17

2678 Words
Isang masigabong palakpakan ang narinig ko pagkatapos namin icut ang ribbon. Panay ang ngiti ko sa mga taong bumabati sa'min. Kahit na ang totoo ay gusto ko ng umalis sa lugar na'to. Pano ba naman kasi, sa gitna pa talaga ako nina daddy at engineer Monetenegro nakatayo nung nag cutting of ribbons. "Congratulations miss Delos Santos." Bati ni Mike, anak ng isang investors namin, nung lumapit na kaming tatlo sa mga bisitang dumalo. Dito ang derecho ko dahil ang table nila ang malapit, habang nasa kabilang table naman dumerecho si dad. "Thank you so much for coming. It means a lot." My template dialogue everytime na may bumabati sa'kin, sabay tanggap ng kamay niya at ngiti. "Maganda ang lot na nakuha niyo dito sa Iloilo ah." puri niya. "Thanks to my dad, maaga niyang nakita ang lot na 'to dito." "And of course! Congratulations din sa'yo engineer Montenegro." I saw his lips curved when he looked at someone behind me. Hindi ko na kinakailangan pang lingonin dahil alam ko na kung sino ang kinakausap. "Thank you." in his low baritone voice, he then extend his hand for a handshake. "I sent you an email few months ago.. Our company wanted to work with you for our next resort engineer..." Mike "My apologies, I haven't opened my emails yet." aniya My eyes widen into fraction. Anong hindi pa siya nakakaopen ng emails niya? Eh araw araw nga siya kung mag email kay Lily. Not just their company email but he uses his personal email for that. Kaya ba't ba siya nag sinungaling kay Mike tungkol dito. Oh right! I forgot, he's good at lying nga pala. I smirked. "It's good that i'm here, I finally had a conversation with you." Mike "And perhaps you can listen..." "Sorry, but as of the moment I can't accept another project." laglag ang panga ko nung pinutol ni Ford si Mike. Kita 'rin sa mukha ni Mike ang gulat sa narinig. Hindi ko mapigilan na wag lingonin si Ford. Bahagya pa akong nataranta nung nalaman ko na sa akin pala siya nakatingin at hindi kay Mike. "Why?" Mike "I don't want this project to fail." sagot niya nang hindi tinatanggal ang titig sa'kin. "I don't want to disappoint miss Delos Santos" sabi niya bago inangat ang tingin kay Mike. "You are known to be good in your field engineer Monetenegro. Sa lahat ng mga projects na hinahawakan mo, wala ni isa ang pumalpak. Accepting new project while doing this won't hurt you that much." habol pa ni Mike. Ngunit isang iling ang isinagot ni Ford. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa isinagot niya kay Mike. But one thing is for sure. He is dumb to reject a project. Tsk! "Nikka." Mike was about to say something when we heard my dads voice. Tatlo kaming napalingon kay dad. My dad was talking with some investors kaya alam ko na ang gustong ipagawa sa'kin. Muli kong hinarap si Mike na nakangiti. "Excuse me." Paalam ko bago tuluyang lumukad papunta sa kinatatayuan nila daddy. Agad akong pinakilala ni daddy sa kausap. Ilang minuto pa ang nakalipas, naging abala kami pareho ni dad kausapin ang mga bisita na dumalo. Everyone congratulated us and was excited to witness our new branch. Malungkot nga lang at hindi nakapunta si mommy dahil may nauna siyang schedule ngayong araw, hindi niya kayang icancel dahil importante din 'yon. "Are you sure you're not coming?" tanong ni daddy nung pumarada sa harapan niya ang isang itim na kotse. Ngumiti ako sabay iling. "I'll stay here for a week dad." sabi ko Matagal ko ng pinaplano na manatili dito ng isang linggo kapag matutuloy ang groundbreaking ceremony namin dito sa Iloilo. Monique is living here as of the moment. Ever since I graduated my masters degree, hindi pa ulit kami nagkikita. Naging abala kasi ako sa trabaho, ganon din siya. Idagdag pa na pinagsabay niya ang kanyang pag aaral at pagtratrabaho. "Alright sweetie. Enjoy your stay." Hinalikan ako ni dad sa pisngi bago tuluyang pumasok sa kotse. Habang nanatili naman akong nakatayo sa labas ng lobby nung hotel. I almost had a heart attack when I saw Ford standing just few meters away from me. Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang dibdib. Trying to calm myself. Ba't ba ako nagugulat sa tuwing nakikita ko siya. Para bang multo na bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan. I slowly opened my eyes when I felt that my heart calm down a bit. He was busy talking on his phone. I raise a brow when I notice the small suit case beside him. Katulad ni dad, uuwi din ata siya. Mabuti nga kung ganon. Ayaw kong mag tagpo pang muli ang landas namin. Pumasok ako sa hotel nang hindi siya pinansin. I didn't have a plan to start a conversation with him. When I entered my hotel room, dali dali kong binaon ang buong katawan ko sa malambot kong kama. Dahil sa pagod na natamo ko kanina, mabilis akong nakatulog. Nagising nga lang nung narinig ko ang pag tunog ng aking alarm clock. It is already eight in the evening but I force myself to stand up. Magkikita kasi kami ni Monique sa Burbons, isang sikat na kainan dito sa Iloilo. I'm wearing a simple vintage shirt tucked in a high waist maong pants with a pair of white sneakers. My smile flashed from ear to ear when I saw Monique seating and silently waiting for me. Dali dali akong nag lakad palapit sa kanya at nang nakalapit, hindi ko mapigilan ang sarili na yakapan siya ng sobrang higpit. "Que!" sabi ko, she was stiff for a moment but slowly I felt her body relaxed when she heard my voice. "Nikka." I can also hear excitment in her voice. "Kamusta ka na? Si lola?" Tanong ko tsaka unti unting kumawala sa yakap. "Heto balik estudyante." she laugh a bit "And lola is doing great, makulit nga lang." Natawa 'rin ako. "I should visit her tomorrow." excited kong sabi. Ngunit kumunot noo ako nang nakita ko na umiba ang mukha ni Que. Para bang may pag aalinlangan at mukhang ayaw niya akong papuntahin sa kanila. "Or is it too much?" bawi ko "I can meet lola somewhere.. Or even sa mall na lang. I just want to meet her." ngumuso ako. I really wanted to meet lola. Kahit na ako mismo ang bumili ng bahay nina Monique dito sa Iloilo, gusto ko pa'rin malaman ang kalagayan nilang dalawa. Kung maganda ba o hindi. "Ah ano.. pwede ka namang pumunta Nikka." natatarantang sabi ni Que, ngunit napangiti ako nung pumayag siya "miss na miss ka na'rin kasi ni lola." After that, umupo na kami atsaka tinawag na ang waiter para kunin ang order namin. Hindi 'rin nag tagal ang dinner namin dahil kailangan na ni Que umuwi. Kahit kita sa mukha niya ang pagod, alam mo naman na masaya siya sa kung ano meron siya ngayon. We also both agree that tomorrow, we'll meet again. Sa bahay na nila mismo. Kinabukasan, nasamid ako sa iniinom kong kape nang may natanaw akong isang lakaki papasok sa dinning area ng hotel na tinutuluyan ko. Wearing a grey round neck shirt and maong. Nanlaki ang mata ko, hindi matanggal ang tingin sa kanya. Anong ginagawa niya dito? I tried to look at the main door, waiting for someone who'll run after him. Pero wala, mag isa lang siya. Napaupo ako ng tuwid nung magtama ang tingin namin. I saw his lip twisted, pinipigilan ang sarili na ngumiti sa harapan ko. Hindi ko na alam ang gagawin nung papalapit na siya sa kinauupuan ko. I don't want to expect pero papunta talaga siya sa'kin. Marami pa ang vacant seat dito sa dinning but he never tore his sight off me. Sa'kin siya nakatitig. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kape na ininom o dahil sa titig na binibigay ni Ford. I wanted to run away from this scene so badly. But I don't want him to think that i'm avoiding him nor i'm still stuck in our past. Ako ang naunang nag iwas ng tingin. I cleared my throat to renew my stance. Kinuha ko ang ipad para abalahin ang sarili at wag na pansin ang presensya niya. "Good mornin.." boses pa lang alam ko na kung sino. I sighed, calm down Nikka. Don't let him waver you once again. Unti unti ko siyang tiningnan, walang sinasabi. Napahawak siya sa kanyang batok sabay sulyap sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Is this seat available?" I raise a brow and look at him darkly. "No" "Hmmm." he pursed his lips atsaka tumingin sa paligid. "May kasama ka?" "May nakikita ka?" mataray kong saad Umiling siya "wala naman..." He was about to smile but choses to clear his throat instead when he saw me still looking at him darkly. "Ba't ka nandito? Umalis ka na nga!" "I want to eat my breakfast.." "Then go find a table Fo--.. Montenegro!" napakagat labi ako nung nagkamali ako sa pagtawag ko ng pangalan niya. Mas lalo akong nainis dahil ngumiti pa siya lalo. Mukhang narinig niya talaga ang sinabi ko. "Nikka calm down, I won't disturb you. I just want to eat my breakfast, i'm hungry. I can't wait for someone to finish their meal." No vacant seat? My brow furrowed, and I hurriedly scanned the whole dinning area. "There's a lot of vacant tables Montenegro. Can't you see?" sabay turo sa isang vacant seat sa kanya, ngunit hindi niya 'yon nilingon. Nasa akin pa'rin siya nakatingin "Or let them deliver your food inside your room." "I prefer eating my meal here Nikka." Laglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata nung dahan dahan niya hinawakan ang upuan na nasa harapan ko. Teka teka! Uupo siya?! Pumayag ba ako? Bumilis ang pag hinga ko, nataranta sa agarang ginagawa ni Clifford. "And I like the view here." He seriously said Tila nanigas at naudlot ang pag hinga ko nung sinabi niya 'yon mismo sa harapan ko. Para bang iba ang gusto niyang iparating sa'kin. Does he really like the view here o it is because i'm here sitting infront of him? I smirked.. He's playing a game here.. I know. "Suit yourself then." kumabit balikat ako pagkatapos kong sabihin 'yon. I really tried my best not to show any reaction towards his bold action. Kahit na gusto ko ng umalis at iwanan siya dito. If he wants to play this game, then let him. But this time, I won't let him play on his own. I'll make sure that he'll take his own poison in this game. I'll make sure that in the end he'll regret starting this game with me once again. Hindi ko na siya ulit kinausap. Nilaan ko ang buong atensyon ko sa aking emails. Minsan tumatawag pa si Lily dahil sa mga unexpected clients na pumupunta sa office. I was typing something on my Macbook when my phone vibrated. Kael's calling... I was wearing my earpods kaya hinayaan ko na ang phone kong nakapatong sa table. "Oh." sagot ko still typing. "Wala man lang good morning miss Delos Santos?" I heard Kael chuckled "Tssk." Umirap ako kahit na hindi niya naman kita. "Good morning Kael" I purposely changed my voice when I said that. "Nan! Ganyan dapat.." Aniya "Good morning mahal ko!" "Ulol anong nakain mo?" natawa ako I know he's joking. Parati niya akong tinatawag ng kung anu-ano kaya nasanay na ako. Actually, we tried to date. Mutual agreement. He was really fun to be with. Kaso hanggang kaibigan at business partners lang talaga ang turingan namin sa isa't isa. "Naka leave ka pala sa trabaho ngayon? Asan ka?" "Oo, one week. At nasa Iloilo pa'rin ako." "So we can't help it but to reschedule our meeting then?" Kumunot ang noo ko tsaka mabilis na tiningnan muli ang Ipad. Trying to check the calendar if there's an appointment. "May scheduled meeting ba tayo ngayon?" I ask while scrolling "Wala naman, I just thought that we need to have a meeting again this week." I pursed my lip and close my ipad. "Pag uwi ko, kita na lang tayo." "Alright. Kailan ba ang uwi mo?" "Saturday 2pm ang flight ko." "Sige. Ako na ang mag susundo sa'yo sa airport. Atsaka pagkatapos ng meeting may ipapakilala ako sayo." "You know how busy I am Kael. I can't date anyone as of the moment." I heard a loud noise coming from Clifford's cup. Napatingin ako sa kanya, nag iwas lang siya ng tingin. His aura became dark and I saw his jaw moved a bit. Problema naman ne'to? "Nikka one date. If you can't feel anything then you can reject him right away." "Kael ilang beses na kitang pinagbigyan sa mga kaibigan mo." "That is because you're occupied by your work during your dates. Hindi mo sila hinahayan na gawin ang diskarte nila sa'yo." "I don't have a choice Kael.. Ang trabaho ang nag hahabol sa'kin, hindi ako." Giit ko "Kung mabait ka, edi sana ikaw na lang. Kaso ang suplado mo atsaka--" Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin nung narinig ko ulit ang malakas na pag lagay ni Clifford ng kanyang cup. Mas malakas kumpara kanina. "Ako pa ngayon ang may kasalanan." I heard Kael on the line but Clifford got my attention. Humilig siya sa kanyang upuan at ipinatong ang dalawang siko sa arm chair. He was also looking at me, darkly. Na para bang galit na galit at hindi gusto ang naririnig. "Kael sorry but I need to go. I'll call you later. Sorry." Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya nung inend ko na ang tawag. I don't know why i'm bothered on how Clifford acted. Tinanggal ang suot kong airpods at itinabi ang hawak ko Ipad. Tinangka kong huliin ang titig niya ngunit panay ang iwas ne'to. Mag kasalubong ang kilay at mukhang nakalimutan niya na kung paano ngumiti dahil sobrang seryoso ng mukha na pinapakita niya. "Anong problema mo?" Kinuha ko na ang lahat ng lakas ko para itanong 'yon sa kanya. "Galit ka? Hindi mo gusto ang narinig mo?" Sunod sunod na tanong. My eyes widen into fraction when our eyes met. His dark aura was still visible. Ever since the moment I knew him, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sa tuwing nagagalit o pinapagalitan ko siya sa trabaho, kahit minsan hindi siya nag reklamo o sinabayan ang galit ko. Instead, he was quick to ask for my forgiveness or agree into whatever I wanted him to do. Kaya ganito na lang ako naapektuhan nung nakita ko ang mukha niya. Hindi mapakali. Instead of answering me, he kept his silence, na mas lalo kong kinaiinisan. "Akala ko ba you won't bother me?" I cross both of my arms above my chest "nakikinig ka ata sa usapan ng may usapan." I saw him smile, pero hindi ngiting natutuwa kung hindi ngiting naiinis ang pinapakita. That leads me to my conclusion na nakikinig nga talaga siya sa usapan namin ni Kael. "You sounded so friendly with that boy." Tumingin siya sa'kin. "Obviously" inirapan ko siya "he was with me for a couple of years." "Is he your boyfriend?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" I pause for a while, waiting for him to answer but he chose not to "I don't have the time to waste on dating." "But you dated him." Giit pa niya. Nag taas ako ng isang kilay. "Paano kung oo? Anong pakealam mo? I can date whoever I want. Atsaka why are you so invested in my personal life mister Montenegro? Hindi naman kita pinapakealaman ah." "That's the problem here Nikka. I am the only one who is curious about your life." Muli akong natigilan sa sinabi niya. He was curious about my life? But why? Huh? Teka mali ata ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. "I want to know you more Nikka." Aniya sa mababang tono "Two months being together is not enough for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD