6 final na negosasyon para makaalis ABRIL 1994 noon. Kaarawan ng abuela ni Jo at imbitado silang magasawa sa bahay nito sa Tandang Sora. Umaapaw ang handa sa mesang kahawig ng spool ng mga kableng malalaki. Spaghetting binudburan ng sangkaterbang hotdog, cake, at ice cream para sa mga apo. Kaldereta, dinuguan, lumpia, pansit, at crispy pata para sa mga matatanda. Sa bungad ng bahay, na estilong Mexicanong bungalow, pumuwesto ang mga magkakapatid na sina Vito, Mitoy, Emilia at Alicia. Mukhang masaya ang abuela ni Jo, na tinatawag na Nanay ng lahat. Nasa Pilipinas ang mga anak niyang sina Mitoy, Vito at Alicia. Ang naunang dalawa’y magkasama sa Dubai. Ang huli’y patawid tawid ng mga kontinente depende sa ihip ng destino ng asawa nitong nagtratrabaho sa World Bank. Si Emilia, kagaya ng

