ANITU SEVENTEEN

1769 Words
B E A “Maaari ka ng magsimulang maglakad.” Even if he says that, it’s not that I can walk as steady like a straight line. Pero humakbang pa rin ako. Kahit na kinakabahan at baka kaagad lang akong matumba ay sinubukan ko pa rin naman. Maayos kong naihakbang ang kanan kong paa. But now that my weight is unevenly distributed, I’m no longer sure on how to step my left foot forward. “Bea?” rinig kong tawag sa akin ni Allen. Itinaas ko ang isa kong kamay para pahintuin siya. It will hurt my pride kung sakaling hindi ko magawang humakbang ng kahit isang beses man lang. Bumuntong-hininga ako. Handa na akong humakbang ulit, malapad kong inangat sa magkabilang gilid ang mga kamay braso ko para magkaroon ng balanse. Nakabukas din ang mga palad ko at nagmistulan na akong munting ibon sa lupa. “Huu…” mahinahon kong buga ng hangin, at sunod ko na lang na ginawa ay ang pag-angat ng paa ko para gawin na ang paghakbang. Tak. The lame sound of my shoes hitting the cemented ground. “Ganyan ka na ba talaga kalasing para gawin ‘yan?” wika ni Allen. “Shh! Quiet,” sambit ko. Sa totoo lang ay nagmimistulan nang tubig sa dagat na para sa akin ang daan. Gumagalaw kasi ito na para bang alon na umaatras-abante, umaangat at baba, at bahagya akong dinadala. I know. This is just me being dizzy. But an ebbing wave is the best thing to describe how I feel right now. Nang matagumpay kong maisund ang huling paa ko at sabik kong inangat ang ulo ko. I wonder how close I am to Allen now. Pero bigo ako. It only disappointed me when I saw him still a meter away from me. “Come on,” reklamo ko habang umiiling-iling. Isang hakbang nga lang pala ang nagawa ko pero pakiramdam ko ay isang metro na ang layo ng nilakad ko. “Oh, whatever…” Wala na akong pakialam. Humakbang na lang ako ng dire-diretso I stride with confidence despite dizziness. And the next thing I heard is Allen’s worried shout. “Bea!” Nagtila nahulog na camera ang paningin ko. ‘Yung kagaya ng sa mga nakikita ko sa TV. Nahulog na lang ako bigla at napadapa sa malamig na semento ng kalsada. “Bea! Ayos ka lang ba?” alalang tanong ni Allen sa sandaling nasa tapat ko na siya. “Na-Nasugatan ka ba?” Hinablot niya ang kamay ko at sinilip ang aking mga palad. Aaahh. Sana lamunin na ako ng lupa dahil sa pinaggagawa ko. Ang lakas lang talaga ng loob ko na uminom ng marami, nakalimutan ko na kahit pala lasing ako ay naaalala ko pa rin pala ang mga pangyayari. Well, I'm not too drunk. But tipsy and drunkenness has a thin line between them. “Halika, tumayo ka na. Sumakay ka na sa sasakyan.” Hinila ni Allen ang kamay ko saka niya niyakap ang magkabila kong balikat. He is seriously making sure that I won't fall on my feet once more. Okay na. Ayos na kasi sana ang pag-alalay na ginagawa niya sa akin. But maybe I still seem unstable enough for him to change his tactic. Pinulupot ni Allen ang kanang kong braso sa leeg niya, at sakay mabilis at buong kisig niyang akong binuhat in a bridal position. “S-Stop…” mutawi ko sa gulat at nagpupumiglas.  “Bea, baka mahulog ka,” saway niya sa akin. Ito. Itong-ito ang dahilan kung bakit panay akong umaasa sa sinabi ni Cheska sa akin tungkol kay Allen. Ito ang dahilan kung bakit ayaw mawala sa isipan ko si Allen. Oo. Matagal ko na siyang gusto pero parang mas lumalala lang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon na madalas na kaming nag-uusap. Ngayon na umabot na kami sa ganitong sitwasyon. Pwede ko naman isipin na mali ang akala si Cheska. Wala rin naman kasi talagang konkretong ebidensya ang sinabi niya. Allen did not tell her about anything. Wala naman talaga. Pero kasi… nakakainis lang ang mga ganitong galawan ni Allen. Pwede naman niya akong hayaan na umuwi ng mag-isa. O kaya hayaang madapa. Sapat na nga ang pag-alalay sa akin sa paglalakad kanina. But he keeps showing me extra actions that could lead to Cheska’s theory. Nakakainis. Gusto ko na lang sabihin sa kanya ng prangkahan. “Naiinis na ako. Mas lalo kitang nagugustuhan. Mas lalo lang akong umaasa. Kaya kung mali ako ng iniisip sana naman ay itigil mo na. Nakakatakot kayang masaktan.” Pero imposible dahil isa akong duwag na nagpapanggap na matapang. Tumigil sa paglalakad niya si Allen. “G-Gusto mo ‘ko?” Hays. Ilang ulit ko ba na kailangan na aminin ito sa sarili ko. “Oo gusto ko si Allen… bwis*t lang kasi hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ni… ya nga… yon.” Nanigas ako bigla. I'm sure I just heard my own voice. I'm sure I just heard myself talking. Tumingala ako. Exaggerated man kung sabihin but I saw Allen’s face turning red as well as mine getting all warm. Parang lumala ng sobra ang epekto ng alkohol sa katawan ko. “B-Bea. A-Ano ang sinabi mo?” tanong ni Allen sa akin. Ramdam na ramdam ko mula sa aking likod ang panginginig ng braso ni Allen. Napatakip ako ng mukha sa hiya. “S-S-S-Saang banda… saang banda ako nagsimulang magsalita?”  “Simula doon sa naiinis ka kasi mas lalo mo lang a-akong nagugustuhan. Be—” “AAH! Lasing na lasing na ako! Iuwi mo na ako, Allen! Please! Nakakahiya na! Please!” pagpupumiglas ko habang nagsisisigaw. Ayaw kong marinig ang susunod niyang sasabihin at baka kung ano pang ibang bagay ang masabi ko sa estado ng isipan ko ngayon! Nagmadali naman si Allen at kagyat na tumakbo patungo sa sasakyan. Hindi ko na nakita ang mukha niya o kung ano na ang nangyayari. Tanging ang pag-alog ko na lang ang naramdaman ko dahil nakapikit at may takip pa rin ang mukha ko. “Dahan-dahan,” sabi ni Allen habang maingat akong inilapag sa upuan. Nahagilap ng mata ko ang mahabang upuan ng backseat kaya naman mabilis na akong gumapang sa kabilang dulo nito at doon nagtago. I hate myself. This is not my first time. Kilalang-kilala ko ang sarili ko kapag nalalasing. This is the main reason why I don't want to get drunk. Kasi kahit lasing ako, sakto man o malala at naaalala ko pa rin ang mga pangyayari habang lasing ako. I wish I could forget this moment. “Bea–” “Oh, gosh! Allen, just let me be,” I muttered as I snuggled more to the backseat’s  backrest.  “Sige na…” rinig kong sabi ni Allen na hindi ko na rin naintindihan ng maayos ang karugtong dahil sa hina ng boses niya. I hate being drinking, because once I get drunk or even just tipsy, I find it difficult to control the situations that I might get into. Kagaya na lang ngayon. I just confessed to Allen whilst influenced by alcohol. Ang cheap mo lang, Bea! ~ ~ ~ ~ ~ “I'm sorry if I have judged you easily earlier,” mahina kong banggit kay Allen habang nasa sasakyan kami. Nasa daan na kami patungo sa bahay ko. Noong paggising ko at nakita na sa labas ng bintana ang iilan na pamilyar na mga building ay alam ko nang ilang minuto na lang at nasa bahay na kami. Nakaidlip lang naman ako saglit, ayos na rin dahil kaagad akong nahimasmasan paggising ko. Kaya eto na nga, nagpapaliwanag at humihingi na ako ng tawad kay Allen sa ginawa kong kahihiyan kanina. “Judged?” “Uhm kasi… sa totoo lang hindi ako naniwala kaagad na may sarili kang sasakyan.” “‘Yun lang ba?” aniya na hindi ko naman sinagot kaagad. Hindi lang naman kasi ‘yun ang gusto kong sabihin sa kanya. May isa pa, at mas malala at nakakakaba itong topic na ito kaysa sa nauna. “Pinuno ng relihiyon namin si Tatay,” biglaan na banggit ni Allen. Napaangat naman ako ng ulo at nakita ko siyang diretsong nakatingin sa daan habang nagsasalita. “Uh, matatawag siyang relihiyon kung sa salita niyo pero sa pangkalahatang termino ay tinatawag itong paniniwala.” Tumigil siya saglit, pero hinintay ko lang siya na magsalita ulit. “Nagmamay-ari kami ng malawak na sakahan, habang si Nanay naman ay mag pinapatakbong negosyo ng kakanin. Masasabing nakaaangat din kami sa buhay.” This is my first time hearing something about Allen’s family. I wonder kung alam din ni Cheska o ng iba pang naging mga kaklase ni Allen ang tungkol dito? “Nasa malayo at masukal na bahagi man ng bansa ang mga kabahayan namin ay puno naman kami ng yaman. At naniniwala kami na ang lahat ng ito ay biyaya sa amin ng mga anitu.” “Woah. Ang yaman naman talaga ng kultura na mayroon kayo. At ang galing din kasi napanatili niyo ang tradisyon niyong ‘yan,” batid ko kay Allen. Pero sa totoo lang ay sinabi ko lang ito dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko na alam kung paano ko dapat simulan ang tungkol sa ginawa kong pag-amin kanina. “Ah, nandito na pala tayo,” banggit ko nang maaninag ko sa dilim ang puting gate ng bahay nila Mommy at Daddy.  Bubuksan ko na sana ang pinto sa tabi ko nang lumabas bigla si Allen. Umikot siya at kusa niyang binuksan mula sa labas ang pinto ko. “S-Salamat. Uhm, gusto niyo muna bang pumasok?” aya ko sa kanila, umaasa din ako na sana ay tanggapin nila ang imbitasyon ko para naman magkaroon ako ng konti pang pagkakataon na makausap si Allen. Goodness! I really wanna make things clear first about my confession before letting him go. “Naku, hindi na. Malalim na ang gabi at kailangan mo nang magpahinga, Bea.” Kitang-kita ko sa mukha ni Allen ang kanyang pagkailang. Nakakurba pataas ang kanyang mga kilay habang pilit na ngumingiti sa harap ko. “Oh, s-sure,” sabi ko na lang at hindi na nagpumilit. “Thank you for bringing me home, Allen.” Naglakad na ako papasok ng gate. Habang ginagawa ko ito ay pinapanood lang ako ni Allen. I don't know what to feel, pero sigurado akong hindi ako makakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip ko tungkol sa ginawa kong agaran na pag-amin ng damdamin ko sa kanya kanina. I wish to have amnesia when I wake up the next morning.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD