CHAPTER 3 - FOUL MOUTH

2467 Words
FREDA POV Sex is supposed to stay s*x nothing more, but I don’t know what the heck is my problem is that every time that fvcking guy kisses me I can’t react to him. I feel like suffocated and all I could do is respond to his kisses or I won’t breathe. “Umiinom ka na naman?” “Kuya noong nakaraang araw pa ‘yong last. Binabawasan ko na nga rireklamo ka pa eh!” “Ibabato ko sayo ‘tong tsinelas ko huwag mo akong irap-irapan, Freda ah!” “Kuya hindi ka na naman ba nakascore? Ba’t ang sungit mo ngayon?” Napangiwi na lang ako ng tumama sa akin ang tsinelas niya. Ang sungit-sungit talaga ng lalaking ito kaya tumatandang binata eh. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kasi siguradong tatamaan na naman ako kapag inasar ko siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa sa akin ng lalaking ‘yon. Pakiramdam ko ay aakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa nangyari sa aming dalawa at ang nakakainis pa ay wala akong nagaw kung hindi ang magalit sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Tiningnan ko ang envelope na nilapag ni Kuya sa harap ko. At nang buksan ko ito ay halos malaglag ang panga ko dahil ako ang nasa mga larawan na ‘yon ay ako ang mga kaibigan ko na parang mga pakawala sa gitna ng bar. Nang balingan ko siya ay napangiwi na lang ako sa seryoso nitong mukha at masamang tingin sa akin. “Kuya sumasayaw lang kami,” pagdadahilan ko kahit pa alam ko naman na hindi siya maniniwala. “Awww… Mom… Mom si Kuya inaaway ako. Aww…” “Tumigil ka kakalbuhin kita. Sinabi ko na sayong huwag ka ng mag-iinom. Ngayon tingnan mo ang itsura mo kulang na lang maghubad ka na!” “Aray ah! Fashion yan, Kuya. Model ako anong gusto mong gawin ko maging manang?” naiinis kong sigaw nang makalayo sa kanya. “Isusumbong kita kay Mommy!” Muntik akong mapatalon sa gulat ng biglang lumagapak ang isang kaserola sa tabi namin ni Kuya. “Isang ingay pa ang marinig ko sa ulo n’yo ng dalawa ko ito ihuhulog,” sigaw niya kaya mabilis kaming naghiwalay na dalawa. Mabilis lang akong lumayo kay Kuya dahil aambahan niya pa ako kaya tumakbo na ako papasok ng bahay bitbit ang wine na iniinom ko. Gusto kong lumabas pero hindi ako papayagan ni Kuya kaya dito na lang ako maglalasing sa kwarto ko. Dito ako magpapaantok hanggang sa mapagod na ang isip kong mag-isip at makatulog na. Pauwi na ako galing sa pagjajogging at isang motor na ang huminto sa harap ko kaya nagmamadali akong maglakad. Pinapaiwas pa naman ako ni Mommy at Kuya na mag-isa dahil sa delikado. Mas binilisan ko pa ang lakad at takbo ko pero nasa likod ko pa rin ito at nakasunod sa akin. “Ano ba? Who the fvck are you? And why the hell are you following me?” sigaw ko ng tumigil ako at harapin. I was taken aback when the motorcycle stop across me. Nagulat pa ako ng bumaba ito ng motor niya at nagtanggal ng helmet. “Ma’am alam mo bang masama sa babae ang palamura? Hindi tinatanggap ng Diyos sa langit ‘yon.” Umawang ang labi ko ng matanggal niya ang itim na helmet na suot niya. “Kung alam ko lang na maaga pa lang ay masisira na ng ganito ang araw ko ay hindi na sana ako lumabas pa,” ingos ko bago siya talikuran. “Saan ka pupunta?” harang niya sa akin. “Uuwi na Saka ba’t inaabot mo sa akin ‘yan?.” kunot noo kong tanong habang nakatingin sa helmet na inabot niya. “Kadiri ang dumi-dumi niyan. Yuck!” Malakas itong tumawa kahit wala namang nakakatawa at inilang hakbang ang pagitan namin. “Kung hindi mo alam ‘yan helmet ‘yan na nilalagay sa ulo. Suotin mo at sumakay kana dahil kung hindi ay bubuhatin kita,” saad niya bago ako tinalikuran at bumalik sa motor niya. Sasakay? Diyan sa motor niya? Baka ikamatay ko pa ng maaga ‘yan. For heaven sake! Tumalikod na lang ako at muli siyang nilagpasan after I put his helmet back but the bastar already grab my hands and put the helmet on me. “Wtf! Put me down! Put me down, you jerk!” Paulit-ulit kong sigaw pero binitawan niya lang ako ng ibaba niya ako sa motor niya. “Malalagot ka sa akin pagbaba ko dito!” sigaw ko pero tinawan niya lang ako bago naupo sa harap ko. “Kumapit ka kasi hindi kita saaluhin kapag nahulog ka.” Wala akong nagawa kung hindi ang kumapit sa kanya dahil nang umandar ang motor ni Greg ay parang liliparin na ako papunta sa ibang lugar. And this is my first time riding a fvcking motorcycle. Ang gusto ko lang ay tahimik at malayang buhay. Hindi ko alam kung bakit kung kailan trenta na ako ay saka ako bibigyan ng sakit sa ulo ni Mommy. