KABANATA XIII: Tagu-taguan

1741 Words
Walang tigil sa paghahanap si Jericho. Halos nakalkal niya na ang buong laman ng bodegang iyon. Napadpad na sa kaniya ang lahat ng alikabok, ngunit wala pa rin siyang natatagpuang kahit anong bagay na pwede niyang magamit. Wala man siyang makitang lumang photo album, diary, o kahit anong impormasyon na maaari niyang makalap kay Ina. O kahit bakal na lang na pwedeng pangbukas ng pintuan para makatakas! Kung ano man ‘yon, naiinis na siya. Hindi na niya makayanan ang amoy at ayaw niya ng tumagal sa loob nito. Kating-kati na siyang malaman kung anong nangyari sa mga kasama niya at kung ligtas ba ang mga ito. “Ano ‘to?” sambit niya sa sarili. Dinampot niya ang isang maruming libro. Pinagpag niya iyon, napaubo siyang muli dahil sa mga alikabok. Sa unang tingin ay mukha itong kulay itim ngunit pula talaga ang kulay ng pabalat nito na kumupas lamang. Punit na ang kalahati sa pabalat nito at ang ilang pahina ay may mga tupi na. Pamilyar sa kaniya ang librong ito. Hindi niya masabi. Ang ipinagtataka niya lamang ay wa na ang halos kalahati ng pahina. Hindi niya mabasa ang titulo, ngunit siguro siyang mystery ang genre nito. Inipit niya iyon sa loob ng coat niya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tingin niya ay magagamit niya ito sa ibang paraan. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Sumilip muna siya sa labas. Bago ang lahat, tinapunan niya muna ng huling sulyap ang dugo sa sahig. “Hallelujah,” mahinang sambit niya. Nalulungkot siya, kung narito lamang sila Jessa ay siguradong binatukan na siya. Napabuntong-hininga siya sa isiping iyon. Tahimik siyang lumabas, pinagpag ang suot, inayos ang salamin at sumbrero. Humingi siya ng malalim at kunwaring ngumiti. Umakto siyang malakas. Kaya niya ‘to. Habang hinahakbang ang mga paa, palinga-linga siya sa kusina, iniisip na baka may tao roon na makakakita sa kaniya. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makakita ng bulto ng tao. Naririnig niya ang mga pagtadtad sa kusina. Sinilip niya ang ginagawa nito, naghihiwa ng gulay. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakatalikod ito sa kaniya. Subalit bigla na lamang itong napalingon sa gawi niya. Mabuti na lamang at nakaiwas siya agad at hindi siya nito napansin. May kukunin lang pala itong garapon malapit sa kinatatayuan niya. Halos pigil siya sa paghinga. Nananalangin sa isip na huwag siyang makita. Matapos ay nagtago siya sa likod ng isang makalumang vase. Tama lang ang laki para isiksik niya ang sarili niya. Nanlaki ang mata niya nang masagi ng paa niya ang isang lalagyan ng kandila. Napahinto si Ina sa ginagawa at tila nakikiramdam. Nagmumura siya sa isip. Pero laking pasasalamat niya dahil hindi naman nito nilingon ang puwesto niya. Binilisan niya ang pag-alis sa lugar na iyon. Nilakihan niya ang mga hakbang at dire-diretsong naglakad mula sa direksiyon ng pinto. Malapit na siya roon ngunit bigla siyang napahinto. Mula sa gilid ng mga mata niya ay may nakita siyang nakabukas na pinto, at parang may nakita siyang tao sa loob ni iyon. Hindi siya sigurado sa nakita ngunit gusto niyang malaman. Dahan dahan siyang bumalik at lumingon sa loob nito. Gayon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makita si Lyca na nakagapos sa upuan, pati ang katabi nito na wala ng ulo. Maraming talsik ng dugo sa paligid. Napakabrutal ng ginawa nito. Taranta siyang nagtungo sa direksyon ni Lyca at sinaklolohan ito. “A-anong n-nangyari?” nauutal niyang sambit. Nanginginig rin ang mga kamay niya. “S-si a-ate,” hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa kakaiyak. Nakakaawa ang pagtangis ni Lyca. Ramdam ni Jericho ang takot nito. Ito iyong mga pangyayari na minsan nang gumagambala sa mga panaginip at imahinasyon niya. Ito yung mga pangyayaring gustong gusto niyang panoorin sa telebisyon at mabasa sa mga libro. Higit pa sa nakakatakot. Dahil hindi niya kailanman pinangarap na magkatotoo ito sa reyalidad. Akmang kakalasin niya na sa pagkakatali si Lyca nang makarinig muli sila ng yabag. Pareho nilang hindi inaasahan. Inayos ni Lyca ang pagkakaupo at nagpanggap na walang nangyari. Natataranta si Jericho at naghanap ng mapagtataguan. Gumapang siya sa ilalim ng kama. Saktong pagpasok ni Ina ay naitago niya kaagad ang mga nakalitaw niyang paa. Halos atakihin siya sa puso sapagkat bumungad sa kaniya ang nagdurugong ulo ni Joyce. Mariin niyang ipinikit ang mata, tapat na tapat talaga iyon sa mukha niya. Sinusundan niya ng tingin ang bawat galaw ng paa ni Ina, paikot-ikot lang ito. Parang may hinahanap. Halos maiyak siya nang lumuhod si Ina. Nananalangin muli na sana hindi siya makita. Paano kapag nahuli siya? Anong gagawin niya? Napatakip siya ng bibig. Dinampot lang pala nito ang ulo ni Joyce. Saka lumisan rin. Kung ano man ang gagawin ni Ina sa ulo na iyon ay ayaw na niyang isipin. Tumayo siya at inalis ang mga taling nakagapos kay Lyca. Niyakap siya nito ng mahigpit. Pareho silang nanginginig sa takot. Pinapatahan niya ito sa pamamagitan ng pagtapik sa likod. Nang kumalas ito sa pagkakayakap, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Lyca. “Kailangan natin silang mahanap,” saad niya, tinutukoy niya ang ibang kasama. Tumango si Lyca, kahit nanghihina pa rin ang katawan niya dahil sa mga nangyari. Pinunasan niya ang luha at pilit na nagpapakatatag. Ngumiti si Jericho at sabay silang lumabas. - Tahimik lang si Maria at Ben sa mga oras na iyon. Wala ni isa sa kanila ang may balak magsalita. Kanina lang, may hindi sila pagkakaunawaan. Ngunit tignan mo nga naman ngayon, magkasama ulit sila. Gustong panindigan ni Maria ang galit niya sa binata. Pero hindi niya na kayang tiisin. Kanina pa siya palinga-linga sa paligid. Nasa sulok sila ng silid kung saan ang mga nasa harap nila ay puro mga estatwa. Hanggang ngayon kasi ay tumataas pa rin ang balahibo ni Maria. Nakita niyang gumalaw ang isa sa mga iyon. Sa totoo lang, gusto niyang sabihin kay Ben ngunit nagdadalawang-isip siya na baka hindi siya paniwalaan. Sa tingin niya naman namamalikmata lang siya, hindi totoong kumaway sa kaniya ang estatuwang iyon di’ba? Imahinasyon niya lang. Subalit nang ito’y maulit ay hindi niya na napigilang sumigaw. “D-Did you see it? Gumalaw yung kamay ng statue!” bulalas niya. Napaangat ng tingin si Ben mula sa pagkakayuko. Napatingin siya sa gawing itinuro ni Maria. Wala naman siyang nakitng kakaiba roon. “Maria napaparanoid ka na,” nakakunot-noong sabi nito. “No, nakita ko! Pangalawang beses na ‘yan!” sambit niya. Lumapit si Ben kay Maria, alam niyang sinusumpong na naman ito ng kaniyang takot. Hinaplos nito ang likod niya na tila pinapatahan siya. “Hallucination mo lang ‘yan okay? Imposibleng gumalaw ‘yan,” sabi pa nito. Itinikom na lang ni Maria ang bibig. Tama siya sa hinalang hindi ito maniniwala. Nakakainis. Sana ay hindi niya na lang sinabi. “Your phone? Hihingi tayo ng tulong.” Nanlaki naman ang mga mata ni Ben at kinapkap ang kaniyang pantalon. “It’s missing.” “Imposible,” hindi makapaniwalang sabi ni Maria nang ilabas niya rin ang kaniya at dismayang makitang lowbat ito. “Kailan ba darating yung sundo natin?” mahinang tanong ni Maria, tila nawawalan na ng pag-asa. Hindi makatingin ng diretso si Ben, pati siya ay hindi alam ang kasagutan. Isa pa, sarili niya pa rin ang sinisisi niya. “Ben, we need to get out of here,” ani Maria. Umiling-iling si Ben, hindi sang-ayon sa sinabi nito. “Mapapahamak tayo kapag lumabas tayo,” aniya. Ikinagalit ni Maria ang kaniyang sinabi. Totoong nag-aalala siya para sa iba, at kung may panganib man dapat ay sama sama nila itong harapin. Magtulungan dapat sila, hindi hiwa-hiwalay. Hindi nila kayong manalo kung watak watak sila. “No. Don’t be so selfish! Nasa baba ang mga kaibigan natin!” galit nitong turan. “Ayaw lang kitang masaktan.” “Please,” sambit ni Maria na naluluha na, “Please gumawa tayo ng paraan,” dagdag niya pa. Napabuntong-hininga ang binata. Tumayo siya at inalalayan rin sa pagtayo si Maria. “Maghanap tayo ng mga bagay na maaari nating magamit,” ani Ben. Sumang-ayon si Maria rito, natatakot pa rin siyang tignan ang mga nakapalibot sa kanila na estatwa, ngunit pinagmasdan ni Ben ang mga iyon. Mayamaya’y napansin niya ang nag-iisang estatwa na may nakatakip na tela. May naisip siyang ideya. “Madilim sa labas. Itaklob natin sa sarili itong mga itim na tela. Para kahit paano, hindi tayo masyadong mapapansin,” aniya. “You sure it will work?” tanong ni Maria. “Wala naman tayong magagawa. Hindi natin kontrolado ang mga pangyayari. Basta huwag kang aalis sa tabi ko,” sagot nito. Tinanggal na nila ang mga nakatakip roon. Nanginginig ang kamay ni Maria, muntik na siyang mapasigaw nang makita niya ang kabuuan nito. Pula ang mga mata at tahi ang bibig. “You okay?” nag-aalalang tanong ni Benny sa kaniya. Nang balikan niya ng tingin ang estatuwa ay hindi na ganoon ang itsura nito. Tila normal na ito, walang kulay ang mata maging ang tahi sa bibig. Namamalikmata na naman ba siya? Napalunok siya at dahan dahang tumango. Hindi naman na iyon inungkat pa ni Ben. Pero si Maria ay nanatiling nakatayo at hinayaang si Benny na ang gumawa ng mga ito. Ayaw niya ulit makakita ng mga kababalaghan. Huli nilang nilapitan ang pinakamalaking estatuwa roon na nasa harapan. Gulat naman silang dalawa ng makita iyon. Sa katunayan, isa lamang iyong babaeng nakasuot ng saya. May hawak itong pamaypay at mukha itong sopistikada. “Totoo ba ‘to? Hawig ng estatuwa ito si Ina?” takang tanong ni Maria. Nagkibit-balikat si Ben sa tanong niya. Itinuro niya ang pangalan na nakaukit sa baba nito. “Senyora Lilia” ang mababasang nakaukit roon. “Sino siya?” tanong ni Maria. “Maaaring nanay niya, hindi ko alam,” sagot naman ni Ben. Lumingon siya sa likuran nito, may mga bakal roon at mahahabang tubo. Kumuha siya ng isa sa mga ito. “Magagamit natin ‘to Maria.” Kumuha na rin si Maria ng mga iyon. “Sa tingin mo bakit may ganito siyang kwarto?” nagtatakang tanong niya. “I don’t’ have an idea. Pero mukhang mula pa sa makalumang panahon ito.” Binalot nila sa sarili ang mga tela. “Mukha tayong kulto.” Ngumiti lamang si Ben. Inalis ni Ben ang mga nakaharang na kahoy sa pinto. Pagkuwa’y binuksan ito, sabay silang lumabas at binaybay ang hagdan. Hiling nila ay maaga nilang mahanap ang mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD