Chapter 7

1095 Words
Tinapon ni Noah ang kanyang gloves dahil sa nangyari sa kanila ni Lia kanina. Umuwi siya ng condo at naghanap ng iba pang mga armas. Tinawagan niya rin ang aking General na magbigay ng backup sa kanila. Sunod nito ay tinawagan niya si Frostal. "Where are you?" tanong niya sa kabilang linya habang inaayos ang kanyang armas na gagamitin para mamaya. "May sinusundan ako, nahanap mo na yung lokasyon ni Brown?" "Yeah, na track ko ang location nila. Thanks to that girl. Hindi niya ata alam na yung bala na tinama ko sa kanya kanina ay may tracking device. Call for backup, I need you now, Frostal." Namula naman ang pisngi ni Frostal nang sabihin iyon ni Noah pero agad ding naging seryoso. "Alright, tell me where you are. Send me your location." "Noted." Nang matapos ang kanilang usapan ay binaba na ni Noah ang kanyang telepono at nag focus sa mga armas na meron sila sa condo. "No one will come out alive in my watch. I'll k*ll you, Brown. I will take back all the lives na kinuha mo sa mga taong pin*tay niyo." Inilagay na niya ang kanyang mga armas patago sa kanyang katawan. Dire-diretso kaagad siya na lumabas sa kanilang unit, saktong pagdating niya sa ground floor ay nakita niya si Frostal. "Dito na ako dumiretso, nakita ko na hindi gumagalaw yung location mo." Tumango si Noah at saka sumakay sa motor ni Frostal. "Papunta na ang back up. Sinend ko na rin sa kanila ang location na sinabi mo," dagdag niyang tugon. "Good." Tinignan ni Noah mula sa kanyang phone ang location nila Lia at nakita niyang nagsimula na pala sila gumalaw. Mukhang isang oras lang sila nagpahinga bago umalis muli. "Faster, Frostal." Pinaharurot na ni Frostal ang kanyang motor kaya napahigpit na ng hawak si Noah sa kanyang likuran upang hindi siya malaglag. Mariin siyang tumingin sa kawalan at nag-isip na kaagad ng mga taktika na pwede niyang gamitin mamaya kapag makaharap niyang muli si Lia. Sa kabilang banda, nasa isang sasakyan si Lia at kasama niya sa iisang sasakyan si Brown. Tawa pa ito nang tawa na akala mo ay hindi nanganganib ang kanyang buhay. Umiinom pa na para bang walang humahabol sa kanya. 'Masyadong umaasa sa akin,' saad ni Lia sa kanyang isipan habang tinitignan si Brown na umiinom kasama ang mga tauhan nito. Tumingin siya sa bintana at napapadaing dahil nakakaramdam pa rin siya ng hapdi sa kanyang braso. Hindi pa naman talaga ito talagang maayos na dahil kulang sa gamit ang mga tauhan ni Brown para maayos ng tuluyan ang kanyang braso. Inalis niya lang ang bala at saka ginawa ang first aid. "Sana matapos na to, tamad na tamad na ako rito," bulong niya. Habang nakatitig siya sa kawalan ay may napansin siyang something sa kanilang tabi. Doon nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah kasama ang isang magandang babae na nagmamaneho. Tinutok ni Noah ang kanyang b*ril saka pumutok. "Yuko!" Agad na sinunod ng mga tao sa loob ng sasakyan at prinotektahan si Brown at saka ang kanyang kanang kamay nito. Napansin naman ni Lia na parang may kakaiba sa kotse kaya chineck niya ang driver at nakita itong p*tay na. Agad siyang pumunta sa driver's seat at tinabig ang katawan nito sa kabilang upuan. "Cover General Brown! Ako ang magmamaneho, p*tay ang driver!" sigaw niya at sinimulang humarurot pero sunod-sunod din ang pagputok ng mga taong nasa labas. May mga helicopter pa na binabantayan ang kanilang kilos kaya labis nalang ang inis ni Lia. Nagbusina siya sa mga sasakyan na nasa harapan nila, mabuti na lamang at walang traffic kaya malaya siyang magpaharurot. Agad namang nakahanap ng lusot si Lia sa helicopter kaya nawala sila sa paningin ng mga sundalo ngunit, nakasunod pa rin sina Frostal at Noah sa kanila. "Bwi*set talaga yang Detective na yan!" singhal niya at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho. Nang makarating sila sa kanilang destinasyon ay agad na umalis sila sasakyan at pumunta sila sa kung saang lokasyon ang sinabi ng headquarter na hihinto ang chopper. Kaagad namang kin*sa ni Lia ang kanyang b*ril saka nagsimulang magpaputok at nadaplisan niya ng bala ang kamay ni Noah. "Kayo na ang mag cover kay General, ako na ang bahala rito." Kaagad na sumunod ang mga tauhan at prinotektahan nila ang kanilang General. Sigurado naman siya na hindi kaagad agad na makakapunta ang backup ni Noah dahil nakalayo na sila. Konting minuto nalang din at makakarating na ang chopper na magsusundo kay Brown. Kinasam niyang muli ang kanyang b*aril at nalaglag dito ang balang wala ng laman. "Paano mo nalaman na dito kami?" tanong ni Lia pero wala siyang narinig na sagot. Tahimik ang paligid at halatang nagtatago lamang ang dalawa. Nakiramdam siya sa paligid at kung saan saan tinutok ang kanyang b*ril hanggang sa naramdaman niyang may tumakbo para tumakas at sundan sina Brown. Kaagad niyang pinaputukan iyon pero kaagad ding nagpaputok si Noah. Mabuti na lamang ay naka ilag siya ngunit, ang inaakala niyang siya ang tinira ni Noah ay hindi pala. Ayun ay ang kanyang armas. Nalaglag ito at saktong paglabas ni Noah habang nakatutok ang kanyang armas sa kanya. Ngumisi si Lia habang nakataas ang kanyang mga kamay. "What now, hmm? You don't have any weapon anymore, Aki." She scoffed a laugh and looks at Noah. "So? Tingin mo ba mapapatay mo rin ako diyan? Try me, Noah." He gritte his teeth at saka nagpaulan ng bala sa kanya pero nagagawa pa ring umilag ni Lia sa kanya hanggang sa nakarating siya sa likuran ni Noah mula sa pagtalon niya ng napakataas. Kaagad na binigyan ni Lia ng malakas na sapak sa kanyang likuran na hindi nakailag ang binata. Humarap si Noah saka balak na putukan ito ng bala pero agad na sinipa ni Lia ang kanyang baril kaya parehas na silang mga walang armas. "Hmm, mukhang bagong gf mo ata ang umalis at sumunod kay General Brown?" Umatras ng kaunti si Noah sa kanya. "Tingin mo ba makakatakas kayo sa amin?" Ngumisi si Lia at nagsalita. "I don't know, maybe?" Agad siyang umatake at ganoon din ang pagdepensa ni Noah sa kanyang pag atake. Salitan ang dalawa dahil halos parehas lang naman silang malalakas pero hindi inaasahan ni Noah ang gagawin ni Lia sa kanya. Kaagad na kinuha ni Lia ang kanyang damit at hinila siya palapit sa kanya. She kisses his lips passionately causing his eyes to widen pero agad ding sinipa ang kanyang tagiliran kaya napa atras ang dalawa sa isa't isa. "Does my lips still taste like chocolate, baby?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD