Chapter 6

1027 Words
Sumunod din ng putok si Lia upang tamaan si Noah sa kanyang paa pero hindi siya nagwagi. At dahil nagkaroon ng tama ang kanyang braso ay kaagad siyang nagtago sa kung saan upang protektahan ang kanyang sarili sa pinapaulang bala ni Noah sa kanya. "Kainis, kaya pala ako pinadala rito. Naandito na naman tong Detective na to," bulong niya sa kanyang sarili at saka naghanap ng paraan na makatakas kay Noah. Habang nag iisip siya ng paraan ay napansin niyang biglang huminto ang pagputok. Pinag igihan niya ang kanyang pandinig at napansin ang yapak ni Noah na palapit ito sa kanya. Nagdahan-dahan siyang gumapang para lumayo kay Noah pero sa isang iglap bigla siyang nakita ni Noah kaya agad niyang pinutukan. "Try to escape, huh?" Lia gritted her teeth saka sinira naman ang kanyang damit para patigilin ang pagdurugo ng kanyang braso. "Kapag hindi ka maka alis dito, Lia, p*tay ka," sambit niya sa kanyang sarili hanggang sa natapos na niyang takpan ang kanyang sugat ng kanyang damit. "Wala akong panahon para makipag laban sa kanya. Iba ang misyon ko," bulong niyang muli. Nag iisip pa rin siya hanggang ngayon kung ano ang pwede niyang gawin upang makatakas pero wala na talaga siyang maisip pa. "Ayaw mo talaga akong iwanan, Noah?" pang aasar niya at sinisikap na kuhanin ang atensyon niya. "Trying to do something again?" Ngumisi si Lia at kaagad na tumayo saka niya pinaulanan ng bala si Noah na agad rin naman niyang nailagan. Pagkatapos makita ni Lia na nagtago si Noah ay tumakbo siya ng mabilis papalayo sa pwesto nila. "D*mn, she's getting away," Noah cursed at hinabol si Lia sa kung nasaan man siya. Naramdaman ni Lia ang yapak ni Noah habang tumatakbo. Mabuti na lamang at may mga tao kaya ngumisi siya at doon sumuksok para makatakas. "I know Noah, hindi niya gagamitin ang kanyang b*aril kapag maraming tao," ngitin sambit niya at saka tumalon sa malaking harang na nasa harapan niya at patuloy lamang sa pagtakbo papunta sa lokasyon ng mga tauhan nu Michael Brown. Noah clicks his tongue at padabog na umalis sa lugar. "May araw ka rin talaga sa akin, Aki," sambit niya saka tinago ang kanyang b*ril sa kanyang likuran. Kahit pa naging sila ng isang buwan, hindi pa rin alam ni Noah ang totoong pagkatao ni Lia. Kung ang impormasyon niya ay sobrang tago rin, ganoon din si Lia. Lalo na at kilala niya lamang ito bilang Aki, hindi sa pangalang Lia. Hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang totoong mukha nito dahil sa galing ni Lia na baguhin ang kanyang mukha gamit ang make ups. Nasa loob na ng sasakyan si Lia at ginagamot na niya ang kanyang sarili. Nag volunteer man ang ilang mga kalalakihan ay hindi niya pinahihintulutan ang mga ito. Wala siyang tiwala sa kahit sino maliban lamang sa kanyang sarili. Nag aral naman siya about sa medical at konting opera kaya madali nalang ito sa kanya. Nang makarating sila sa kung saan nagtatago si Michael Brown ay kaagad silang pumasok sa loob ng isang bahay. Nang masilayan ni Michael Brown si Lia ay galit na galit at balak pa sana niyang saktan pero nagawang depensahan ito ni Lia. "Kahit ikaw pa ang General ay wala akong paki alam. Tandaan mo, mataas man ang posisyon mo, mas malakas pa rin ako sayo. Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa labas kaya manahimik ka kundi ako mismo ang bibigay sa Detective ang lokasyon mo." Walang magawa si Michael Brown kundi ang mainis lang at bumalik sa kanyang kina uupuan. "Napakabagal mo, late na ako sa flight ko, anong gagawin natin ngayon? Ha!?" Tinaasan ni Lia si Brown ng kanyang kilay saka siya umupo at inayos ang pagkatali sa kanyang buhok. "Not my fault, General Brown. Kagabi lang sinabi sa akin at sinabihan ako na umaga ako pupunta. That is what the head told us." Naka krus ang kanyang mga paa at ganoon din ang kanyang mga braso habang nakatingin kay General Brown. . "General, naghanda muli anv headquarter ng pivate chopper para sayo. Kailangan bago mag alas tres ng hapon ay nandoon na tayo para maka alis na kaagad pagdating ng magsusundo." Kaagad na napatayo sa tuwa si General Brown ay tinapik ang braso ng kanyang tauhan na mula sa headquarters. "Maasahan ko talaga kayo, magpapahinga nalang muna ako." At agad na nga siyang umalis na hindi man lang pinansin si Lia. "Mga Heneral nga naman. Porket may posisyon sa headquarter akala mo kung sino. Kaya lang naman nandiyan siya sa posisyon na yan dahil ka relatives niya ang head," inis na bulong ni Lia sa kanyang sarili at tumungo sa labas para magpahangin. Iniisip niya ang nangyari sa kanila ni Noah kanina at bumuntong hininga. "Kaya naman pala wala siya sa bahay niya kasi naandito pala siya at binabantayan ang galawa ni General Brown," bulong niya saka iniisip ang mukha nito habang nagbakbakan silang dalawa. "Kung hindi ka lang talaga Detective baka talagang nagkaroon na ako ng gusto sayo, Detective Noah." Dumating na ang hapon at naghanda na sila ng kanilanh departure papunta sa kung saan sila mag aabang ng private jet nila. Inihanda na ni Lia ang kanyang mask na takip lamang ang kanyang bibig maging ang kanyang mga b*ril at marami pang bala. Panigurado ay naka abang at nakapag handa muli ang grupo ni Noah kaya kailangan na rin nila maging handa. "Paalala! Ang inyong misyon ay protektahan si General Brown at ako na kanang kamay niya. Ang mag l-lead ng grupo ay si Ms. Code X." Tumango ang lahat bilang pagsang ayon nang magsalita ang kanang kamay ni General Brown. Ang code name ni Lia sa headquarters ay Code X, isa siyang kilalang tao doon at mahusay na miyembro. Binigyan man siya ng magandang posisyon sa headquarters pero tinanggihan niya ito lalo na at wala siyang balak na mapabilang sa mga utusan ng Mafia Lord. Kinasa na ni Lia ang kanyang b*ril at mariin na tumingin dito. "Kung pwede nga lang hayaan ko na kayong m*m*tay lahat." Ngumisi naman siya at saka inilagay niya ang baril sa kanyang safety na lalagyan. "We will meet again, Poging Detective."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD