Napabuntong hininga si Lia habang naka upo at nakasandal ang kanyang likod sa sandalan ng kinauupuan niya.
"Buong araw akong nandoon sa bahay nila, walang paramdam? Hindi kaya aware siya na nandoon ako kaya umuwi siya na wala ako?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
Bigla naman siyang napatingin sa kanyang phone nang tumawag ang kanyang boss. Agad niya namang sinagot ito. "Boss Klint, why? Napatawag ka ata?" Natahimik muna ito saglit bago magsalita.
"I have a small mission for you. Nakatanggap kasi ako ng balita from our head leader sa Dark Devils and sinasabi na may mga authorities na iniimbestigahan ang nangyayari na ginagawa ni General Brown. Help them get out kasama ang luggage nila. It's okay if yung treasure matira as long as they can get out there alive."
Naintindihan naman kaagad ni Lia kung ano ang treasure na sinasabi ng kanyang boss. "Hmm, alright. Ako ang bahala. Ako lang ba mag-isa?"
"Yes, may ibang misyon akong binigay sa iba. I know naman na mas gusto mong gawin ang mga misyon mo ng mag-isa at walang kasama. You can do it. Also, huwag kalimutang ibigay sa akin mga reports mo regarding about Peligro."
Napabuntong hininga si Lia ng mahina at sumagot. "Yes, sir."
"Good, and also—" tumigil sa pagsasalita ang kanyang boss dahilan para kumunot ang kanyang noo. "Don't forget to take a rest. Mahalaga sa grupo kaya dapat lang na alagaan mo ang kalusugan mo." Agad namang binaba ng boss niya ang tawag.
Tinignan niya ang kanyang phone habang naka kunot pa rin ang kanyang noo. "Ang weird ni Boss these past few weeks. Ano kaya nakain nito at ganito magsalita sa akin to ngayon? Madalas naman ang sungit ng asungot na to," bulong niya.
Iniling iling niya nalang ang kanyang ulo at inihanda ang mga bagay na dadalhin niya para sa kanyang isang misyon. Madali lang naman para sa kanya ito dahil aalalayan niya lang ang General para sa paga-alis. Pero, pinagtataka niya bakit naman kaya kailangan pa siya para sa misyong ito? Kung kaya naman ito ng mga ibang mga tauhan ng Dark Phantom?
"De bali na nga. Napaka basic ng misyon, sa akin pa ibibigay."
Kinaumagahan ay nakasakay na si Lia sa eroplano. Suot niya ang kanyang salamin para matago ang kanyang pagkakilanlan. Nakalugay lamang ang kanyang buhok at nakasuot siya ng ternong damit na kulay itim at puti.
Nang makababa na siya ay kaagad siyang naglakad at hinanap ang taong magsusundo sa kanya papunta sa lugar kung nasaan nagtatago si Michael Brown. Habang naglalakad siya ay napansin naman niyang may nagmamasid sa paligid.
Tinignan niya ito at halatang nakatingin sa lalaking nakahawak ng sign, code nila para malaman na sila ang kakampi nila. Kaagad na kinuha ni Lia ang kanyang phone saka naglakad papunta sa lalaki. Hindi niya pinansin ang lalaki na dapat susundo sa kanya pero bago pa man siya tuluyang makalagpas ay sinenyasan na niya ang lalaki na may nagmamasid sa kanila.
Kaagad niyang naintindihan ang kung anong sinasabi ni Lia kaya agad siyang kumilos. Napagdesisyunan nilang magkita sa isang lugar, sinend ng lalaki ang kanilang lugar kay Lia para ma track niya kung saan sila tatagpuin.
Nang mapansin ni Lia na sumusunod sa lalaki ang kanina pa nagmamasid ay sinundan niya rin ito. Naka high heels si Lia pero nakakaya niya pa ring tumakbo ng napaka bilis. Napansin ito ng nagmamasid na sinusundan siya kaya nagtaka siya at naghanda ng pwedeng pang atake niya.
Ngumisi si Lia at huminto. "Ang galing din talaga ng gobyerno, ano? Bakit ba napaka epal niyo e nag nenegosyo lang naman kami rito? Mas mainam na lumabas ka nalang at huwag mong balaking sundan ang lalaking iyon."
Walang magawa ang nagmamasid kaya agad siyang umalis sa kanyang pinagtataguan at nagpakita. Gaya niya ay nakasuot din ito ng mask at saka sunglasses upang matakpan ang kanyang pagmumukha.
"At anong balak mo?" Agad namang na familiarize ni Lia ang kanyang boses kaya napatawa siya.
"Akalain mo nga naman, nakatadhana talaga tayo, ano? Kahit pa na itago mo ang mukha mo Poging Detective hindi ka pa rin makakatakas sa hearing skills ko. Kabisadong kabisado ko kaya ang boses mo kahit baguhin mo pa yan."
Kinuyom ni Noah ang kanyang kamay sa inis. Tinanggal nalang niya ang kanyang sunglasses at mariin na tumingin kay Lia. "Bold as ever, Aki?"
"Aki? Tandang tanda mo pa rin pala ang nickname ko nang una tayong magkita, ano? Yung panahon na nauto kita? Sayang lang dahil isang araw lang yun at nalaman mo kaagad kung ano ang pakay ko. Galing mo talaga, Detective Noah Schnyder."
Noah scoffed at inihanda ang kanyang baril. "Tunay nga na mahirap magtago sayo, Aki. Pero, hindi lahat ng nalalaman mo tungkol sa akin ay lahat ng iyon purong totoo. Marami ka pang pagdadaanan para mas makilala mo ako."
Agad na tinutok nila ang kanilang mga baril sa isa't isa. Nagulat naman si Noah dahil paano niya nadala ang baril sa eroplano na hindi nakukumpiska. Pinatunog ni Lia ang kanyang leeg saka ngumising nakatingin sa kanya.
"Kaya nga interesado ako sayo e, lahat gusto kong malaman tungkol sayo kaso mukhang tago talaga ng gobyerno ang identity mo na kahit sa internet wala akong makita."
"Dapat lang." At nagsimula na nga silang nag barilan at nagtatago para hindi sila matamaan ng bala. Nasa isang lugar sila kung saan wala masyadong tao at malaya silang magpaputok.
Sadya ito ni Noah dahil alam niyang sinusundan siya ni Lia noong hinabol niya ang lalaki. Isa pa, hindi na niya magawang habulin at hulihin pa ito dahil nakita niya kung gaano karami ang kasama ng lalaking iyon. Pap*tayin niya lamang ang kanyang sarili kung ipagpapatuloy niya pa.
"Ano na, Detective? Bakit parang nanghihina ka ngayon? Ganyan ba kapag nagbakasyon ng dalawang buwan sa hospital?" Pang aasar ni Lia sa kanya dahilan para mairita siya.
Nagkakilala si Lia at Noah sa isang misyon, si Lia ay naging kasintahan ni Noah sa loob ng isang buwan. At dahil sa kapusukan ng kanyang damdamin ay nauto siya ni Lia. Nagawa siyang mabaril sa kanyang tagiliran dahilan ng kanyang pananatili sa hospital upang magpagaling.
Ngumisi siya at tumawa. "Kahit kailan talaga, magaling ka pa rin sa lahat," sambit niya at pumutok upang tamaan ang braso ni Lia at nagwagi nga siya.