B E A
I did my best to not meet with Allen today. Naisip ko na mas liliit ang posibilidad na magtagpo kami ngayon at sa mga susunod na araw lalo na at wala na kaming projects. Wala muna. Tahimik pa ang buhay ko ngayon bilang sekretarya at wala ng collaboration ang sections namin.
Akala ko magiging madali… kaso nakalimutan ko ang tungkol kay Cheska.
“Bea, ano na?” biglaang tanong sa akin ni Cheska na naghihintay sa akin sa may hagdan.
Halos hindi ako makaabante dahil sa taong nasa gitna nila ni Jack.
“Jonathan,” rinig kong tawag ni Jack kay Allen bago naunang humakbang pababa ng hagdan. Mabilis naman akong tumakbo patungo kay Cheska para hilahin siya.
“Anong ginagawa ni Allen dito?” mahina kong tanong habang mahigpit na hawak ang braso ng kaibigan ko na kung ano-ano na lang ang pinaggagawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ito or nagkataon lang. O ginagawa ba nila ito para makatulong sa akin po para lang dagdagan ang problema ko at hindi ako pahintuin sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.
“Hmm… sasabay siya na kumain ng lunch sa’tin?” sabi ni Cheska na para bang hinuhulaan niya ang tamang sagot sa katanungan ko. “Why? Don't you want to be with him? Hindi mo na ba siya gusto?” Cheska gasped, “Oh no! Don't tell me something happened to you together?” bulalas niya na siya namang nagpalingon sa dalawang nasa unahan.
“Cheska, Bea. Ano na kayo, diyan? Gutom na ako,” angal ni Jack sa amin.
“Shut up, Jack!” tugon ko naman sa kanya pero kaagad ko rin hinila pababa si Cheska para sumunod sa dalawa. Baka mag-suspetsa pa kasi sila sa kinikilos namin.
“Bakit ba, Bea?” patuloy na pagtatanong sa akin ni Cheska.
“Let's talk about it later. Sa ngayon, kumain muna tayo… and don't act too sharp. Baka mapansin ni Allen,” paalala ko kay Cheska. Alam ko kasi na sa sobrang talas ng isipan ng babaeng ito ay may posibilidad na agad siyang magkakaroon ng ideya sa nangyari sa amin ni Allen.
Hindi rin naman ako nagkamali sa desisyon ko na huwag muna na makipagkita kay Allen ngayon. Kitang-kita kasi ang pagka-ilang niya sa akin. Palagi siyang nakayuko na para bang napakasarap ng kanyang ulam na alam ko naman na matabang. Ganyan kasi talaga ang timpla ng ulam dito sa cafeteria.
He must be regretting coming with us because of this weird atmosphere. Ang mas malala pa ay magkatapat kami ngayon. Halos hindi ko na kayang ubusin ang pagkain ko sa sobrang bigat sa pakiramdam.
Mabuti na lang at naging normal ang lahat nang natapos na kaming kumain. Bumalik na ako sa tabi ni Cheska habang nasa unahan naman namin si Jack at Allen. We were awfully quiet along the way when Cheska broke it saying, “Ah! Oo nga pala. Napag-utusan ako ni Ma'am Bevz kanina.”
“Si Ms. PE?” sambit ni Jack.
Si Ma'am Bevz, o Beverlyn Salazar, ang PE teacher namin na madalas na inuutusan ang mga estudyanteng nasa harap ng klase. Mukhang si Cheska na naman ang napagdiskitahan niya ngayon, ah.
“Ano na naman ba ang utos niya?” tanong ko.
“She told me to arrange the badminton set we used during PE earlier. May gagamit pa raw kasi na ibang PE class at adviser kaya dapat maayos yun.”
“What? Eh, ‘di ba naayos na ‘yun?”
“Naayos na ba?” Kamot ni Cheska sa batok niya, “ Hindi ko matandaan, eh.”
“Oo, no. Hindi ba ‘yung mga taga-Spice Ghols pa ang umayos nun kasi napagalitan sila?” banggit ni Jack.
Spice Ghorls ang tawag namin sa grupo ng mga babaeng kaklase namin na puro paganda lang ang alam. Although they are smart. However, they tend to laze around and only care about their image. Bale pumasok lang sila sa section namin para maging “balanse” raw ang image nila. They have both beauty and brains as they claim.
Anyway, wala naman akong problema sa kanila. I barely even talk to them.
“Ganun ba? Hmm… let's just check ourselves. Kasi hindi naman siguro ako uutusan ulit ni Ma'am Bevz kung alam niyang maayos na ‘yung storage room,” Cheska suggested. Well she got a point. Baka pinabayaan lang ng mga ‘yun ang storage room. Sa maarteng asal pa naman ng mga ‘yun, they does not seems like people who can properly clean a room.
Pumayag na lang kaming lahat sa sinabi ni Cheska. Nasa likod pa ng cafeteria ang gym kaya bumalik kami sa daan namin.
“Hm? Wala namang badminton materials dito, ah,” wika ni Jack nang pagpasok namin ng storage room ay wala kaming nakitang badminton set sa loob.
Sumilip din naman ako at sinuyod ang buong storage room. “Oo nga,” pagsang-ayon ko.
“R-Right! Baka hindi ginawa ng Spice ghorls ang utos sa kanila ni Ma'am Bevz.”
“Spice ghorls, sino sila?” tanong naman ni Allen na mukhang hindi kami naiintindihan.
“‘Yung maaarte naming mga kaklaseng babae sa likod,” paliwanag naman sa kanya ni Jack.
Tumango-tango lang si Allen nang masagot na ang simpleng katanungan niya.
“Hmm. What about we check outside kung nandoon pa ba ang mga badminton?”
“Huh? Eh, kaninang umaga pa noong huling ginamit natin ‘tong gym, ah. Don't you think other classes might have used those already?” sabi ko.
“P-Pwede. Pero paano kung hindi,” matapang na pamimilit ni Cheska. She might be anxious about it since siya ang inutusan ni Ma'am Bevz.
“Okay, fine. Tara na–”
“Ah! Huwag na,” mabilis na tanggi ni Cheska, “kami na lang ni Jack, paki-check na niyo na lang ni Jonathan kung may uh… may badminton set ba diyan.” Bago pa man ako maka-alma sa sinabi niya ay mabilis na niyang kinaladkad palabas ng storage room si Jack. Kumalabog ang ingay ng isinarang pinto ng storage room, and for a second both Allen and I went silent.
“A-Ano kayang problema ng babaeng ‘yun?” I awkwardly asked Allen. Ito rin ang unang salita na sinabi ko sa kanya ngayong araw.
“Hindi ko rin alam,” kibit-balikat niyang sagot, “maghanap na lang tayo ng badminton o kung anuman ang pinapahanap niya sa atin.”
Uhm. Does he know that it's very obvious na wala rito ang mga badminton? I mean pagpasok pa lang sa storage room ay kitang-kita na ang walang laman na bucket ng badminton rackets.
Great… kaming dalawa lang ni Allen dito sa loob. Saktong-sakto para sa gagawin ko – I have to clear things out.
“Allen,” kabado kong tawag sa kanya. Kaagad din naman siyang lumingon sa akin. He looked at me with full attention and interest. Magsasalita pa sana siya nang binilisan ko na ang pagbulalas. Baka kasi kabahan pa ako. “Tungkol sa nangyari kagabi. I'm sorry about it, okay? I mean, I know I said something weird or surprising or unlikely to you but please bear in mind that I was drunk and I don't know what I was saying… so!” I paused to breathe, then begin again, “don't believe anything I told you before I woke up in your car yesterday. Kasi nga lasing ako.”
Hindi umimik si Allen. Hindi ko rin alam kung ano ang ekspresyon ng mukha niya dahil medyo madilim ang bahagi na kinatatayuan niya ngayon.
“Allen?”
“A-Ah… s-sige,” he quietly responded.
Then again. There goes the awkward air between us.
I sighed. Tumalikod na lang ako at hinayaan siya na maayos ang mga nasa isipan niya ngayon.
“Uhm… uh, doon na muna ako,” sabi ko nang wala na talaga akong narinig na sagot mula sa kanya.
He is clearly anxious about me too. Tumungo na lang ako sa pinto para lumabas sana at sundan sila Cheska nang may naramdaman akong mali sa paghatak ko sa handle ng storage room.
“Wait…” I suspiciously uttered. Hinila ko ulit ang handle… tama nga ako ng hinala. Matigas ang kabilang bahagi na tila ba may humaharang dito. Naka-lock lang naman mula sa labas ang pinto ng storage room.
Matataranta na sana ako nang maalala ko sina Cheska at Jack sa labas. Inilapat ko ang tenga ko para marinig kung nasa malapit lang ba sila nang marinig ko ang mahina nilang boses.
“What are you doing?” sabi ng boses ni Jack.
“Let them be. I'm sure na may nangyayari sa kanila dalawa. Isipin mo na lang na ginagawan natin ng favor si Bea,” wika naman ni Cheska.
I knew it! Hindi talaga makakapag-behave itong si Cheska.
“Anong nangyayari? Ah! What if may mangayri talaga kung iiwan natin sila ng mag-isa sa loob. Omg. Cheska!”
“Tumahimik ka nga. Nothing will happen, they will just reconcile and realize their fixcvsay…” at hindi ko na naintindihan pa ang sunod na sinabi ni Cheska dahil palayo na ng palayo ang boses nila.
Don't tell me they're leaving us alone here?
“Bea?” Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa biglaang pagtawag sa akin ni Allen.
Oh no. This is a nightmare!
“Uh, b-bakit?” kabado kong tanong. Mukhang hindi pa ata kami tapos na mag-usap. Sa tingin ko ay ngayon pa ibibigay ni Allen ang parte niya sa pahayag ko kanina kaso… uhm, kailan ko kaya pwedeng sabihin sa kanya na na-lock kaming dalawa rito sa loob?
“Sigurado ka ba na walang totoo sa mga sinabi mo kagabi?” wika ni Allen. His brows are arched upward. He looks very worried.
“A-Ah… O-Oo.” Yumuko ako. Hindi ko siya matitigan sa mga mata.
Lying to him is not just awkward, I also feel bad about myself. I can't be honest. Lalo na at baka ako lang pala ang umaasa. Nakakatakot kayang masaktan.
“Uhm, Allen na-loc–”
“Sayang…” pabagsak niyang bulalas. Sasabihin ko na sana ang tungkol sa na-lock na pinto nang sinabi ito ni Allen. Magsasalita pa sana ako para magtanong nang agresibo siyang humakbang papalapit sa akin sanhi para umatras naman ako ng isang beses palayo sa kanya. “Sayang, Bea.”
“All–”
“Akala ko pareho tayo ng nararamdaman.” Yumuko siya saka dahan-dahan na kinuha ang kamay ko. He caress it gently then added, “Nung narinig ko ang sinabi mong ‘yun hindi ko maitago ang saya ko. Alam ko na medyo lasing ka kagabi pero naisip ko na hindi ikaw ang tipo ng babae na kung ano-ano na lang ang sinasabi kapag nalalasing. Responsable ka.”
“H-Ha?” I unconsciously uttered.
Teka. Teka. Ano na ang nangyayari at nagkaroon ng mabilis na 180 degrees turn ang sitwasyon namin ngayon.
Tumingin ulit sa akin si Allen. Kumunot bigla ang kanyang mga kilay at nagmukhang desidido ang mga mata niya. Para bang handa na siyang gumawa ng bagay na alam niyang maaaring magkaroon ng masamang resulta. “Gusto kita, Bea,” he quietly spoke. “Alam kong mapangahas dahil sa layo ng agwat natin sa isa’t isa at pagkakaiba ng ugali natin pero nangyari na lang. Nagustuhan na lang kita kahit ang layo-layo mo sa akin. Kahit na palagi kang napapaligiran ng maraming tao. Kahit na liwanag ka at kadiliman ako.”
“A-Allen… why?”
Nagkibit-balikat lang siya.
“Bakit, sino ba ang hindi hahanga sa isang Beatrix Andana? Maswerte lang talaga ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo.”
Ang saya ko. Pero hindi ko alam kung paano ito sasabihin. Kung paano ito ipakita kaya naman para akong tanga. Para akong tanga dahil bigla na lang tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata.
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa umagos na ito ng tuluyan at kailangan ko ng itago ang marahio ay mapula kong mukha kay Allen.
“B-Bea? Anong problema?” Pilit na hinawi ni Allen ang kamay ko sa mukha ko pero nagmatigas pa rin ako. Hindi rin naman nagpumilit si Allen at niyakap na lang ako ng mahigpit. “Anong problema?” bulong niya.
Ano ang problema ko? Masyado akong masaya. Parang kanina lang ay ang bigat-bigat ng puso ko pero ngayon bigla na lang itong lumulundag sa gaan at tuwa.
Shuta. Baka panaginip lang ‘to. Kasi kung oo, gisingin niyo na ako habang maaga pa. Habang hindi ko pa siya sinasagot dahil ayaw kong umasa na naman at masaktan lang.