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano ito paalisin sa buhay ko ng hindi ako bubungangaan ni Mommy. Naiintindihan ko na nag-aalala sila sa akin pero ang lalaking nilagay nila ngayon sa buhay ko ay hindi ko gusto. Nasasagad ang pasensya ko sa tuwing nasa tabi ko siya at ngayon ay pangalawang araw pa lang naming magkasama. At pati ang personal space ko ay natawid niya na dahil sa pagiging magaspang ng ugali niya. “Miss Freda, the sample for the new design is already on your table.” “Thank you, Lexi! Do ready the conference 3,” I told her. Bawat kilos ko ay nakasunod sya na akala mo ay may aso ako sa likod ko. Inayos ko lang ang mga kakailanganin sa meeting ko pero sadyang naalibadbaran ako sa nakikita ko. Naiinis ako na hindi man lang sya naaapektuhan sa presensya ko kahit ilang beses na akong sumigaw at nanermon ng mga tauhan ko. “Wtf! Can you stop following me? You look like a fvcking dog.” “Lalabas na ako kung hindi mo ako kailangan pero hindi mo ako kailangang tawaging aso,” he said before walking out on me. Did he just walk out on me? How dare him walk out on me? Ako ang boss niya. Ako ang nagpapasahod sa kaya pero hindi niya man lang ako kayang galangin. Sabagay hindi na ako magtataka laki nga pala syang iskwater kaya dapat asahan ko na ang ganitong kagaspangan nya ng ugali. Kinalma ko muna ang sarili ko bago lumabas ng opisina ko at dumiretso sa conference room. Hindi ko na sya nakita sa hallway pero hindi na ako nag-abala pang hanapin si Greg dahil busy ako at maraming deadline na kailangang tapusin. “How many times did I tell you to change this design? It doesn’t fit our theme. Are you all blind? Nasasayang ba ang mga binabayad ko para sa training nyo para hindi magawa ang trabaho na araw-araw n’yo namang ginagawa. Tell me!” Halos mapatalon silang lahat sa pagsigaw ko. Naiinis na ako at dumagdag pa sila sa sakit ng ulo ko. Ang trabahong hindi naman bago sa kanila ay kailangan ko pang ulit-ulitin para maitama nila na parang ito ang unang beses. “Miss Freda, sorry po. Tinapos ko pa po kasi ang design—” Ang hawak kong mga chart board ay hindi ko na napigilang ibato sa kanila dahil sa mga rason na ibibigay na naman nila sa akin. Hindi ko alam kung nasosobrahan ako sa pagiging mahigpit o nagiging maluwag na ako nitong mga nakaraang linggo kaya nagiging pabaya na din sila. “Freda, will take care of it. Magpalamig ka muna,” hila sa akin ni Cheska palabas ng conference room. “Maligo ka ng yelo kung gusto mo para mahimasmasan ka namang bruhas ka!” Imbes na sundin ang sinabi ni Cheksa ay naglakad na lang ako papunta sa green room at chineck ang mga gamit para sa pictorial ni Telly mamaya. Hindi ko sila mababantayan dahil may meeting pa rin ako sa isang designer para sa bago naming event. Sinilip ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag ni Mommy. “Freda Noelle! Ilang beses ko ng sinabi sa ‘yo na ang bodyguard mo ay dapat laging nakadikit sa ‘yo, Anong kalokohan ang pumasok sa isip mo para pauwiin si Greg?” nailayo ko na lang ang cellphone sa tenga ko. That asshole! I told him to leave me alone, but I didn’t tell him to go home. I will fvcking kill him! Argh! “Ugh! I really hate him. I really… really hate him!” I screamed in anger as I chug my glasses of wine. “Ang sabi mo kasi umalis baka kaya umalis talaga.” Tiningnan ko ng masama si Cheska na agad nagtaas ng dalawang kamay bilang pagsuko. “I told thim to get out of my sight not to go home and fvcking make sumbong to my mom,” I scolwed at them. “Easy. We are not your enemy, girl. Ishot na lang natin ang inis mo,” pagpapakalma sa akin ni Telly. I don’t go home instead I am here at Oasis. This is our usual spot where no one can see us or even know what the fvck we are doing. Shane said that this place is a bit strict with confidentiality and that was a good thing for us. Me the CEO and sister of the mayor, Shane the model, Jane the Badmenthon player, and Kelly the lawyer. We are really killing it to be a bad girl. We are embracing the fact that we are successful but also a bad b***h. A group of friends who is a headache in their family and will be kicked out