KABANATA XIV: Hinala

1886 Words
Maingat si Jericho at Lyca sa bawat hakbang na ginagawa. Mabuti na lamang at nasa kusina pa rin si Ina, malaya silang nakaalis sa silid na iyon. Sa sala ang tungo nila. Pagod na silang tumakbo at magtago. Pero wala pa silang magagawa sa ngayon. Maliit lang ang bahay na ito at bawat sulok ay may malalagim na sikreto. Palaisipan pa rin kay Jericho at hanggang ngayon ay inaalala niya pa rin ang lahat. Saglit silang napahinto. May nararamdam si Jericho na gumagalaw sa kadiliman. Nagkatitigan sila ni Lyca, tanda na napansin niya rin iyon. Naging alerto silang dalawa. Wala silang kakayahang lumaban. Sumalubong sa kanila ang dalawang nakaitim at may hawak na mga tubo. Napaatras ang dalawa at napakapit sa isa’t-isa. Pilit kasi itong lumalapit sa kanila. “Holy s**t,” hindi maiwasan ni Jericho na hindi mapamura sa gulat. Ngunit tinanggal ng mga ito ang itim na telang bumabalot sa kanila. Nagulat naman ang dalawa. “Maria? Benny?” tanong ni Lyca, nakahawak sa kaniyang puso. “Tinakot niyo kami,” dagdag niya pa. Magtungo sila sa medyo tagong lugar kung saan hindi sila tanaw sa kusina. Hindi nila naririnig si Ina kaya nag-iingat din sila sa bawat kilos at mahina lamang ang pagsasalita. Kumuha sila ng mga gamit sa paligid na maaaring gamitin pang self defense. Mga kahoy lamang na maaaring ipangpukpok ang nahanap nila. “Nasaan si Joyce?” iyon ang unang itinanong ni Maria nang mapansing dalawa lamang sila. Napayuko lang si Lyca at walang naisagot. Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing maaalala ang pagpugot sa ni Ina ulo nito. Nag-iba ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha. “H-hey, what h-happened?” nag-aalalang tanong nito. Kinuwento ni Lyca lahat ng nangyari kanina. Lahat ng detalye. Napakabilis ng mga pangyayari kung kaya’t medyo nahirapan siya. Hindi niya rin maiwasang hindi maging emosyonal. “Oh God!” tanging nasambit ni Maria. Naluluha ito sa mga naririnig, pinapatahan lamang siya ni Ben sa pamamagitan ng paghaplos sa kaniyang likod at paghawak sa kamay niya. Nagtataka man ang dalawa sa closeness nila bigla ngunit hindi na sila nagtanong pa tungkol doon, hindi na iyon mahalaga. “I’m sorry. Wala akong nagawa,” ani Ben sa kanila, punong puno ng pagsisisi sa sarili. “Its not your fault Lyca,” sinserong saad naman ni Jericho rito upang mapakalma rin siya. “She’s getting weirder and weirder,” pagkukwento ni Lyca. “Kanina, may sentence siyang paulit-ulit na sinasabi, akala mo tumutula, iyon mismo iyong tinutukoy ko na narinig kagabi,” dagdag niya. “That tahan na anak?” tanong ni Maria. “I told you its real. Pero hindi ko pa rin maunawaan kung bakit may narinig akong iyak ng sanggol,” sambit ni Lyca. “Napapansin ko lang, parati niyang sinusunod ang anak niya,” turan naman ni Ben. Kinilabutan sila sa isiping iyon, hindi kasi nila nakikita ang sinasabi nitong anak. “What if nakikita niya ang kaluluwa nito?” seryosong tanong ni Jericho. “Fake news,” mabilis na sagot ni Maria sa kaniya. Napanguso ito bago sabihin na, “Hey, ghosts are real.” “I don’t think so,” sagot nitong muli. “Wait, kilala niyo ba kung sino ang bata?” biglang naitanong ni Maria, tila may naalala. Taka namang tumingin ang mga kasama sa kaniya. “Hindi niya pinakilala ang bata,”ani Ben. “Nakalimutan mo na ba? Pinakilala niya sa atin si…” napahinto si Lyca. “Anong pangalan?” paghahamon ni Maria. “See? She didn’t mention any name. Maybe gawa-gawa niya lang iyon.” “Paano kung totoong may anak siya? Nasa kwarto ako kanina. Maaaring sa anak niya iyon. Tapos