CHAPTER 2 - FIRST DAY

2286 Words
GREG PROTACIO “Wooh! Shot pa!” “Tang’na, pulutan ‘yan hindi ulam!” “Di ko kayang tanggapin ang mabahong hininga ni Loleng!” Mabilis kong pinulupot ang towel sa bewang ko at naglakad papunta sa bintana ng bahay ko. “Tang’na, Luis! Ang aga-aga ang ingay-ingay n’yo na,” sigaw ko sa mga kapitbahay ko na akala mo ay pag-aari ang buong paligid. “Greg, birthday ng inaanak mo. Lika na!” “Greggy… nakita mo ba ang panty ko?” “Hindi ko alam, Sandy!” Napangiwi ako ng tumama sa mukha ko ang binato n’yang tsinelas sa akin. “Gago! Si Alice ako,” sigaw niya bago nagmamadaling naglakad palabas ng kwarto ko. Pabalik na ako sa kama dahil antok na antok pa ako pero mabilis akong napabangon ng marinig ang sigaw ng Nanay ko. “Hoy, Gregorio! Akala ko ba may trabaho ka?” Mabilis akong tumayo at dumiretso sa banyo. “May, hindi na ako kakain. Malilate na ako,” sigaw ko habang naliligo. Nagsabon lang ako at nagbuhos ng ilang tabo. “Naayos ko na sa kama ang susuotin mo,” dinig ko pang sigaw ni Mamay Fely. Pagbalik ko sa kwarto ay nandoon na nga nakalatag ang uniform na binigay sa akin ni Mrs. Devlin kahapon. Nagpaalam lang ako kay Mamay Fely bago sumakay sa motor ko. Tinawag pa ako ni Luis para painumin pero nagmamadali na ako dahil ito ang unang araw ko sa trabaho at malilate na ako kapag hindi pa ako nagmadali. Ang trenta minutos na byahe papunta sa bahay ng mga Devlin ay tinakbo ko ng kinse minutos dahil siguradong mapapagalitan ako ni Mamay Fely kapag nalaman n’yang nalate ako sa bago kung trabaho. “Greg mabuti naman at nandito ka na. Hinintay kana ni Mayor at Madam Faith pumasok ka na sa loob.” “Salamat, Aling Piling. Gising na ba ang babantayan ko?” “Tulog pa si Freda. Pumasok ka na sa loob para makakain ka na din,” utos ni Aling Piling sa akin. Papasok pa lang ako ng pinto ay naririnig ko na ang boses ng nanay ni Mayor at nang tingnan ko kung sino ang pinapagalitan nito ay ang magiging amo ko pala na halos hubad na sa suot nito. Naipiling ko na lang ang ulo ko nang biglang may tumikhim sa likod ko. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Mayor at ngayon ay parang masama ang tingin sa akin. Wala akong kailangang tingnan sa katawan ng kapatid niya dahil nakita ko na ang bawat parte n’yan. Tsk! “Ikaw ba ang magiging driver at bodyguard ng kapatid ko?” Mabilis akong tumango at nagpakilala sa Mayor ng Maharot. Madalas ko siyang nakikita sa mga balita dahil siya ang pinakabatang mayor namin at pinakamarami na ring nagawa. Pero hindi ko akalain na sa pagiging perpekto niya sa paningin ng iba ay meron siyang ganito kasakit sa ulo na kapatid. Marami pa siyang tinanong habang naglalakad kami pero ang mata ko ay hindi maiwasang mapunta sa babaeng araw-araw kung makakasama. Nang unang beses ko siyang nakita sa restaurant ay alam ko ng sasakit ang ulo ko. “I know my sister is beautiful but you are not allowed to fall in love with her.” Bigla akong nasamid sa sinabi niya at kaya mabilis kong naibaling sa iba ang mata ko. Ngayon pa lang ay gusto ko ng sabihin na hindi na ako tutuloy sa pagpasok dahil baka mapaaga ang pagkamatay ko dahil sa mapang-akit na babaeng ito. “Trabaho po ang ipinunta ko mayor hindi po babae,” matipid kung sagot sa kanya. “Mabuti naman ‘cuz I am not tolerating assholes in my house.” Okay. Paano pa kaya pag nalaman niyang may nangyari sa amin ng kapatid niya? Baka mabaril ako ng wala sa oras nito. O baka nga hindi lang baril, ang abutin ko dito kay Mayor baka hindi na ako makauwi kay Mamay. “Tanghali na ganyan pa din ang itsura mo. Wala ka bang trabaho? Saka magbihis kana nga doon kita pa ‘yang u***g mong bata ka!” Napangiwi na lang ako nang kurutin siya sa tagiliran ni Madam Faith. Mukhang sa mga araw na darating ay sisipagin akong pumasok kasabay ng mga baka hindi ko mapigilan kaya ngayon palang ay dapat ko ng ihanda ang sarili ko. “Magandang umaga, Misis Devlin!” bati ko sa Ginang ng huminto ako sa tapat niya. “Magandang umaga din, Greg. Pasensyahan mo na ang bahay ko dahil araw-araw mo itong maririnig na ganito kaingay kaya masanay ka na,” aniya bago ako inaya sa kusina. Kahit sinabi ko ng busog ako ay hindi siya pumayag na hindi ako kakain kaya wala akong nagawa ng hilahin ako ni Aling Piling papunta sa likod bahay. Isa iyong malaking bahay na may silong sa ilalim at sa ilalim noon ay parang pahingahan at dirty kitchen. At hindi nga ako nagkamali ng akala na para sa mga tauhan ni Mayor at kasambahay ang bahay na iyon kwento ni Aling Piling. Nang makalapit kami ay isa-isang pinakilala ang ibang bodyguard ni Mayor na nakaday off kahit ang ibang kasambahay nila. Habang nakikinig sa kwento nila ay wala akong narirnig kung hindi ang walang katapusang papuri tungkol sa pamilyang ito. Maybe they really not bad as I expected. Habang nakatayo sa pintuan ay pinapanood ko ang babaeng pababa ng hagdan na animoy pag-aari niya ang lahat sa bawat hakbang niya. “Mom, I’m leaving. I may come home late,” dining kung tawag niya kay Mrs. Devlin. “Iinom ka na naman? Walang araw na umuwi ka ng maaga pagkalabas mo ng trabaho. At tingnan mo nga yang suot mo. Damit pa ba ‘yan? You should be dressing in a proper and formal clothes not this almost naked pieces.” Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura ni Mrs. Devlin na parang diring-diri sa suot at itsura ng anak niya. Hindi ko naman siya masisi dahil mukha nga namang nagtatawag ng lalaki ang itsura ng anak niya ngayon. “Mom, it’s called fashion. And what I wear doesn’t make me who I am to my employee, Mom. Bye, see ya, later!” Habang nakasunod ako sa bago kung amo ay napapailing na lang ako habang naririnig ang sigaw ni Mrs. Devlin sa anak niyang babae habang si Mayor ay nakadungaw lang at mukhang inaawat ang nanay niya. "Greg Protacio, Ma'am at your service," pagpapakilala ko nang tumigil siya sa harap ko. “Hindi ko tinatanon at hindi rin ako interesado," ingos ko kaya agad nawala ang ngiti ko. "Tatayo ka na lang ba diyan? Malilate na ako.” Gulat ko siyang nilingon dahil siya itong kanina pa nakatayo sa tabi ng pinto. “Kailangan pa ba kitang ipagbukas ng pinto? Hindi ko alam na kapag mayaman pala walang kamay,” bulong ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. “It’s your job, so stop complaining.” “Mam, magtagalog po kayo. Hindi kasi ako nakakaintindi ng english,” saad ko bago sinara ang pinto sa tabi niya. Isang linggo na yata mula ng huling beses kaming magkita at allergic pa rin siya sa akin. Buong byahe namin ay wala siyang ginawa kung hindi ang makipagkwentuhan sa cellphone niya na para bang iniiwasan niya na magkausap kaming dalawa. Sa inis ko ay tinigil ko sa isang gilid at kotse at hinarap ang babaeng akala mo ay sukang-suka sa akin pero nung nasa kama kami ay wala itong ibang tinatawag kung hindi ako. “Wala akong sinasabing kahit ano sa nangyari sa ating dalawa sa pamilya mo. kaya hindi mo kailangang umasta na iniiwasan mo ako,” saad ko na parang mas lalo niyang ikinainis. “You are my bodyguard, nothing more. Isang gabi lang ‘yon nangyari sa atin at wala pa akong maalala kaya wag mong gawing big deal ‘yon. Stop being an asshole. You are just my bodyguard—” Natatawa na lang akong lumbas ng kotse nang marinig ko ang malulutong niyang mura. Saglit lang dapat ang halik na ‘yon pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa babaeng ito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko nga alam kung bakit napunta ako sa hotel na ‘yon ang alam ko lang ay gusto kong uminom pero wala akong pera. Hindi ko naman alam na iba pala ang balak ng mga kasama ko. “Are you Freda’s new bodyguard?” Iyon ang unang bungad sa akin ng baklang kaibigan ni Freda. “You are the guy from the bar, right?” Ngayon ko lang naalala kung bakit ayaw niya akong paakyatin dito sa opisina nila. Pero ang trabaho ko ay bantayan siya at hindi ang sundin ang utos niya. “Pasensya na nandito ako para bantayan si Miss Devlin wala ng iba,” saad ko bago naglakad papunta sa opisina ni Freda. Pagpasok ko sa opisina niya ay masama agad ang tingin niya na para bang may ginawa akong hindi maganda. Naupo lang ako sa isang gilid nang muling bumukas ang pinto at pumasok doon ang ilang mga tauhan niya yata kasama si bakla. “Don’t mind my bodyguard and start your reports now,” saad ni Freda nang makaupo ang mga ito. Masakit na ang pwet ko kakaupo at kakapakinig sa usapan nila. Nang tumayo silang lahat pagkatapos ng isang oras mahigit ay akala ko tapos na ang meeting nila pero lumipat lang pala sila sa kabilang kwarto. At nagulat ako na hindi lang pala iyon kwarto dahil pagpasok namin ay maraming tao, damit, camera at mga babaeng iba-iba ang suot. Saglit na nawala sa isip ko na modeling company pala ito. Ilang oras pa lang ako dito sa building na ito ay parang hindi na ako makahinga dahil sa mga englisan at kung ano-anong usapan ang naririnig ko. Kaya ayoko ng ganitong trabaho pero mapilit si Mamay na tanggapin ko kesa daw puro problema ang dala ko. “Pwede bang tigilan mo ako dahil hindi ako pumapatol sa bakla?” “Hoy, grabi ka naman! Di rin naman ako pumapatol sa walang class. Nandito lang ako para malaman ‘yon nangyari sa inyo ni Ida.” Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong maalala na Ida. “Oh, I forget! It’s Freda.” “Itanong mo sa kaibigan mo. Bakit sa akin ka nagtatanong?” “Greggy… My stupid friend blocks out that night and doesn’t remember a thing.” “Hindi ko na problema ‘yon.” Iniwan ko na si Francisco dahil kanina niya pa ako kinukulit. Nakalabas na ang lahat at si Freda na lang ang inaantay ko pero kanina pa hindi pa rin ito lumalabas ng opisina niya. Pinuntahan ko na lang siya sa opisina niya dahil walang tigil ang pagtatanong ni Mrs. Devlin kung meron pang ibang dinaanan ang anak niya. Pagpasok ko sa opisina niya ay naabutan ko itong nakayapak yabang may hawak na baso ng wine at sinasabayan ang kanta na pinapatugtog niya. Hindi ko alam kung lasing na siya dahil nitong mga nakaraan ay parang lagi naman na siyang lasing. Mukhang tama ang nanay nito na wala itong ginagawa kung hindi ang uminom dahil sa tuwing nakikita ko siya ay lasing siya. Ilang beses ko siyang tinawag pero parang wala itong naririnig kaya pinanood ko muna siya bago kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Umiikot siya nang salubungin ko at saluhin ng kamay ko ang bewang niya kaya pag-ikot niya ay bumangga lang siya sa akin. “Oras na po ng pag-uwi, Miss Freda.” Bulong ko habang nakatitig sa babaeng namumungay na ang mata habang nakatingin sa akin. “I still don’t want to go home,” aniya nang pumiling ang ulo niya sa akin kaya hantad na hantad sa akin ang makinis niyang leeg. Hindi ako nauuhaw pero ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa kanya bago ko kinuha ang wine glass sa kamay niya at inisang tungga ang alak na nandoon. “Uuwi na po tayo,” tiim bagang ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ako malibog pero pota pagdating sa babaeng ito ay hindi ko makontrol ang sarili ko. Hindi rin naman ako tigang para maging sabik sa laman pero sa ilang beses naming pagtatagpo ay gusto ko na lang papakin ang matabil niyang bibig. “Don’t tell me what to do! I am your boss!” pagpupumiglas niya sa hawak ko. “Ano ba bitawan mo nga ako! Tatawag ako ng security,” banta niya pa. Napangisi ako ng maglakad palapit at mabilis na hinapit ang bewang niya palapit sa akin. “Call them, then I can shut your mouth with mine,” bulong ko bago inangkin ang mga labi niya. Ramdam ko ang mga kamay niyang nakakuyom sa ibabaw ng dibdib ko at ilang beses akong sinuntok. At ang balak kung saglit na halik lang para patahimikin ito ay mas lalo pang lumalim at ayaw ko ng tigilan pa at mas lalo pang humigpit ang kamay ko sa bewang niya at hinapit niya sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas pa bago siya bitawan ng mga labi ko at isang malakas na sampal na lang ang tumama sa pisngi ko. "You asshole! Fvck you!" tiim bagang na sambit niya habang masama ang tingin sa akin. Napangisi ako nang haplusi ko ang pisngi ko. "Sabihan mo lang ako kung kailan at saan, Miss darating ako," nakangisi kong sagot sa kanya kaya ma lalong hindi mapinta ang mukha niya. Hindi ko n lang mapigilang mapahalakhak nang galit na galit itong naglakad palabas ng opisina niya habang nakapaa. Mukhang hindi naman pala ako talaga maboboring sa trabahong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD