16

2334 Words
"Ewan ko sa'yo Kael!" naiinis kong sabi habang nag lalakad papuntang basement. Pagkatapos nang meeting, umalis na'rin si Kael. Hindi na ako nag abala pang ihatid siya dahil nainis ako sa ginawa niya kanina. Pagkatapos ng meeting panay ang tawag niya sa'kin, ngayon ko lang naisipang sagutin dahil pauwi na'ko. Actually wala talaga akong balak kausapin siya, kaso ang kulit!! Hindi nananamihik ang telopono ko dahil sa walang sawang pag riring ne'to. "Anong kasalanan ko?" he defended his self "Totoo naman kasing maganda na ang pinaplano nila sa ipapatayong building. I don't see any problem Nikka." "Don't be blinded by their flowery presentation Kael. Hayaan mo at makakahanap at makakahanap ako ng problema sa presentation nila." Narinig ko ang pag halakhak ni Kael sa kabilang linya. "Ibababa ko na nga 'to! Kainis naman eh." huling sinabi ko bago tuluyang binaba ang tawag ni Kael. Habang nilalaro ko ang aking car keys, bigla akong natigil sa paglalakad nung may naaninag akong isang lalaking nag hihintay at nakasandal sa aking kotse. What is he doing here? I hid my phone inside my blazer and pressed my car keys. Tumunog ang sasakyan ko, tumuwid ang pagkakatayo niya at kita sa mukha niya ang pagkagulat. He immediately found me nearing him. Tiningan ko siya mula ulo hanggang paa, at napansin kong pormal na pormal pa'rin ang suot niya. I took glance on my watch. It's already eight in the evening, two o'clock pa nung natapos ang meeting namin kanina. Don't tell me hindi pa siya nakaalis. Ba't hindi siya umalis kaagad? Did he wait for me? At para saan naman? Bigla akong napako sa kinatatayuan dahil sa kakulitan ng aking isipan. Umiling ako at piniling wag nang gawing big deal 'yon. "Excuse me you're blocking my way." sabi ko nang hindi ko siya tinititigan. Pakiramdam ko kasi, kung tatama ang tingin ko sa kanya, lalambot ang tuhod ko na parang yelo. I tried to open up the door but he totally blocked my way using his huge frame. Umatras ako, pikit ang mga mata. Trying my nerves to calm down. "Let's talk." "Tungkol saan?" Walang gana kong inangat ang tingin sa kanya. For almost three years, this is the first time I saw him this close. Him standing few inches away from me again is like a scene that I thought it wouldn't happen again. Ngayon ko napansin ang pinagbago niya. His mesmerizing eyes is still the same. He looks much mature because of his noticable stubble. While his body... pinasadahan ko siyang muli mula ulo hanggang paa.. his body seems to be much leaner than before. "Anong problema sa proposal namin?" Mababa at may diin na maririnig sa kanyang boses. I smirked, so kaya pala niya ako hinintay dito ng ilang oras. Para dito! Para sa proposal na dinedecline ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina.." I can't help myself not to smile at this moment. "Everything was a trash.. Excuse me." ulit ko at tinangkang pumasok sa sasakyan, ngunit muli niya akong hinarangan. Inis akong napatingala, at agad na pinag sisihan ang ginawa ko nung naamoy ko ang pamilyar na bango niya. I shut my eyes tightly and pursed my lips as I stepped backward. God damnit! This was his scent when he was still working for me as my driver. "I know this is not about our proposal. It is because of the firm right? Kahit gaano ka ganda ng ilalatag kong blueprint, hinding hindi ka pa'rin sasangayon. It's because i'm the engineer in charge." My eyes narrowed before rolling my eyes in front of him. "Alam mo naman pala eh. Why don't you just drop my dad's offer and leave then." pag hamon ko. Kahit na sobrang bilis na ng pag t***k ng puso ko, ayaw ko pa'rin ipakita sa kanya na hindi ako kumportable sa pagkikita na'min ngayon. I don't really get it! Ba't pa siya nag pakita? Is he really that bored? At ako ang napili niyang pag laruan ulit? Istorbohin? Ba't hindi ang asawa niya? O hindi kaya ang anak niya? Teka may pamilya na ba siya? Aba malamang! Sa edad niya ngayon imposibleng wala. He smirked "You should know by now that a businessman can't refuse a client.. Lalong lalo na't kusa siyang lumapit." mayabang niyang sagot na mas lalong kinaiinisan ko. I clenched my fist, as I glared at him. Mas lalo siyang yumabang ah! "Then do your job properly! Is this how you do it? Huh?" I tried to get near my door but he was faster than me "Isa pa Clifford! Irereport na talaga kita sa security." pagbabanta ko. I noticed how he shifted his weight, and that was my cue. I successfully went inside my car when he was still pre occupied on something. Nakita ko siyang napabaling sa binata ng kotse ko ngunit hindi ko na 'yon pinansin. Dali dali kong stinart ang engine at agad na pinaharurot ang sasakyan ko palabas ng basement, leaving him there standing alone. Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanlambot. Hindi ko kinayanan ang pintig ng aking puso dahil sa nangyari. Humilig ako sa pinto ng kwarto ko nang tuluyan akong nakapasok. Sinandal ang likod at dahan dahang napaupo sa sahig. It's been years, dapat ay handa na ako sa araw na'to. Na sa oras na magkita ulit ang landas namin ni Clifford ay magiging maayos na ako. Walang galit at hindi na dapat ako masasaktan ng ganito. Pero puro galit at inis ang naramdaman ko kanina nung nakita ko siya. My family seems to move on, kaya gusto na ulit na makipagdeal sa pamilya nila. Clifford seems to move on also. Wala akong nakikitang pag sisisi sa kanyang mga mata nung tinititigan ko 'yon. Ako lang ba talaga ang nasaktan sa nangyari? Hindi makalimot. I even thought of getting my revenge on him. But in the end, I know I can't do it. I once loved him. I felt like I was stuck in a sinkhole full of mud. Sa tuwing tinatangka kong makawala, mas lalo akong lumulubog. Hindi ko alam kung anong gagawin. Yinakap ko ang aking tuhod, gusto kong maiyak ngunit hindi ko magawa. Sobrang bigat na ng aking dibdib ngunit ni isang patak ng luha ay walang lumalabas. Bumuntong hininga ako sabay tingala. " I should be fine right?" I asked myself. "I'll be fine." Hindi ako makatulog nung gabing 'yon kaya mas pinili ko na lang na mag trabaho para na'rin makalimutan saglit ang naiisip, hanggang sa unti unti nang nag papakita ang araw sa labas. I am the boss, kaya walang magagalit kung napili kong hapon pa o 'di kaya hindi na pumasok sa opisina kinabukasan. Kung wala lang akong finafinalize na mga reimbursements, hindi na dapat ako papasok pa ngayon. "Good afternoon ma'am." Bati ni Lily habang tinutulungan niya ako sa mga dala kong gamit. "Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" "Yes ma'am. I already sent you an email, at may hard copy na'rin po akong nailagay sa desk niyo incase na gusto niyo po nang hard copy." "Okay good." Sabi ko patuloy sa paglalakad. Nung nakapasok sa office, sandamakmak na files kaagad ang nakita kong nakapatong sa aking desk. I tilted my head and massaged my neck before sitting down. Isa na roon ang file na kung saan kailangan kong pirmahan para maitransfer na ng accounting department ang fund na idodonate ko sa isang napiling orphanage. I stopped doing some paitings and auctions after that incident. Maliban sa mas lalong kinain ng trabaho ang lahat ng oras ko, hindi ko magawang makapasok sa loob ng unit. Dahil sa tuwing nakakapasok ako o makahawak ng paintbrush, naaalala ko siya. One day I tried to sketch in a piece of paper but it didn't went well. Para bang walang wow factor. The longer I looked at it, it was blank. Emotionless I lost interest in arts. Para bang hindi na ako natutuwa sa tuwing kapag nakatitig ako sa painting na gawa. But nevertheless, kahit na hindi na ulit ako nakapag guhit pa, I made sure na tutulong at tutulungan ko pa'rin ang mga bata na nasa loob ng orphanage kahit papaano. Mas lalo kong tinutumbasan ang halaga ng dinodonate ko kumpara sa mga panahon na nag papauction ako sa gawa kong paintings. I signed almost all the files that was on top of my table when I heard a footstep. Hindi ko pa pinansin dahil nakatutok pa ako sa file na hawak ko. Ang daming mali! Kumuha ako ng kulay pink na sticky notes sa maliit na drawer ko at idinikit 'yon sa kung saan may mali. The finance department needs to revise this part. "Excuse me, i'd like to have a word with you." natigil ako sa pagbabasa nang may narinig akong pamilyar na boses. Nagulat ako nung inangat ko ang aking mga mata ay isang Clifford kaagad ang bumungad sa'kin. Wearing a black well hugged polo shirt and a maong pants, holding a folder on his right hand. Why is he here? Atsaka sino ang nag papasok sa kanya? I took a glance on my door, hoping to see Lily, but she's not there. Muli ko siyang tinitigan, hinihintay ang sunod niyang sasabihin ngunit wala. "Walang binanggit si Lily na mayroong meeting ako ngayong hapon." sabi ko sabay balik ng atensyon ko sa file. "This is about the upcoming project." He said huskily Natigil ako sa pag babasa dahil sa sinabi niya. Kunot noo kong binalik ang tingin sa kanya tsaka dahan dahang sinara ang folder na hawak ko. "You should have scheduled a new meeting for this." I interwined my hands on top of my table. He's towering me, dahil nanatili siyang nakatayo sa harapan ko habang nakaupo naman ako. I won't ask him to sit dahil wala akong balak na patagalin pa ang usapang ito. "You're the only one that has a problem with my presentation. Ikaw lang..." I smiled without any humor on it. Humilig ako habang tinitingnan ko ang pag lapag niya ng isang clear folder. "Because your presentation was pointless." "I revised everything, check it out." He commanded "Still, it won't change my mind." "Try and check it first before you conclude." Kinuha ko ang folder at unti unting binasa ang file. "I conducted the architect in charge of this project last night. May changes sa design at sa structural.." habang sinasabi niya 'yon ay tiningnan ko ang sketchplan. And the changes that he's talking about was indeed noticeable. Ibang iba sa building na prinesent nila kahapon. Same style and vibe but it is much more modern compared to our old branches. "With three months of time frame." Natigil ako sa pagrereview para tingnan siya ng masama. "Ayaw kong madaliin ang proyektong 'to." "We won't. I'll assign more workers for this." "Our budget is fix. Ayaw na naming mag dagdag gastos dito." Additional worker means additional budget for that. "The budget it still the same.." aniya "Actually, we also deducted the cost for this project." Hindi ko mapigilan ang pag taas ng kilay ko sa sinabi niya. They deduct the cost? Siraulo ba 'to? "Why? To bait me? Para iclose deal ko na kaagad 'to?" natawa ako sabay iling. "Then sorry to disappoint you engineer Monetenegro. Mas ayaw ko lalo ibigay ang proyekto na 'to sa'yo. Yes, you can do some cost cutting in this project but we don't need that. Ayokong bababa ang quality ng building na 'to. Lalong lalo na't long-term asset ang pinag uusapan na'tin ngayon. What if, kahit tirik na tirik ang araw ay guguho na lang bigla ang building? At maraming inosente ang mawawalan ng buhay dahil palpak ang pagkakagawa niyo 'rito.. not just your name but our name will also be at risk." "It won't happen. You can strip my license or I can give up my position if something wrong will happen in this project." Sa sobrang seryoso niya, hindi ko magawang mag salita or sagutin man lang siya ng kahit ano. "I'll make sure that the stractural of this building will last for a long time." habol pa niya. "Then how can you add another workers and laborers for this without asking us additional payment?" I noticed how he plays his ballpoint pen in front of me. "I won't charge any fees from you. The company, architects and even engineers fees are waive." Hindi ko mapigilan ang paglaki ng mga mata ko dahil sa gulat. The corner of his lips moved when he saw my reaction. "That means, ang budget na ibinigay niyo sa'min ay mapupunta ang lahat ng 'yon sa pag bili materyales, sweldo para sa mga workers at laborers." his voice changed a bit. May bahid na yabang. Umiling ako, ba't hindi ko naisip ang tungkol dito? This is the reason why my dad agreed. Kahit magkakaroon kami ng bidding sa lahat ng mga construction firms dito. Kung gustohin nila, mananalo at mananalo pa'rin sila. Dahil nga kaya nila itong gawin, ang pababain ang budget. Who wouldn't like this kind if discount? Obviously, hindi magagawa ng ibang firms 'yon dahil hindi naman sila baliw katulad ne'tong lalaking 'to. "You might file bankruptcy if i'll take your offer." banta ko. He'll loss millions if i'll accept this. I'm sure of it. From his architects fees, aabot 'yon ng lipak lipak na salapi. He smirked, "So is it a deal?" Kunot noo ko siyang tinitigan. Why is it that he wanted this project so bad? Eh wala naman siyang mapapala. Malulubog sa utang ang kumpanya nila kapag sasangayon ako dito. And the hell I care if they sink right? Problema na nila 'yon! As long as makakatipid kami sa proyektong 'to. Nanatili siyang nakatingin sa'kin na magaan na ang mukha. Halatang alam niya na ang isasagot ko. Kahit naman siguro sasangayon sa offer niya. Unti unti akong tumayo nang hindi tinatanggal ang tingin. "Deal." sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya. A smile crept on his face before accepting my handshake. "Deal" he huskily said
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD