18 trouble in paradise

892 Words

18 trouble in paradise “BINUKSAN ko na ’yan kaya punit ang envelope,” paunang sabi ni Veronica kay Mitoy. “Ano’ng sabi? Puwede ba’ng ikuwento mo na lang?” “Hinahabla ka niya, hinahabla niya tayo. Nagbabanta pang dadalhin niya sa pinaka-mataas na husgado ang kaso.” “Mukha ba’ng legal ang papeles?” “Tingnan mo na lang . . .” Linakasan muna ni Fiona ang temperatura ng aircon sa kanilang kuwarto bago niya plinakda ang sarili sa kama. Awtomatiko na niyang hinagilap ang remote control ng telebisyon. Salit salitang tunog ng pagdarasal ng mga Muslim, saliw ng sitar, at Mehikanong telenovela. Tumigil siya sa programang nagtatampok ng mga babaeng Indianong nagsasayaw ng Kathakali. Hininaan niya ang volume. Naririnig niya ang pagpihit ng mga pahina, at ang panaka-nakang pagkati ng lalamunan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD