ANITU SIXTEEN

2468 Words
B E A Hindi pa ako nalalasing. My cousins know about this, even Jack and some of our friends. As long as possible kasi ay pinapakiramdam ko ang sarili ko. Tumitigil na ako kapag nakaramdam na ako ng konting pagkahilo… but not tonight. I want to feel a little dizzier… just… just enough to not get drunk. May dalawang bote pa ng gin sa lamesa namin. Aabutin ko na sana ang isa para tumagay ulit nang bigla na lang itong nawala. Tumingala ako at nakita si Allen na hawak-hawak ito. “What are you doing?” “Bea, mukhang lasing ka na” Hinawakan ko ang pisngi ko para pakiramdaman ito. I do feel warm but I don't think I'm drunk. Ngumiti ako kay Allen at binawi ang bote sa kamay niya. “Hindi pa. Alam ko pa rin na may anim na tao sa harap ko ngayon,” sabi ko sa kanya. Sinundan naman ni Allen ang tingin ko. He sighed. “O-Oo nga,” aniya saka gumawi ulit sa akin ang kanyang tingin. “Basta sabihin mo sa akin kung nalalasing ka na, ha.” Tumango lang ako bilang sagot. Pero sa totoo lang ay wala akong balak na ipaalam ito sa kanya. Sa tingin ko ay kaya ko pa naman ang sarili ko. Inilapit ko sa kanya ang shot glass sabay taas-baba ng kilay ko para ipahiwatig na lagyan na niya ito ng gin. Nagdadalawang-isip man ay binuhusan pa rin ni Allen ang maliit kong baso. Hindi na rin naman ako nag-alinlangan pa at kaagad itong tinungga. “Sa lakas mong uminom ngayon, hindi na tuloy ako sigurado kung maniniwala pa ako sa sinabi mo na hindi ka ganoon kadalas dito,” banggit ni Allen habang tinatagayan din ang sarili niya ng gin. Tiningnan ko lang siya bago sumagot. Sumandal siya sa sofa, akala ko ay diretso lang niyang titingnan ang mga taong sumasayaw nang bigla siyang lumingon sa akin at inalok ng hawak niyang platito ng pulutan. “Gusto mo?” Kagyat kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Siguro masyado akong naging kampante ngayon dahil sa kagustuhan kong tumigil sa pag-iisip tungkol kay Allen. But the irony is, habang iniisip kong itigil ang pag-iisip kay Allen ay mas lumalala pa tuloy ang pag-iisip ko tungkol sa kanya. At umiinom ako ngayon dahil alam kong wala akong takas sa katotohanan na ito. Ngumisi ako. I don’t know how I appear to Allen pero hula ko ay nagmumukhang inaantok na ang mga mata ko sa paningin niya. I keep myself in check, kaya alam ko rin na nagsisimula na akong tamaan. “I am telling the truth. Hindi nga talaga ako madalas na pumupunta sa mga ganitong lugar…” Kinuha ko ulit ang shot glass ko at ipinatong sa bote ng gin ang isa kong kamay, “It’s just… I have two cousins, both are guys. They are more like my adoptive brothers. They taught me how to drink while checking the alcohol I intake.” Ngumiti na naman ako kay Allen. “Do I look like someone who can keep her cool in alcohol?” “Oo. Nakakapagsalita ka pa ng matuwid at walang problema ngayon,” sambit niya at ipinatong sa kamay kong nasa bote ang kamay niya. Akmang hihilahin na niya ito mula sa akin nang hinigpitan ko ang kapit ko sa bote. “Thanks. So that means my brother’s hard works to educate me paid off.” “Bea, malalasing ka na,” litanya niya sa nag-aalala na tono ng boses. “Yup. I know. I’m keeping myself in check.” Napatingin sa akin si Allen. His eyes buried in to mine like magnet. At alam ko na ito na rin ang tamang pagkakataon para hilahin sa kanya ang bote. “This is the last shot,” pahayag ko sa kanya bago nagbuhos ng gin sa baso ko. Nag-resulta ng mahinang kalabog ang pagbagsak ko ng gin sa lamesa. Buong puwersa ko man ito inilapag ay hindi pa rin ito gaanong narinig dahil sa ingay ng rave music sa club. Sumandal na rin ako sa sofa. Lumalala na rin kasi ang pagkahilo ko at alam kong kasunod na nito ang pag-ikot ng paligid. “Tapos ka na ba talaga?” wika ni Allen habang unti-unting umuusog paabante sa akin. “Yup. Tapos na…” sagot ko habang ipinakita ang okay sign sa mga daliri ko. Matuwid akong nakaupo habang naka-krus ang mga binti at braso ko. Pinikit ko muna ang mga mata ko para maiwasan ang mas nakakahilong ilaw sa loob na kasing likot ng nabulabog na mga pulot-pukyutan. “Don't you think you have to go home now, Bea?” biglang sabi ng pamilyar na boses ng lalaki. Mabilis kong binuksan ang mga mata ko. “Oh, Jack,” mutawi ko. For a second, akala ko ay biglang nagsalita ng English si Allen. “Sakto lang ang pagbalik mo, magpaaalam a lang ako. I’ll be going home in a few minutes.” “You’re getting drunk?” “Yup. Kailangan ko lang na mahimasmasan ng konti tapos uuwi na ako.” “O-Okay. Do you think you can manage? You can just call your father’s chauffer service to bring you h–” “No. I’m fine. I’m pretty sure I can manage.” “Uh… mukhang isang baso na lang ata malalasing ka na. Should I take you home instead? Baka mapagalitan ako ni Tita kung malaman niya na magkasama tayo at pinabayaan lang ki–” Tumigil sa pagsasalita niya si Jack. “Ako na ang maghahatid sa kanya.” “Jack, you don’t have to. Alam kong gusto mo pa na maki-party sa kanila and you’re looking for someone to hook… up. Bakit?” tanong ko nang kumaway-kaway sa akin si Jack habang nakatitig siya sa direksyon kung saan nakaupo si Allen. Tinuro-turo niya ang katabi ko sanhi para lumingon ako sa kanya. Allen’s face looks so serious and stern. With his eyebrows clashing to each other’s and his eyes still stuck on me the voice who offered to bring me home echoed in my ears as if it is a distant memory I just remember. “Ako na ang maghahatid sa kanya.” Oh. Shoot. Goodness, gracious! Boses pala ni Allen ‘yun. Si Allen pala ang nagsalita kanina. “N-No!” bulalas ko sa gulat habang napapaatras na rin. “I mean, you don’t have to. Ma-iistorbo lang din kita ang I know… I know that you also want to have fun here,” sabi ko nang makita ko ang pagtamlay ng ekspresyon ng mukha ni Allen. “Talaga ba, Allen? You’ll bring her home safe?” Jack asked out of the blue. Akala ko ba natatakot siya na mapagalitan ni Mommy? Pinandilatan ko lang siya ng mata para ipakita ang pagtutol ko sa binabalak niya. “What?” anas ni Jack, “Allen is trustworthy. He is the most trustworthy guy in our batch,” bulong niya sa akin habang sinusuyod ng palihim ang mga tao sa paligid. Ginaya ko rin naman si Allen at inisa-isa ang mga ka-batch namin na lalaki na nasa bar. He has got a point. Louis is already a no because of his bad reputation with women. Kurt is like my peaceful rival due to our ranks and his admiration to women who has an ample size of boobs. I got one. So, that’s a double no. Napatingin na lang ako kay Allen. I know he is the best choice pero dahil kasi sa gusto ko siya at ayaw kong makahalata siya ay nagdadalawang-isip na tuloy ako. This is completely dangerous for my heart. “Bea?” tawag sa akin ni Jack. Napakapit na lang kasi ako sa noo ko sa sobrang pag-iisip. “Ano na?” I sighed. “Fine.” Humarap ako kay Allen sabay sabi ng, “Okay. Hindi naman sa ayaw kitang makasama pero…” lumunok muna ako ng laway bago nagsalita, “pero medyo mahirap kasi akong pakisamahan kung tipsy.” “Ah! That’s a fact, Allen. But, I’m pretty sure you can still handle her. Hindi naman siya ‘yung wild na tipo ng babae kung nalalasing.” “Shut up, Jack. Pinapasama moa ko lalo, eh.” Sapak ko sa braso ng kaibigan kong ipokrito. “S-Sige. Ayos lang naman. Mukhang kaya pa naman ni Bea ang sarili niya.” Napakurba ng bahagya ang labi ko sa tiwala na ibinibigay ni Allen sa akin ngayon. “Thanks,” sambit ko. Inabot ni Allen ang kamay niya sa akin. Tinitigan ko muna ito saglit bago ko ipinatong sa palagadniya ang kamay ko. If it is a ball, he might appear as if he is inviting me to dance. But since this is a club with noisy hype up music and I am starting to get drunk, malamang ay malayo ito sa iniisip kong romantic slow dancing. “Ugh~ I must be getting drunk for thinking such dumb comparison,” bulong ko sa sarili. “Ano?” tanong sa akin ni Allen habang inaalalayan akong maglakad palabas ng club. I sure have to think that I am lucky to have my crush bring me home, pero nakakawalang gana lang dahil nahihilo ako. ~ ~ ~ ~ ~ “Hindi mo na kailangan na ihatid ako sa bahay. You just have to call for a taxi and I’ll be fine all by myself.” “Hindi pwede. Walang silbi ang pagbulontaryo ko kung hindi ka uuwi ng ligtas sa bahay niyo.” “Allen, no one said that I will be in danger.” “Hindi pwede, Bea.” Hinila niya ako bigla saka maingat na inalalayan ang magkabila kong balikat para maalalayan ako sa paglalakad. “Allen. Stop acting like I’m drunk. Because I’m really not!” bulalas ko sa inis. Ang init-init na nga ng katawan ko tapos dumagdag pa si Allen na panay ang kapit sa akin. This was me a moment ago with Allen when he insisted to bring me home. Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa bar. Nasa gilid pa rin kami ng kalsada kung saan ilang hakbang na lang ay nasa taxi stand na kami. Kani-kanina lang ay panay ang bangayan namin kung ihahatid ba niya ako sa bahay ko mismo. He was talking as if he has a car to bring me home this instant. Pero sa isang iglap lang... or should I say, out of nowhere, a white Ford Ranger suddenly appeared in front of us. Noong una ay inakala ko pa na magpa-park lang ito sa harap namin. O kaya ay may bababa. Although may bumaba naman talaga pero hindi ito ibang tao. "Sir," sambit ng lalaki sa amin habang itinuturo ng nakabukas niyang palad at pinto ng sasakyan ang backseat nito. Napatingin ako kay Allen na nakangiti at bahagyang yumuko sa lalaking dumating. “Wait a minute…” I uttered as I twisted my wrist to free from his tight grip then looked at him with squinting eyes and most suspicious look I have ever manage to show for the entire day. “This is yours?” tanong ko. Tumango lang si Allen bilang sagot. “And he is your chauffer?” Umiling naman siya sa pagkakataon na ito. “Hindi. Tinawag ko lang siya para dalhin dito ang sasakyan ko at maging driver na rin. Naka-inom din kasi ako kaya hindi ako pwedeng magmaneho,” paliwanag niya. “W-Wait.” Umeepekto na ata sa akin ang alak. “This is your car, and he is not your driver but he has your car’s key and you’re trusting him our lives tonight despite of him being a complete stranger?” pag-uusisa ko. Well. If I can still ask him such rational question, maybe I am still not as drunk as I think I am. Tumango na naman si Allen. “Hindi ko siya driver pero nagmula siya sa isang mapagkakatiwalaan na helper driver agency kung saan tumutulong sila sa mga lasing o kaya naka-inom na driver para ligtas silang makauwi.” Tinaasan ko lang ng kilay si Allen. “And you believe them? You might get fooled now but next time he might steal your car… and… and his ID could be fake!” bulyaw ko nang makita ang naka-pin na company ID ng lalaki sa kulay blue niyang uniform. “Uhm, e-excuse me, ma’am.” “What?” Nag-aalinlangan akong tiningnan ng lalaki habang kinakamot ang likod ng kanyang ulo. Tumungo ang mga mata niya kay Allen sanhi para sundan ko ito at bumalik ulit ang atensyon ko sa kanya. “Sa totoo lang… kapitbahay ko sa boarding house ko si Emman.” “Emman?” “Hello po, m-ma’am,” kabadong bati sa akin ng lalaki habang yumuyuko. “Matagal na siya sa kumpanya nila. Sa totoo lang mas mataas na ang ranggo niya kaysa sa ordinaryong pag-aassist lang sa mga naka-inom na driver. Kinulit ko lang siya kanina sa text para masigurado kong ligtas kang makakauwi.” Unti-unting napapayuko si Allen habang ipinapaliwanag niya ito sa akin. Oh, goodness. Nakukunsensya tuloy ako. Binabawi ko na. I might be really drunk. Gusto kong humingi ng tawad, but suddenly my tongue become numb. “G-Ganun ba? Ayosh–” I gasped in surprised. Naku. Naku. Nahihilo na ako masyado. “Bea. Bea. Ayos ka lang ba?” alalang tanong sa akin ni Allen. Naramdaman ko bigla ang pagdapat ng malamig niyang kamay sa likod ng braso ko. I jolted a little dahilan para magulat din siya bigla sa akin. “A-Ayaw mo pa rin bang magpahatid?” he lovingly asked. Napakamaalaga lang pakinggan ng boses niya. Gusto kong umiling para ipakita ang pagbabago ng isip ko. I think I’m drunk and need to be taken home by him, kaso lang masyado na akong nahihilo para umiling pa. And my tongue is numb that I begin to slur my words just like a drunk person. Ang tanging natitira na lang sa akin ay ang matino kong isipan ngayon. “Sige kung ayaw mo talaga na ihatid kita, gawin na lang natin ito sa mas maayos at pantay na paraan,” litany ani Allen. Hindi na ako umimik pa at naghintay na lang sa susunod niyang sasabihin. “Kung makakapaglakad ka patungo sa akin na hindi natutumba o gumewang man lang ng dalawang beses ay ibig sabihin ay hindi ka pa nga talaga lasing. Saka hahayaan kitang sumakay ng taxi pauwi.” Nahihilo na ako. I’m pretty sure I’ll fail his challenge. Pero dahil hindi ko ito masabi kasi Allen ay nagpatuloy pa rin siya sa naisip niya. Ipinuwesto niya ako sa kinatatayuan ko, tapos ay umatras ng tatlong beses. “Sige. Maaari ka ng magsimulang maglakad,” hudyat niya. Bumuntong-hininga ako. Okay if he keeps insisting, I will do what he wants me to do.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD