32 nasaan ka na, babaeng nakagat ng ahas?*

1159 Words

32 nasaan ka na, babaeng nakagat ng ahas?* NASAAN ka na, babaeng nakagat ng ahas? Ni hindi ko na naitanong ang iyong pangalan. Ilang bundok na ang ating pinagsamahang baybayin, kasama na kitang natulog sa lupa, kasama kitang nakisalo sa kinilaw na puso ng saging na walang sahog kundi asin. Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang una kong gabi sa lugar na iyon, nang una rin kitang makilala, nang marinig kong pinipigil mong umiyak. Akala mo tulog na ang lahat. Hindi rin ako makatulog. At alam mong narinig kita. Kinabukasan, kasama kitang pumunta sa bahay ng masa. May ikakasal na kasama, at tayong dalawa ang naatasang humanap ng baboy na kakatayin. Natatandaan mo ba kung paano tayo kumatok katok sa mga bahay bahay, parang banal na pamilya na nanunuluyan? Nagpanggap pa nga tayong mag-asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD