29 ang prodigal ARAW ng mga Patay, Nobyembre 1984. Hindi muna umuwi si Antonio sa bahay ng kanyang kapatid sa Marikina. Sa halip, pinuntahan niya ang bahay ng kanyang Tiyo Imo sa Anao. Hapon na iyon at nagulat si Manang Concha nang magpakita siya sa tarangkahan. Tinakbo nito ang gate, yinakap siya, pinapasok. Nasa simenteryo ang kanyang tiyuhin, kasama ang kanyang tatay, pinalilinis ang puntod ng kanilang mga magulang at mga kapatid na yumao na. Hihintayin ko na lang sila dito, ang sabi ni Antonio. Humahalimuyak ang ilang-ilang, at nakalalango ang samyo niyon. Umakyat si Antonio sa hagdan, nagpasyang aabangan niya roon ang tatay niya’t tiyuhin sa kanilang pag-uwi. Sipol ang una niyang narinig. Kahulan ng mga aso. At hindi siya maaaring magkamali, ang tatay lang niya ang may sipol na

