26 omelettes

1265 Words

26 omelettes COOK ng kumpanya ng Shuttle si Baby, na ang tunay na pangalan ay Rosemarie Azarcon. Asawa siya ni Treb. Graduate ng Hotel and Restaurant Management si Baby sa Central Luzon Polytechnic College sa San Roque, isang kilalang kolehiyo sa bayan, na lumalaki ang student population taon taon dahil nag-aalok na rin ito ng mga kursong mabenta para sa mga taong ibig mag-abroad, kagaya ng Nursing, Information Technology, Engineering, atbp. Nagkakilala sina Baby at Treb sa isang birthday party ng barkada. Nang tumulak na si Treb ng Dubai, katatapos lang ni Baby ng internship niya sa HRM sa isang three star hotel sa Pampanga. Napagdesisyunan ng mag-asawa na magsasama sila sa Dubai, kahit na makikisiksik muna sila pansamantala sa quarters ng iba pang mga manggagawa. Araw-araw, gumigi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD