Chapter 3

1255 Words
"Anong pandak!? Porket maliit ako at ikaw mas matangkad tatawagin mo akong pandak!" inis na sigaw ni Lia. Nanatiling kalmado ang mukha ni Noah at saka tinanggal na ang pagkakapatong ng kanyang kamay sa ulo ng dalaga. Agad na siyang naglakad paalis dahilan para mapangiwi si Lia at agad na tumakbo para sundan siya. Si Noah naman ay naiilang na sa ginagawa ng babae kung kaya't muli siya huminto at tinititigan ito ng masama. Imbes na matakot si Lia ay mas lalo pa siyang namangha, ramdam niya ang kanyang katawan na natatakot sa bawat titig nito. Katulad na katulad kay Peligro! "Hindi ka ba talaga titigil?" inis na tanong ni Noah at ngumisi lamang si Lia habang nakatingin sa kanya. "Hindi," sagot niya dahilan para mas lalong mainis si Noah dahil nakukulitan na ito sa inaasal ng dalaga. "Para kang bata, lumayas ka nga sa harapan ko!" inis na sigaw ni Noah at saka naglakad na naman palayo sa kanya. "Ang suplado't at ang arte mo naman pasalamat ka nga may nagkakagusto sa'yo e. Ilang taon ka na nga? Ah oo, matanda na wala pa ring bebe ano? Ayan kasi suplado ka, tatanda ka niyang binata," pang aasar ni Lia dahilan para mas lalong mainis si Noah. Tina try niyang maging kalmado dahil baka mamaya pa ay masapak niya pa ang dalaga at malaking delubyo iyon para sa kanya. Nag stop muna sila sa seven eleven at bumili ng makakain, si Lia naman ay sunod nang sunod pa rin sa kanya. Naiinis man ay hindi siya makapag pigil na tignan ang dalaga na nakangiting tumingin sa kanya. "Huwag mong sabihing magpapalibre ka ng pagkain?" tanong ni Noah sa kanya. "Ayos lang, isang titig lang sa'yo busog na ako," pang bola ni Lia dahilan para mapangiwi't mainis si Noah. Para sa kanya ang cringe kaya mas lalo siyang nainis. "Kumuha ka na diyan kung anong gusto mo baka masipa pa kita palabas dito," inis muling sambit niya habang papunta sa counter. Tumawa lang ng mahina si Lia at saka kumuha ng hotdog. Agad naman siyang sumunod kay Noah na siyang umiiling iling dahil sa inaasal ng dalaga. Nang makalabas sila ay agad na tumunog ang phone ni Noah, tinignan niya ito at nakitang si Frostal ang tumatawag. Agad niya itong sinagot at binaba na agad. "Aalis na ako bata, huwag mo na akong sundan," seryosong saad ni Noah at umalis na palayo kay Lia. Hindi na niya sinundan pa si Noah nang maramdaman niyang mapanganib kapag susundan niya pa ito lalo. "Anong bata? mas matanda ka lang ata sa akin ng isang taon," inis na sabi niyang muli at saka tinignan ang small camera sa kanyang damit nang makitang naandito pa ito. Mabuti na lamang ay hindi ito napansin ni Noah dahil kung hindi ay lagot siya. Naglakad na rin siya palayo habang kinakain ang libreng hotdog na binigay ni Noah sa kanya. "Naka libre pa ako, ha?" natatawang sambit ni Lia. . Nakaligo na si Noah nang dumating siya sa isang malawak na lupain kung nasaan naghihintay ang chopper na hahatid sa kanila papuntang Visayas, sa Cebu city. Sinundo lamang siya ng mga kasamahan niya sa kampo at agad na tumungo kung nasaan si Frostal. Tanging ID, cards, at konting gamit lang ang dala niya. Nang makita siya ni Frostal ay agad na siyang sumakay sa chopper at sinundan ito ni Noah. Nagbigay respeto muna sina Noah at Frostal sa kanilang heneral at lumarga na ang chopper sa himpapawid. Tahimik lamang silang nakasakay at napagdesisyunang sa condo unit nalang nila sila mag-uusap tungkol sa impormasyon na nahagilap nila tungkol kay Michael Brown. Nang makarating sila sa Cebu ay agad na sumakay sila sa isang kotse at hinatid sila papunta sa condo unit na binigay sa kanila. Pagkarating nila sa condo unit ay agad na nilang nilapag ang mga impormasyon. Nahagilap nila na nasa Cebu si Michael Browy. Mayroon itong mga kakilalang mayayaman na tao sa bansang Pilipinas kung saan nila binebenta ang mga lamang loob sa kanila at dinadala rin ito papunta sa ibang bansa. Ang pinagtataka nila ay paano nakalusot ang mga bagahe nila papuntang internasyonal? Ang iniisip nila ay baka mayroon ding mga tao sa na sangkot sa kasong ito. "Ito tignan mo, sa pagkaka alam ko ay ang babaeng ito ay isang sikat na aktres na naninirahan dito sa Cebu. Nahagilap siya ng intel ko na magkasama sila sa restaurant. Hindi kaya may alam din ang babaeng iyan tungkol sa pinaka lokasyon ni Brown?" tanong ni Frostal habang nakaupo sa upuan at si Noah naman ay nakatayo sa kanyang gilid. "May shooting ba ang aktres na 'yan ngayon?" tanong ni Noah at tumango naman si Frostal. "Wala pero meron itong photoshoot mamayang alas dos ng hapon, sa Naga," sagot ni Frostal sa tanong niya. "Right, ako ang pupunta sa shooting ng aktres mamayang hapon at ikaw naman ay pumunta sa lugar kung saan maraming kasong nawawalang mga dalaga at mga bata," sambit ni Noah at agad na tumango si Frostal bilang pag sang ayon. "Ito ang ilan sa mga na iresearch ko tungkol sa aktres na 'yan, pag aralan mo at baka marami pa siyang mga kakilala na maaaring mayroong mas malalim na koneksyon kay Michael Brown," sambit ni Frostal at ibinigay ang mga papel tungkol sa aktres. Agad namang kinuha ni Noah ang mga papel at nagpasalamat. Nang sumapit ang alas una ng hapon, agad na umalis si Noah at pumunta sa Naga gamit ang motor na kakarating lamang na pinahatid pa niya sa isa mga kasamahan niya. Pinaharurot na niya ito at saka bumaba nang makarating siya sa kanyang destinasyon. Kinuha niya ang camera na nakatago sa kanyang motor at suot niya rin ang kanyang cap saka umalis. Nagpakilala siya bilang isang photographer na agad naman siyang pinapasok ng guwardiya. Ang tunay na photographer ay hindi pa makakapunta sapagkat nasiraan ito ng sasakyan sa lugar kung saan malayo sa mga nag-aayos ng sasakyan. Pagkapasok niya ay tumambad sa kanya ang mukha ng napaka gandang aktres na siyang nakangiti habang inaayos siya ng kanyang make up artist. Nakasuot na rin ito ng mga nag gagandahang mga damit at ready na para sa photoshoot. Nagsimula na silang magkuhaan ng litrato at hindi ito napansin ng aktres na siya ay hindi tunay na photographer dahil sa husay nitong magkuha ng kanyang litrato. Napamangha ang mga tao sa galing ni Noah kaya naman bahagyang napangiti ng malawak ang aktres. Matapos ang ilang oras ay natapos na din ang photoshoot nila at agad na tumungo ang aktres sa kanyang kuwarto na agad na sinundan ni Noah. Tinignan niya muna kung may nakakabit na cctv or mga hidden cameras sa paligid ngunit mabuti nalang at wala siyang nahagilap. Nang makarating siya sa kuwarto ng aktres ay agad itong lumingon para tignan siya, this time ay taimtim na tinitigan ng aktres si Noah nang mapansin niyang may mali sa kanya. "Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng aktres at dahan-dahang binuksan ang kanyang drawer habang nakatitig kay Noah. "Ikaw ba si Marian Montella?" tanong ni Noah sa kanya dahilan para magulat ang babae. Iyan ang screen name niya bilang isa sa mga tauhan ng Dark Devils. She clenches her teeth and quickly take the dagger on her drawer at saka agad na inatake si Noah. Fortunately, na depensahan naman agad ni Noah ang kanyang pag atake at inilapit nito ang kanyang mukha sa mukha ng babae. "Where is Michael Brown?" seryosong tanong ni Noah habang ang mga mata nito'y seryosong nakatitig sa mata ng aktres.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD