Yakap ni Jericho ang kaniyang sarili habang nakaupo sa malamig na sahig. Nag-iisa at natatakot. Naghihintay siyang sumunod si Joyce at Lyca sa kaniya, ngunit tila imposible na itong mangyari. Napadpad siya sa loob ng maliit at mabahong bodega, malapit lang ito sa kusina. Ni-lock niya kaagad ang pinto nang makapasok. Hindi na siya nagdalawang isip kanina dahil sa pagkataranta, tila nanaig ang human instinct niya na tumakbo at lumayo sa panganib. Ngayon tuloy ay naiisip niya na naiwan niya ang dalawang kasama. Gayon pa man, hindi rin siya sigurado kung ligtas siyang makakapagtago rito. Mga kahon at lumang kagamitan ang sandalan niya sa mga oras na ito. Kahit inaagiw at puro alikabok ay hindi niya na binigyang pansin. Ang mahalaga ngayon ay makalayo siya, malayo kay Ina at kung totoo nga ang panaganib na dala nito.
“I’m scared, the f**k,” sambit niya sa sarili. Nangangatog ang kaniyang mga tuhod.
Napansin niya na habang tumatagal ay mas lalong sumasangsang ang amoy. Hindi niya maipaliwanag iyon ngunit sa tuwing malalanghap niya ay pakiramdam niya’y bumabaligtad ang kaniyang sikmura at tila nais niyang masuka. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng kaniyang coat at itinakip sa ilong. Hanggang sa mapansin niya ang dugong nasa sulok, tuyo na ito at tingin niya ay ilang araw nang naroon. Tila namamalikmata siya dahil naiisip niya ang bangkay na posibleng nakalagay roon ngunit inalis lamang. Nai-imagine niya ang mukha nito.
“Slendy’s lullaby, I need Slendy’s lullaby!” mahinang bulong niya sa sarili.
Ang tinutukoy niya ay isang kanta na matagal niya ng ginagamit sa tuwing nais niyang kumalma. Paraan din para maibsan ang kaniyang takot.
Bigla niyang naalala ang bilugang mata na gumulong sa harap nila kanina, at ang sugatang mata ni Ina. Bumalik sa kaniyang alaala ang sinabi ni Ina na gusto ng anak nito ang maga mata ni Jessa, gusto nito ng may kulay ay mata. Mukhang hindi nito naintindihan na contact lense lamang iyon at hindi totoo. Nagsimula siyang kabahan at mahintatakutan. Naiisip niya ang kaibigang nawawala kung nasa maayos itong kalagayan. Baka kaya ito nawawala ay sinaktan na ito ni Ina at ang malala pa ay dinukot ang mga mga niya. Sa isipin pa lang na iyon ay naluluha na siya para sa kaibigan. Hindi siya sigurado ngunit maaari niyang mapagkonekta ang lahat. Habang naririto sa loob, kailangan maisip niya lahat ng posibilidad.
“Pero tangna,” ang sabi niya sa isip, “Ang hirap maging detective.”
“S-someone’s always w-wat-atching me, someone’s always there, when I’m s-sl-leeping, he just waits, and he s-stares~” sinimulan niyang kumanta ng mahina pa sa bulong. Nauutal pa ang mga salita niya at parang nalilihis din siya sa tono nito.
“Nakalimutan ko ‘yong kasunod na lyrics, pakshet,” sambit niya sa sarili habang ginugulo ang kaniyang buhok.
Nanlulumong bumalik siya sa dating puwesto at muling umupo. Natatawa rin siya sa katotohanang mas nakakatakot pa ang kanta niya kaysa sa sitwasyon niya ngayon. Ito kasi ang nakasanayan niya mula pagkabata.
“W-here are you go-going? Wh-y won’t you stay? They m-might be scared of joy, But I just w-want to play~”
Bigla na lamang siyang natigilan nang makarinig ng malalakas na kalabog. Malapit lamang siya sa kusina. Sigurado siyang sila Joyce at Lyca iyon. Tumayo siya at sumilip sa siwang sa may pinto. Lumakas ang pagtambol ng puso niya nang maulit ang kalabog.
“He has no f-face, He hi-hides with the trees~”
Hindi siya maaaring lumabas sa masikip na silid na ito, pwedeng mas lalong mapahamak ang dalawa at malaki rin ang posibilidad na ikapahamak niya rin iyon. Kahit gustong gusto niya. Mas nanaig ang kaba at takot sa loob niya. Ganoon nga talaga siguro kapag true-to-life na ang mga nababasa niya lang sa libro.
Nang sandaling iyon ay tila bumalik siya sa nakaraan. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nakikipaglaro sa kaniyang tatlong kapatid. Naiisip niya ang kaniyang Mommy at Daddy, miyembro ng LBGTQ+ ang isa. Kahit ganoon, isa silang masyang pamilya. Maraming tao ang humuhusga at pinagchichismisan sila ngunit nanatiling matibay ang kanilang pagsasamahan. Ngunit wala nang mas titibay pa sa pagmamahalan ng mga ito. Kahit anong pagsubok na dumating sa kanila ay nagagawa nila itong lagpasan ng magkasama. Lumaki silang mabuting bata. Wala siyang problema sa buhay, ngunit marami siyang gustong makamit.
Makikita niya pa kaya ang mga kasama? Ano na lang kaya ang sasabihin ng Daddy niya kung malaman na narito lang siya sa loob at nagtatago samantalang ang mga kasama niya ay nasa panganib? Iniwan niya at hindi tinulungan. Gusto niyang murahin ang sarili. Ano ba ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon? Ano ba ang mga ginagawa ng bida sa kaniyang kwento kapag may humahabol sa kanila na killer? Napaisip siya roon. Siya nga ba talaga ang bida? O isa lamang siya sa mga side characters na mamamatay rin sa huli?
“He l-oves little chi-children, When they b-beg and s-scream~”
Umiiyak ba siya? Hindi. Hindi. Lalaki siya, bakit siya iiyak? Kaya niya ito. Kakayanin niya. Sumalampak siya sa sahig habang nginangatngat ang kuko. Kailangan niyang maka-isip ng paraan. Kailangang may magawa siya.
-
Nagising si Joyce dahil sa mga narinig na kaluskos. Pikit-mulat ang kaniyang ginawa, umiikot pa ang paningin niya ngunit sandali rin itong nawala. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Inilibot niya ang paningin sa paligid, nasa loob siya ng isang kwarto. Isang ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag. Pansin niya ang naipong mga rosas sa kama. Halos maghugis na ito ng tao dahil sa sobrang dami. Nakita naman niya si Lyca sa kaniyang tabi, walang malay at nakagapos sa upuan. Nahabag siya nang makita ang pamumula ng pisngi nito at mumunting galos sa mukha. Saka niya lang rin napagtanto na nakagapos din siya. Naluluha siya sa kanilang sitwasyon.
Muli niya na namang narinig ang kaluskos. Sinundan niya ito ng tingin at natagpuan si Ina sa sulok na malapit sa pinto. Nakaupo at kinakaskas ng tabak ang kahoy na sahig. Pauulit-ulit lang niya itong ginagawa at parang bumubulong sa hangin. Dahil walang lumalabas na boses sa bibig nito kahit ibinubuka niya. Napansin niya rin ang patay na daga sa tapat nito. Tumaas ang balahibo niya, walang ulo ang daga!
“Psst psst! Lyca gising!” mahinang bulong niya.
Bumabaling pa siya ng tingin kay Ina ngunit tila wala itong naririnig kaya malaya siyang gisingin si Lyca.
Ilang sandali pa ay nagising rin ito. Ganoong ekspresyon rin ang bumakas sa mukha nito tulad ng kaniya kanina. Napapikit pa ito dahil siguro sa kirot ng kaniyang mukha. Pagkatapos ay tumingin kay Ina saka tumitig sa kaniya nang may halong kalungkutan.
“Alam mo ba kung nasaan sila Maria at Ben?” tanong niya.
Napaisip si Joyce at inaalala ang nangyari kanina.
“Nahiwalay sila sa atin kanina,” ani Joyce. P-pero sigurado akong l-ligtas sila.”
“Si J-jericho?” naiiyak na sambit ni Lyca, hindi nito makontrol ang kaniyang emosyon.
“Shh,” saway ni Joyce dahil lumakas ng kaunti ang boses nito. Nakahinga naman siya ng maluwag nang hindi pa rin sila binabalingan ng tingin ni Ina.
“Si Joyce? Si Joyce na ba ang papatayin ko anak?” biglang sambit ni Ina.
Tila nanigas sila sa kinauupuan dahil sa narinig. Ito na naman si Ina na kinakausap ang kaniyang anak, na hindi naman nila nakikita. Ngunit mas nagbigay ng takot sa dalawa ay iyong mga katagang binitawan nito.
“Listen to me Lyca,” pagtawag ni Joyce rito. Nginitian niya ito na nangangahulugang huwag na itong mag-alala at matakot. “Whatever happens, just close your eyes. Ma-magpanggap k-ka na walang n-naririnig, okay?” pumiyok pa ang boses nito sa huling pangungusap.
Umiling-iling lang si Lyca, alam nito ang ibig niyang sabihin. Ngunit wala siyang magawa. Ayaw niya rin masaksihan ang kalunos lunos na bagay na sasapitin nila.
“Try to imagine na nasa ibang lugar tayo. In a different time, place, or a-anything that will make you ha-happy,” saad ni Joyce upang mapakalma siya.
“I can’t.” tuluyan nang bumuhos ang luha ni Lyca nang sabihin iyon. Imposible kasi ang pinapagawa nito, mahirap magpanggap. Isa pa, kapakanan pa rin niya ang iniisip ni Joyce kahit nasa panganib na ang buhay nito.
“We’re w-writers, right? We can do this,” paninigurado ni Joyce.
Pinilit ni Joyce na ngumiti kahit hindi tumitigil sa pagdaloy ng luha ang mata niya.
“Let’s try,” pagpapatuloy nito. “We have wide imaginations. Maiisip lang natin, naisusulat na natin at nagagawan ng kuwento. Ito pa kaya? Kaya natin ‘to. Su-subukan natin.”
Naalarma silang dalawa ng tumayo na si Ina at humarap sa kanila. Labis ang takot nila lalo na’t may hawak itong patalim.
“Kailangan. Escape the reality. Fight your fear. Please…” pagmamakaawa ni Joyce.
Sa tingin niya naman ay gagana ito. At iyon lamang ang paraan para maibsan ang takot ni Lyca at para hindi ito makaramdam ng guilt.
“Kailangan nang mamatay ni Joyce,” ang wika ni Ina na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Tuluyan na itong nakalapit kay Joyce. Sarado ang isip nito at talagang tototohanin ang sinasabi.
Walang humpay sa pagtulo ang luha ni Lyca. Sa katunayan ay humahagulgol na siya. Pinikit niya ang mga mata at pinilit na ilihis ang isip niya sa reyalidad.
Escape the reality… Fight your fear…
Naroon siya sa isang lugar, naglalakbay. Walang panganib, walang kamatayan. Malamig ang simoy ng hangin at sumasayaw ang mga bulaklak. Napangiti siya dahil nakikita niya ang mama at papa niya na pumanaw na sa totong buhay, masaya at nagkakantahan. Miss na miss na niya ang mga ito. Bata pa lamang siya nang mawala ang mga ito sa piling niya at lola niya na lamang ang nag-alaga sa kaniya. Hirap na hirap sila noon at nagtitiis lamang siya na walang maulam. Halos mahinto rin siya sa pag-aaral sapagkat walang sumusuporta sa kaniya. Tanging ang pagsusulat lamang ang nagbibigay sa kaniya ng extra income. Naisip niya rin ang kaniyang lola, may sakit na ito ngayon at walang mag-aalaga rito. Hindi niya lubos maisip na ito na ang huli nilang pagkikita.
Lumiwanag ang paligid. Nagkaroon siya ng magandang pakpak at kaya na niyang lumipad, kasabay niya ang mga paru-paro. Hanggang sa naging kasabay niya naman ang mga ibon. Mataas na mataas siyang lumilipad. Kahit ramdam niya sa balat niya ang pagtalsik ng kung ano at kahit may mga palahaw sa paligid, napapalitan agad iyon ng boses ng kaniyang magulang. At kung pwede lang sana na manatili na lang siya rito.
Pero hindi nangyayari ang pantasya sa totoong buhay. Ang reyalidad ang masusunod magbulag-bulagan man tayo sa mga pangyayari sa paligid natin.
Pinuntirya ni Ina ang malapad na noo ni Joyce gamit ang tabak. Nakapikit rin si Joyce habang naghuhumiyaw sa sakit. May tumulong dugo mula roon. Ngunit dahil hindi ito tuluyang nahiwa, hindi kumbinsido si Ina.
“Ang tigas nga naman ng bungo ng tao,” sambit nito.
Sa halip ay pinugutan niya na lamang ito nang ulo. Tumalsik ang dugo sa mukha niya at maging sa katabi nitong dalaga. Tumahimik ang paligid at tanging mahihinang singhot lang ni Lyca ang naririnig. Hindi nalaglag ang ulo ni Joyce kaya inulit-ulit ni Ina ang ginawa. At kahit wala na ang ulo roon at tuluyang bumagsak sa sahig, panay ang paghampas niya sa tabak. Hanggang sa mabitawan niya ang patalim. Nag-iwan iyon ng malakas na tunog dahilan para imulat ni Joyce ang mga mata. Pero bigla na lamang umalis si Ina sa silid na iyon sa hindi malamang dahilan. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.
Sinubukan ni Lyca na huwag tumingin pero hindi niya napigilan. Sa pagkakataong ito, naiwang nakanganga ang bibig niya at walang masabi. Patuloy ang mabilis na paglandas ng luha. Bumalik sa isipan niya lahat. Lahat ng masasayang alaala nila.
“Go-goodbye a-ate J-Joyce,” halos wala na siyang boses nang banggitin iyon.
Humahanga siya sa lakas ng loob ni Joyce, matapang nitong hinarap ang kaniyang kamatayan. Siguro’y payapa itong mapupunta sa langit kasama ng mga anghel na tulad niya. Para kay Lyca, naging guardian angel niya si Joyce nang mga oras na iyon. Nais niyang maging katulad nito na manaig ang katapangan sa takot. Nais niya ring may magawa para sa ibang mga kasama.
Maling desisyon pala ang pagpunta nila rito. Ayaw niyang manisi pero hindi niya maiwasan. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya. Ngunit kapag nagpatuloy pa ito, pakiramdam niya mawawala na siya sa katinuan.