any moment. Ang VIP room na inuukopa namin ay mas lalo pang umingay ng dumating si Jane at Kelly. Napataas na lang ang kilay ko ng maupo ang dalawang bruha kung kaibigan na parehong may bitbit ng alak mula sa labas. Mukhang pare-pareho na naman kaming may sama ng loob ngayon kaya mapapasabak na naman ako sa matinding inuman. Inuman na pare-pareho naming hindi tatanggihan dahil ito lang ang nagpapasaya sa amin bukod sa gastusin sa shopping at mga luho namin ang perang pinaghirapan namin. “Hayaan mo na lang sya. Wala ka namang magagawa kasi kung ayaw s’yang tanggalin ni Tita Faith. You better just follow her adn be kind to that bodyguard of yours,” Kelly commented. “Anyway, what is ba the reason why you're so naiinis on your bodyguard?” “Why your so maarte ba, gurl?” singit ni Telly para asarin si Jane. Umikot na lang ang mata ko sa kanilang dalawa dahil siguradong hindi na naman sila titigil sa pagbabangayan nito. Ewan ko ba sa dalawang ito kung bakit laging nagbabangayan pero lagi din namang magkasama kapag busy ako. “Hindi n’yo ba alam na the guy who slept with Ida is her bodyguard?” Napapikit na lang ako sa kadaldalan ni Francisco. Wala talagang maitago sa mga bruhang ito. At ang marinig silang sabay-sabay na suminghap at tumili dahil sa sinabi ni Cheska ay napainom na lang ako ng ilang beses dahil hindi ako makakauwi hanggat hindi nakakapagkwento sa kanila. Ang araw na ayaw ko ng pag-usapan kasi wala naman akong maalala ay kailangan ko pa talagang balikan ngayon. “Sinabi ko na sa inyo hindi ko maalala ang nangyari. And before I knew it Greg is already my bodyguard.” Ang lasing na nararamdaman ko sa alak na iniinom ko ay nawala na yata kakaalog at kakahampas sa akin ng mga babaeng ito. Lahat yata ng cells ko sa katawan ay nagising na nila sa ingay nila. Kaya mas maganda talaga na nandito kami sa loob dahil baka mabitbit na naman kami sa presintong magkakaibigan dahil napaaway kami. “Fvck! Why do I even wear this s**t?” naiinis kong bato ng stilleto ko. Kanina pa ako ilang beses na natapilok mula ng bumaba ako ng taxi. “Bakit ba kasi ako natatapilok?” “Natatapilok ka kasi hindi dahil sa suot mo kung hindi dahil sa kalasingan mo. Ang alak nilalagay sa tyan hindi sa ulo.” Kahit umiikot ang paningin ko ay bigla akong napadiretso ng tayo sa pag-aakalang si Kuya ang nagsalita. But it’s not him, instead it’s the man I am starting to hate. “What the hell are you doing here? Akala ko pagkatapos mo magsumbong sa Nanay ko umuwi ka na?” I scoff as I make myself steady. “Nagsumbong? Miss, wala akong sinusumbong na kahit ano kay Mrs. Devlin. Nang tanungin ako ay sumagot lang ako. Masama na ba ‘yon?” kibit baliat nyang sagot sa akin. Sa inis ko ay mabilis akong naglakad palapit sa kanya at sinmpal s’ya ngunit dahil sa nainom ko ay mas mabilis pa rin s’ya kumilos at nasalo ang kamay ko. “Hindi libre ang pisngi ko Miss Freda. Nagkataon lang na nung gabing ‘yon ay lasing din ako kaya may nangyari sa atin, pero kung matino ako hindi ko papatulan ang isang gaya mo.” Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa sinabi n’ya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili ko na animo’y sobrang baba ng tingin n’ya sa akin. Ang lalaking wala pa sa kalingkingan ng narating ko ay kung tingnan ako ngayon ay parang diring-diri s’ya. “How dare you say that? You don’t even rich an inch of what I achieve—” “Siguro nga, pero bilang tao mas higit ako sa ‘yo.” Sa galit ko sa kanya ay ay binato ko ang hawak kong sapatos. Gusto kong sumigaw at paulit-ulit s’yang awayin pero maririnig kami ni Mommy at Kuya. “I hate you! I fvcking hate! No one have ever treated me—” Ilang beses akong napakurap ng inilang hakbang n’ya ang pagitan naming dalawa at mabilis n’yang hinapit ang bewang ko at inangkin ang mga labi ko. I want him to stop when I felt his lips moving on mine at sinubukan ko s’yang itulak pero wala ding nagawa ang lakas ko dahil mas lalo n’ya lang hinigpitan ang hawak sa akin. "So, I would be the first one to teach you a lesson then, Miss Freda!" And at every movement of his lips, I completely lost my sanity and gave in to his kisses while wrapping my hands around Greg’s neck. All I do is moaned and let him take possession of me as the first night we met. I am so doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD