33 budol-budol

691 Words

33 budol-budol PAANO na nga ba nagsimula iyon? Sa bus? O sa paglabas niya ng L.T.O? Hindi kaya nu’ng kumakain na siya sa McDonald’s? Pilit na pinagdirikit ni Nanay ang mga piraso ng kanyang nagugunita tungkol sa pagkakilala sa dalawang taong ’yun, silang mga kasama sa sindikato ng budol-budol. Ayon sa imbestigador na nakausap niya pagkaraan, props ng sindikato ang mga alahas, pera, titulo ng lupa, at iba pang maaring pagkakitaan. Budol budol ang ginamit na termino, mula sa pagkakabudol ng mga pekeng perang papel sa tunay na pera. “Mapili ang grupo sa kanilang bibiktimahin. Madalas, inoobserbahan muna nila ng mabuti ang mga taong alam nilang madaling makakapaglabas ng pera. Matagal na kayong inoobserbahan ng mga ’yan. Baka nasundan kayo, ’Nang, nu’ng lumabas kayo ng bangko.” Baka nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD