5 si mitoy

831 Words

5 si mitoy LALONG makikilala ni Antonio si Mitoy sa mga sumunod pang mga buwan. Dahil siya na rin ang kinontrata nito na ayusin ang plumbing ng bahay, iniskedyul na niya ang pagbisita roon pagkatapos ng electrical repair. Isang umaga, pagbaba ni Antonio sa traysikel sa tapat ng 11 Chopin, may nakita siyang lalaki na naghihintay rin doon. Hindi pa lalampas ng trenta ang itsura ng lalaki, at sa tabas ng mukha nito, hindi mapagkakailang kaanak siya ni Mitoy. Mula sa maalong itim na buhok, hanggang sa mga matang may mga pilik na singlantik ng kamel, pati ang pangangatawang patag at maskulado. Parang kaharap niya si Mitoy dalawang dekada ang nakalilipas. Gayunpaman, naniyak pa rin si Antonio na tama ang kanyang haka. “Sino po sila?” Lumapit ang lalaki sa kanya. Halos magkalebel ang kani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD