bc

Liwanag at Dilim

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
mystery
another world
like
intro-logo
Blurb

The Jinns' Lore

***

Date started: January 2022

Date finished: March 2022

chap-preview
Free preview
1 : Magiging ayos ka
Sa pagdilat ko ng mga mata’y unang rumehistro sa akin ang nakapanghihinang kirot sa buo kong katawan. Namamanhid ang kanang binti ko at ang anumang klase ng paggalaw ay tila isang malaking pagsubok. Nang sinubukan kong igalaw ang kaliwang braso para sana palisin ang pawis sa noo’y narinig ko ang sariling mga daing. I writhed in agony as an excruciating pain pierced through my broken arm. Ilang beses akong pikit-matang hirap na suminghap hanggang sa tuluyang humupa ang kirot na nadama. Ang pawis ay dama ko hindi lamang sa noo ko ngunit ngayo’y maging sa buo ko nang katawan. Kung ano ang nangyari ay hindi ko alam—wala akong matandaan. It felt as though I just woke up from a very long dream… a horrible nightmare to be exact. “Bakit? Masakit? Saan ang masakit?” Suddenly, I heard a soft voice from a girl just beside me. Dali-dali akong napamulat at lumipad ang tingin sa direksyon nito. Ang gulat at pagtataka ay walang pasubaling bumangga sa akin sa nakita. “Gising ka na! Ayos ka lang? Anong nangyari? Saan may masakit?” Hindi ko naintindihan ang pag-aalala at takot sa tsokolateng pares ng mga mata niya. Ngunit may kung ano roong tila nag-uudyok sa aking ‘wag siyang bitiwan ng pansin. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang nakaratay kong katawan para maghanap ng sagot nang hindi ako umimik. Ang mahaba at alun-alon niyang buhok ay sumasabay sa bawat paglinga niya. Tila natauhan sa panandaliang pagkakaputol ng tinginan namin, sa wakas ay nakuha kong magsalita. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa—” Nang nilingon ko ang paligid ay ‘tsaka ko lamang napagtantong wala ako sa sarili kong bahay. “Anong…” Binalot akong muli ng gulilat na ngayo’y may halo nang pangamba dahil sa natunghayan. Ang dingding ay gawa sa magkakahilerang kawayan gayundin ang sahig. At mula sa tapat ng hinihigaan ko’y mayroong isang bukas na bintanang gawa naman sa manipis na kahoy. Kita ko ang liwanag ng araw mula sa labas niyon. Isang bahay-kubo. Sandali. Nasaan ako? Bakit ako narito? Paano ako napadpad dito? Sinubukan kong tumayo dala ng simbuyong mabigyan ng sagot ang mga tanong ko ngunit muli, tanging sa pagdaing lamang ako nauwi. Muli akong nahantong sa hinihigaan at ininda ang tugon na sakit ng bawat kalamnan. “’Wag ka munang gumalaw hindi pa magaling ang mga pilay at sugat mo.” Para akong napaso nang maramdaman ko ang pagdampi ng malamig niyang daliri sa balat ko. Agad akong napaangil at may pagbabantang tumutol, “’Wag mo akong hawakan!” Nakita ko ang pagkakagulat niya dahil sa biglaan kong apila. Ang kulay tsokolate niyang mga mata’y sandaliang nanlaki bago napakurap ng ilang beses. Kagat ang labi, sinikop niya ang mga kamay sa kandungan at dumistansya nang kaunti sa akin. “Sorry,” parang batang napagalitang usal niya sa mababang boses. Sabay sulyap sa akin habang nakayuko, tila nag-aalangang salubungin muli ang linya ng mga mata ko. “Tubig? Gusto mo?” Hindi ako gumalaw. Kunot-noo kong pinagmasdan nang mabuti ang pag-upo niya sa ‘di kalayuang gilid ko. Sa matigas na tinig ay sinabi ko ito, “Gusto kong sagutin mo ang mga tanong ko.” Itinikom niya pasara ang mga labi at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Ilang sandaling katahimikan ang lumigid sa amin nang tinitigan niya ako. Noon ko lamang napansin ang puting bulaklak ng daisy na nakaipit sa kaliwang tainga niya. “Sige.” Kasabay ng pagsagot niya nito ang mabagal na pagtango at maliit na ngiti. Malumanay pa rin ang boses niya nang magpatuloy. “Anong mga tanong mo, Raizen?” Magsasalita na sana ako ngunit natigilan dahil sa narinig. Wala sa sarili akong nagtangkang muling maupo. Ngunit sa pang-ilang beses kong pagsubok ay tanging kirot lamang ang itinugon sa akin ng katawan ko. Wala akong ibang nagawa kundi pakinggan ang sariling mga daing. “’Wag ka muna kasing gumalaw, Aiz. ‘Wag pairalin ang tigas ng ulo.” Aiz? Tinawag niya ba ako sa palayaw ko? Mukhang problemado, kababakasan ng taranta ang ekspresyon niya nang sinulyapan ko. Nakataas sa ere ang magkabila niyang kamay na para bang gusto akong hawakan at lapitan ngunit natatakot. Pinagmasdan ko siya nang mabuti at sandali pang napaisip kung paano niya ako nakilala. Ngunit kahit gaano katagal ko pang gawin iyon ay wala talagang kahit anong rumerehistro sa memorya ko. “Sino ka ba? Bakit alam mo ang pangalan ko? Saang lugar ‘to? Anong ginagawa ko rito? Anong nangyari sa ‘kin?” “Ang dami naman. One at a time, pwede?” Mula sa pagngiwi ay bumuntonghininga siyang bigla. “At least naaalala mo pa ang pangalan mo.” Matapos ay mahinang ngumiti. “Ikukuha muna kita ng tubig.” Magsasalita pa lang sana ako ngunit mabilis na siyang tumayo at tumakbo palabas ng kubo. Parang gusto kong magmura. Wala akong kaide-ideya kung ano ang nangyayari. Na-kidnap ba ako? Napagsamantalahan? Nabudol? Naaksidente? Pinapatay? Parang ang sarap talagang magmura. Hindi pa pala sapat lahat ng dinanas ko sa buhay para lang pagbayaran ang pagkakapanganak ko sa mundong ito. “Tubig!” Bumalik siya nang may dalang maliit na basyo. Iniabot niya iyon sa akin nang may ngiti. Tanging pagkunot lamang ng noo ang itinugon ko matapos mapalitan ng pagtataka ang ekspresyon niya. Kalaunan ay, “Ah!” Ngumiti siyang muli, ngayo’y tila ba natatawa sabay pilyang sinabing, “Kailangan mo ng tulong? Pwede na ba kitang hawakan?” Gustuhin ko mang humindi ay para bang nanunukso ang nanunuyo kong lalamunan. Kaya’t wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit nang mariin at magbuntonghininga bago sumang-ayon. Nang muli kong imulat ang mga mata ko’y naroon na siyang bigla sa malapit na gilid ko. Lumapad ang kalmado niyang ngiti nang maabutan akong nakatingin. Iwinakli ko ang atensyon sa mga mata niya bago sinubukan muling maupo. Nang maalala ko ang pagkirot ng mga kalamnan ko kanina’y sandali akong natigilan. Ngunit nang maramdaman ko ang malamig niyang mga daliri sa balat ko’y muli akong sumubok kahit napapaso. Ramdam ang tensyon sa panga dahil sa pag-atake nang matalim na p*******t ng kalamnan, na tila ba pinupunit ang mga laman ko. Maingat ang paggabay ng mga kamay niya sa akin hanggang sa makaupo ako’t makasandal sa dingding. Pagkabaling sa kaniya’y agad akong sinalubong ng tingin niya. Ang mga kamay niya’y nanatili sa akin, isa sa likod at isa sa balikat ko. Hindi ko man inasahan ay nakita ko ang panghihina at pagkakawasak ng kulay tsokolate niyang mga mata. Ngunit sa kabila ng namumuong luha ay nagawa pa rin niya akong gawaran ng isang matamis na ngiti. “Un. Maghihilom ang mga sugat at magiging maayos ka ulit.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Wife For A Year

read
70.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook