27 do buy! ARAW ng pahinga, Biyernes. Nakaupo si Antonio sa bangko sa parke. Kasusuweldo ng mga tao, at nakatanggap siya ng karagdagang bayad sa overtime. Humiling si Jo ng sapatos, gayundin ang anak nilang si Hero. Binili na niya kanina. Katabi na niya sa bangko ang mga kahon nito, at isang supot ng grocery. Sa pagkapa niya sa mga iyon, biglang sabay-sabay na pumulandit ang mga fountain sa lawn ng parke. Tila nauulinigan pa ni Antonio ang mga tunog at usapan nila sa sasakyan kani-kanina lamang. Ang sabi ng DJ na may Aussie accent: “Would you like to win a brand new iPod? It’s so easy. All you have to do is call our station and give us the name for the mascot for this year’s sports olympics. That’s right, call or text in the name of the mascot for this year’s Do-Buy’s Olympics 2000!”