hindi lang siya nagpapakita sa atin? At iyon mismo ang tumutulong kay Ina? Halimbawa sa paglock ng pinto,” ani Lyca na gulong gulo na sa mga pangyayari. “Hindi iyon pwedeng maisara mula sa labas, right,” sambit ni Jericho. “So andito si Ina all the time?” tanong ni Ben. “Unless may secret passage dito o kaya naman… may kakampi siya,” paliwanag nito. Saglit silang natahimik. Nagkakasundo ang mga ideya na naiisip nila. “And I think she has this kind of obsession with eyes,” dagdag ni Jericho. Medyo kinikilabutan siya kapag naaalala iyon sapagkat naiisip niya si Jessa. “Paano mo nasabi?” hamon ni Maria sa kaniya. “Si Jessa!” bulalas ni Jericho. “What about her?” “Naalala mo nung tinanong siya about sa mata niya? Na gusto ng mga anak niya ang may kulay ang mata?” Nanlaki ang mga mata nilang lahat, hindi alam ang sasabihin. “We even see her na may hawak na mata kanina, it look so real. And sa tingin ko kasi may kinalaman ito sa sugat sa mata niya,” dagdag pa nito. “Kailangan natin siyang mahanap agad. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya,” natatakot na sambit ni Lyca. “Tama, kailangan ay may gawin tayo,” ani Ben. “Mabuti pa, mahati tayo sa dalawang grupo. Isa ang bubukas sa pinto at isang hahanap kay Jessa,” suhestiyon ni Lyca. “Hindi tayo pwedeng humiwalay sa isa’t-isa, delikado,” pagtutol ni Maria. “Pero kung hindi natin gagawin, walang mangyayari. Ayaw mo namang iwan dito si Jessa ‘di ba? Hindi natin pwedeng iwan na lang si Jessa. Malakas ang tiwala kong buhay siya,” ani Lyca. “Tama si Maria. Wala man si ate Joyce, kailangan kompleto tayong makaalis dito.” “Dalawa tayong susubok na magbukas ng pinto Ben,” suhestiyon naman ni Jericho. “Hindi natin maaaring iwan ang dalawang babae, Jericho. Hindi ligtas. Sasamahan ko si Maria at sasamahan mo si Lyca,” sagot ni Ben. “Sige, hihintayin namin kayo,” sagot nito. “Paano kung hindi namin siya makita?” tanong ni Maria. “Of course, mas priority nating makaalis at makahingi ng tulong,” ani Ben. “So, iiwan natin siya? No way!” pagtutol nito. “Pwede ba Maria, huwag kang magmagaling,” medyo naging iritado ang tono ni Lyca na siyang ikinais ni Maria. Tila na-stress si Lyca dulot ng mga pangyayari, at hindi niya sinasadya na maging ganoon ang tono ng pananalita niya. Ngunit nang dahil doon ay hindi na naiwasan ni Maria na magalit rito. “Wow, nagmamagaling huh? Ito ang gusto mo right? You want Jessa out of your sight so you will get Jericho’s attention.” “No, that’s not true,” mabilis na pag-amin niya. “May chance ka na kasi kanina para patayin si Ina, hindi mo pa ginawa,” saad ni Maria. Doon na sumabog si Lyca. “Wala ka sa sitwasyon ko, hindi mo maiintindihan!” Umiling na lamang si Maria at hindi na nagsalita. Inawat rin naman siya ni Benny. Tumalikod na lang siya para wala ng gulo. Alam niya naman sa sarili na hindi niya dapat sinabi iyon. Ngunit napantig ang tenga niya nang magsalita na naman ito. “You know what, kung nasa isa tayong movie ikaw dapat ang unang mamamatay! Bukod sa maarte ka, ang landi landi mo pa!” Napaawang ng bibig si Maria dahil sa sinabi ni Lyca. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya ito. “Ulitin mo nga ‘yang sinabi mo!” bulalas niya sa galit. “Stop it,” pag-aawat ni Ben sa kanila. Minabuti nang mga lalaki na paglayuin na ang dalawa. Naghiwalay na sila ng landas. Hinila na ni Jericho si Lyca palayo kay Maria. Sina Maria at Ben ang maghahanap kay Jessa. Dahan dahan ang mga yapak nila habang tinutungo ang ibang kwarto. Iisa-isahin nila iyon at magbabakasaling matagpuan si Jessa. Samantalang sina Jericho at Lyca ang susubok magbukas ng pinto. Parehong delikado ang plano ng dalawa, ngunit mas makikita sina Jericho at Lyca mula sa kinaroroonan ni Ina. Mas kailangan nilang mag-ingat. Habang naghahanap ng gamit ay tahimik lang silang dalawa, ngunit ramdam ng lalaki ang inis nito. “Where are you going, why won’t you stay? They might be scared of joy. But I just want to play~” sinubukan niyang basagin ang katahimikan sa pamamagitan ng pagkanta. “Shut up,” inis na sambit ni Lyca. Napatawa siya, “Ang harsh mo kay Maria kanina.” “She deserves that,” aniya. “But you know what? I think you’re wrong.” “Huh?” takang tanong ni Lyca. “She’s the final girl,” seryoso niyang saad. Inisip ni Lyca ang ibig sabihin nito at naalala ang sinabi niya kanina kay Maria na siya ang unang mamamatay. Hinampas ni Lyca sa braso si Jericho sapagkat hindi siya makapaniwala. “No f*****g way. How do you say so?” “Instinct again? I don’t know. I’m a mystery writer, I have an idea on how will this end,” sagot nito. Ngunit umiling pa rin si Lyca. “Life has full of twists and turns.” Sinubukan na nilang itulak ang pinto. Talagang mahigpit ang pagkakasara nito. O hindi kaya ay may matibay na bagay na nakaharang mula sa labas. Lumingon si Jericho kay Lyca at tumitig ng diretso sa kaniyang mata. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga. “Kung mamamatay man ako ngayon, I wanna say sorry.” “I know,” matabang na sabi ni Lyca at iniwas ang tingin. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. “But we will not gonna die here.” Hinampas ni Lyca ng malakas ang gilid ng pinto. Sabay nila iyong ginawa. Pinilit nilang buksan. May narinig silang kalampog mula sa labas na tila may bagay na bumagsak. Sa wakas ay unti-unting nagbukas ang pinto. Labis ang galak nilang dalawa. “Nabuksan!” bulalas ni Lyca sa tuwa. “Yes! Makakaalis na-” Hindi nagawang matapos ni Jericho ang sasabihin. Naramdaman niya ang mahapdi sa bandang tiyan. Nang tignan niya ito ay nagulantang siya nang may dumadaloy na dugo mula roon. Napaatras muna siya bago bumagsak siya sa sahig, may dugong lumalabas sa bibig niya. Lumingon siya sa likuran, naroon si Ina, at may hawak ito na palakol. Labis ang kaniyang takot nang mapagtantong wala na silang pag-asang makatakas. “H-he has no f-f-face. He h-hides wi-with the tr-tre…” Ramdam niyang naroon pa rin ang patalim at naiwan sa likod niya. Pumatak ang luha sa kaniyang mata, hindi niya na napigilan. Nawala lahat ng kaniyang pag-asa nang marakamdam siya ng malapot na bagay sa mukha at buong katawan. Tila pinaliguan siya ng dugo. Doon niya lang nasaksihan ang katawan ni Lyca na nahati sa dalawa. Galing sa kaniya ang dugong iyon, nakakapanlumo. Ang bilis ng mga pangyayari. Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib. Hindi niya na kaya ang sakit. At hinihiling niya na matapos na agad at huwag ng patagalin pa. Nangyari naman iyon nang muli siyang saksakin ni Ina. Hindi sapat ang maraming beses. Bago tuluyang ipikit ang mga mata, nagawa niya pang mailabas ang libro mula sa coat. Hindi niya man naresolba ang mga lihim, malakas ang paniniwala niya na hindi ito maibabaon sa lupa habang buhay. Hindi ito ang gusto niyang katapusan. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na magkatotoo sa buhay niya lahat ng kaniyang sinusulat. Ngunit kahit papaano ay masaya siya na nagawa niyang kantahin ang paborito niyang kanta hanggang sa huling hininga. “He lo-loves little chil—when t-they b-beg and screa…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD