ni Cheska sa likod sanhi para mapahakbang ako ng ilang beses.
Malayo pa rin naman si Allen, pero napansin niya ako dahil sa ginawa ni Cheska.
“Good luck!” malakas niyang sigaw sa akin saka ako iniwan ng mag-isa sa gilid ng dance floor.
Nakaka-ilang baso na ako ng tequila. I don't have an extraordinary alcohol tolerance, and I kind of feel dizzy. Pero sa tingin ko ay maayos na rin ito kaysa sa lumapit ako kay Allen na may malinaw na pag-iisip. I mean, it's not like I want to come drunk in front of him. It's just, sometimes a little alcohol can boost one's confidence, you know?
Lumapit ako sa kanya. Kasama pa rin niya sa counter ng bar ang dalawang babae. They both look older. Sa tansya ko ay mga nasa mid-twenties na sila at parehong may suot na masyadong revealing na mga damit. If I can describe it bluntly, the other with blonde hair is wearing nothing but a bra-like upper clothes and a bodycon pants. Kitang-kita ko ang hati ng pisngi ng puwet ng babae. The other lady with tan skin, on the other hand, is wearing a net. Yup. Net dahil see through lang naman ang dress niya. She only has a n****e patch and a tan panty to cover her special parts.
“Oh. Who is this?” sambit ng babaeng blonde ang buhok.
“Your friend?” sabi naman ng isa.
Hindi ko sila pinansin. Diretso lang din ang tingin ko kay Allen na halata sa mukha na hindi interesado sa dalawa. Iniikot-ikot niya lang kasi ang kamay sa bibig ng baso niya sa lamesa.
“What's that?” tanong ko sabay nguso sa baso niya.
“Brandy…?”
“Cool.” Tapos ay mabilis ko itong kinuha at nilagok. “Haaa! Tnss!” mutawi ko nang sumipa ang alkohol sa bibig at lalamunan ko.
“Akin ‘yun,” bulalas ni Allen sa gulat niya sa ginawa ko.
“Hey, that was his!” the blonde lady hissed.
“You treat him brandy?” tanong ko.
“Of course, duh. He's our prey, lame girl,” sabi naman ng tan na babae. Inirapan niya ako bago tinitigan mula ulo hanggang paa. Dahil galing kami ng eskwelahan ay pantalon at t-shirt lang naman ang suot ko. Tonight is an unplanned after party kaya wala na akong panahon na magbihis pa ng pang-night club na damit.
But who cares about what I wear? It is Allen I am after right now.
Tumingin ulit ako kay Allen na parang nalilito sa mga nangyayari. Hinablot ko ang kamay niya sabay sabi ng, “Tara, Allen. You shouldn't sit away from us. Maraming mga maninila sa mga lugar na kagaya nito kaya hindi ka dapat basta-basta na magtiwala.”
“She has some confidence despite being lame,” one of them mocked me. She must be thinking that she could win against me. She, who is just a stranger to Allen.
Hindi naman nagmatigas si Allen at kagyat na tumayo at iniwan na namin ang dalawang babae sa bar counter. They looked at me with irritation which I responded with a smirk.
Pagbalik namin sa lamesa ay wala na ang mga kasama namin. “Nagsasayawan na sila,” banggit ko nang mapansin si Jack at iilan sa mga kasama namin na naghihiyawan na sa dance floor.
“Mukhang madalas ka na rito,” biglang pahayag ni Allen sa akin. Akala ko ay mananatili na lang siyang tahimik.
“Oh. No… no. Hindi naman,” nahihiya kong simula, “pumupunta lang ako minsan kung may oras at saka may makakasama na mapagkakatiwalaan.”
“Kagaya ni Jack?”
Umiling-iling ako. “Kagaya ng mga kuya ko… pero nung isang beses, si Jack din at iba naming mga kaibigan.” It was on my birthday.
Nakakakaba. Mas malakas pa ata sa tugtog ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Napakalaki ng espasyo ng inuupuan naming sofa pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang sumisikip ito para sa dalawang tao. Isang ten-seater na sofa lang naman ito, malawak ang magkabilang dulo pero pinili namin na umupo sa gitna.
“Uhm, umiinom ka ba?” tanong ko kay Allen bilang pagbasag sa katahimikan sa pagitan sa aming dalawa. At para mabawasan na rin ang pagkailang ko.
I know it's a bargain, this could help me erase the awkward atmosphere or intensify it to death.
“Oo, umiinom naman.”
“Ah… hindi mo kasi ininom ‘yung binigay ng dalawang babae sa iyo kanina,” banggit ko.
“Hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko rin ininom ‘yung brandy. Nandun lang naman ako para humingi ng tubig.” Nagkaroon ulit ng saglit na katahimikan nang hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin o isasagot man lang sa kanya. Mabuti na lang at dinagdagan pa ni Allen ang kanyang litanya. “Ikaw, ayos ka lang ba, Bea? Hindi ko ininom ‘yun dahil mukha silang may balak na masama, pero ikaw, isang shot mo lang inubos ‘yun. Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Ah…” Pinakiramdaman ko muna ang ulo at lalamunan ko bago ako sumagot. “Hmm. I'm pretty fine. I'm a little dizzy already kasi uminom na ako kanina but I'm still fine,” ani ko.
“Mabuti naman,” sambit niya. Maiilang na sana ako pero napalitan ito ng pagkagulat nang bigla na lang hawakan ni Allen ang tuktok ng ulo ko.
Kagyat akong napalingon. Nagkatitigan kami. Saglit lang naman ang sandaling iyon pero dahil sa malalim na titig namin sa isa’t isa ay tila ba bumagal ang pagtakbo ng oras.
“O-Oh… yes! Heh.” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sinabit ang maliit na piraso ng buhok ko sa tenga. “Yes. Mabuti nga naman talaga,” I awkwardly added.
Just when I thought that everything is going well again ay nangyari pa talaga ‘to.
Lumingon ulit ako kay Allen. But surprisingly, he seems normal. Normal sa paraan na hindi ko man lang nakita ang pagkailang sa ekspresyon niya. Imbes ay inabot niya ang isang shot glass at ang bote ng gim sa lamesa.
“You're drinking?” I asked.
“Oo. Nandito na rin naman ako, sayang din kung hindi ako uminom.”
Napangiti ako sa naging pagkilos ni Allen. For some reason his calm demeanor also calms me down.
“Sure,” tugon ko bago kumuha ng shot glass sa lamesa at inilapit sa kanya para lagyan.
“Masaya ako na nandito tayong dalawa ngayon, Bea”
“Hm?” Oh. Goodness. Gracious. Ano ang ibig niyang sabihin?
“Naging abala ka kasi kanina masyado kaya hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Masaya ako na nandito tayo ngayon.” Ngiti niya tapos ay mahinang ibinangga ang baso niya sa baso ko bago uninom ang gin niya.
Oh… no. Hindi ata ako malalasing sa alak. Malalasing ata ako sa mga sinasabi ni Allen ngayon. It's subtle, but not enough for me to not notice his intention.
Should I just drink a lot more para tumigil na talaga ng tuluyan sa pag-iisip ng kung ano-ano itong utak ko?