Chapter 4

1253 Words
Nakabalik na si Lia sa kanyang condo at agad na isinuri ang mga litratong nakuha niya maging ang mga litrato ni Peligro. Halos lahat ay magkakapareha maging ang hugis ng kanyang katawan lalo na sa malakas at nakakatakot na presensiya nito. "Kailangan ko pa rin ng mas matibay na ebidensiya. Kailangan ko ata mapalapit kay Noah Schnyder para malaman talaga ang kaso matagal pa bago niya ako mapagkakatiwalaan," sambit ni Lia sa kanyang sarili habang nakatingin sa mga litrato sa harapan niya. Naisip naman niya bigla na ipagpatuloy ang pagiging obsess crush kay Noah at paibigin ito. Masungit man at malamig hindi pa rin maikakaila na mabait si Noah lalo na sa mga babae. Agad namang hinampas ni Lia ang kanyang ulo sa mesa. "Kaya ko ba 'yon? E mukhang wala atang balak makipag relasyon 'yon, konti nalang nasa trenta na 'yon," reklamong saad ni Lia sa kanyang sarili. Nag-isip isip naman siya ng matagal hanggang sa nakapag desisyon itong subukan na paibigin si Noah sa kanya. "Okay, kaya mo 'yan Lia. Ikaw pa ba? Ang ganda ganda mo e imposible na hindi mahulog si Noah sa kagandahan mo, bulag nalang siya kapag hindi pa siya naakit. Hay nako ewan, bahala na nga!" reklamong saad niyang muli at saka itinago lahat ng litrato sa kanyang drawer. Agad siyang tumungo muli sa bahay ni Noah ngunit nagulat siyang nadatnan niya ang bahay na sarado at mukhang walang tao. Inilibot niya ang buong bahay sa pumunta pa siya sa bakuran nito ngunit wala talagang tao. Tumingin siya sa itaas at may mga cctv palang nakakabit dito. Agad siyang umupo sa hagdanan at napagdesisyunang antayin ngunit lumipas ang isang oras ay wala pa ring Noah ang dumating kaya napagdesisyunan niya na lamang na umalis. "Saan naman kaya nagpunta 'yon? baka nasa trabaho at nanghuhuli ng katulad ko," bulong niya sa kanyang sarili at bumuntong hininga na lamang. . Agad namang tumawa nang marahan ang aktres at saka itinaas ang kanyang paa para sipain si Noah at inikot ang katawan at sinipa siyang muli ngunit lagi itong na dedepensahan ni Noah. Nang masulyapan ng aktres ang titig nito ay para na lamang siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa malamig na titig nito. Nais niya mang gumalaw ngunit hindi niya magawa kung kaya't ginamit na ni Noah ang kanyang pagkakataon para suntukin ang aktres sa kanyang tiyan at napatulog ito. Agad naman niyang hiniga ito sa kama at lumabas muna saglit sa kuwarto at nang mapansin niyang wala na masyadong mga tao ay agad niyang kinuha ang isang bracelet at pinindot ang button nito na bigla na lamang naging pula. Agad naman siyang nagtawag ng mga kasamahan kung sakali may mangyayaring kaguluhan o masama mamaya matapos niyang makausap ang aktres. Matapos ang ilang minuto ay nagising na ang aktres at naging alerto muli. "Ano ba ang kailangan mo?" tanong niya habang masama ang mga titig nito kay Noah. "Susunod ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo, kailangan ko ng ilang impormasyon na alam mo tungkol kay Michael Brown. Ngayon, sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo o sasabog ang bracelet na ito sa kamay mo?" Noah threatened her. Walang nagawa ang aktres at bigla na lamang itong umiyak. "Anuman ang nakita mo ay wala akong kinalaman tungkol sa lalaking iyon! Matagal na akong umalis sa Dark Devils at wala na akong koneksyon sa kanila, namumuhay na ako ng–" hindi natuloy ng dalaga ang kanyang sasabihin nang itutok ni Noah ang kanyang baril sa kanyang ulo. "Galingan mo pa sa pag arte para hindi ko ito ipútok sa ulo mo, marami akong alam tungkol sa'yo Marian Montella at kung hindi ka makikipag cooperate sa akin ay kaya kitang ibulok sa kulungan sa isang iglap lang," seryosong sambit ni Noah kung kaya't napatahimik ang aktres. "Si Michael Brown ay isang General sa isang grupo ng Dark Devils na naka assign dito sa Pilipinas. Mas malaki ang kikitain nila dito sa pagbebenta ng mga lamang loob dahil mas maraming mga dalaga at bata na madali lang nilang madukot. Mas maganda rin ang quality ng mga lamang loob at ibinebenta nila dito at dinadala nila sa iba't ibang hospital sa ibang bansa, ayan lang ang pagkaka alam ko. Kung tatanungin mo ako sa kung ano ang lokasyon niya ay maging ako ay walang alam diyan. Pumunta lamang siya rito sa akin para manghingi ng tulong ngunit tumanggi ako. Sinabi ko na sa'yo, wala akong kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng Dark Devils ngayon dahil umalis na ako sa grupong iyon!" sigaw ng aktres. "Ano pa? Kahit konting impormasyon tungkol sa lokasyon kung saan nila dinadala ang mga idinukot na mga dalaga at bata," tanong muli ni Noah. "Sa abandonadong hospital malapit sa Del Pilar street, kung saan kilala ang lugar na 'yon na maraming na aaksidente dahil sa malaking balete. Tunay at totoo ang aking sinasabi," sagot ng aktres. Tumayo naman si Noah at saka tumalikod na para umalis. "Hoy! Teka alisin mo muna 'tong bracelet sa kamay ko!" inis na sigaw ng aktres at akma na sana niyang hawakan ang braso ni Noah nang biglang dumating ang mga pulis at agad na kinuha ang magkabilang braso ng aktres. "Teka ano 'to? Hoy! Bakit ako kinukuha ng mga pulis!? Sumagot ka!" sigaw muli ng aktres ngunit hindi siya pinakinggan ni Noah. Dumating naman agad ang Manager ng aktres at saka pinagtanggol siya, agad na pinakita ang warrant of arrest sa harapan ng manager at gulat itong tumingin sa papel. "Hindi totoo ito! Kasinungalingan ang lahat! Mabait si Aries at hindi niya magagawa ang mga bagay na ito! Maghahanap ako ng lawyer, mali na kinalaban niyo kami!" sigaw ng manager sa mga kapulisan. Nagsimula na ang mga bulong-bulungan at mga taong nag t-take ng video habang pinag uusapan ang aktres. Hindi sila makapaniwala sa nangyayari kung kaya't malaking issue ito sa social media kung sakaling kakalat ito sa internet. Agad na lumapit si Noah at pinakita niya ang kanyang ID at nagsalita. "Makahanap pa man kayo ng magaling na lawyer, hindi niyo makakaila ang matibay na ebidensiya na hawak namin sa iyong alaga. Mas mainam na mag surrender nalang kayo at hayaan niyong mapag isip isip ng aktres ang kanyang mga ginagawa simula noon hanggang ngayon." Matapos magsalita ni Noah ay agad na siyang umalis papalayo. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin ngayon, hahanapin kita!" rinig niyang sigaw ng aktres ngunit binalewala niya lamang ito at saka itinago ang camera at sinuot na ang helmet. Agad na niyang pinaharurot ang kanyang motor at umalis na sa lugar. Dumating na si Noah sa kanilang condo unit at agad na umupo sa swivel chair at sinearch ang tungkol sa Dark Devils. Isa pala itong malaking organisasyon na nilalaman ng apat na mafia groups. Isa rito sa Pilipinas at tatlo sa ibang bansa. Kung si Michael Brown ay isa lamang General, sino naman kaya ang Mafia Boss sa grupo na kinabibilangan ni Michael Brown? Agad namang tumunog ang phone ni Noah at nakita niyang nagsend ng video sa messenger si Damian, isa sa mga kakilala na mapagkakatiwalaan niya. [Master, may babaeng pabalik balik at sinisilip ang loob ng bahay mo, kilala mo ba siya?] tanong ni Damian sa chat matapos niyang i send ang video. Agad namang binuksan ni Noah ang vid at nanlaki at nagulat itong makita si Lia na nakaupo at naglakakad sa harap ng pintuan ng kanyang bahay. "Ano na naman ba ang nasa isip ng babaeng 'to?" tanong niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD