30 stockroom FINAL mounting na sila ng dalawang motor ng water separator. Nakahanda na ang generator para ma-test kung uubra ito. Kanina pa napapansin ni Ernie na malungkot si Alvin. “Ang aga-aga naman pare para magmukha kang Biyernes Santo.” “Mababaliw na ako sa motor na ito. Wala namang diperensya. At gumagana naman ang capacitor,” sabi ni Alvin. “Rush pa naman, kailangang-kailangan sa Odin.” Tiningnan ni Antonio ang likod ng motor. Kagigising lang niya’t sumasadsad pa sa sahig ang kanyang tsinelas. Linapitan niya ang dalawang motor, binasa ang label sa likod nito. “Dre, problema ’yung dalawang capacitor. Mali ang capacitance. 15 microfarrad ang linagay mo, dapat 75.” Tiningnan rin ni Ernie motor sa likod. Tumindig ito’t napasigaw. “’Yan ang pagbabalik ng panday!” “Ano ba ’yan, a

