Noah scoffed a laugh and looks at her. Pinunasan niya ang kanyang labi kung nasaan hinalikan ni Lia ito. "Dang, clever as ever."
Sakto naman ang pagdating ng chopper kasabay nito ang grupo ni Noah. Tumingin silang dalawa sa himpapawid nang magsimula ang labanan sa taas. Kaagad na yumuko si Lia at pumunta sa kung nasaan ang kanyang b*ril at tumakbo papunta sa kung nasaan si General Brown.
Nakita ito ni Noah kaya ganoon din ang kanyang ginawa saka hinabol sa kung nasaan man tumakbo si Lia. Nakita niya itong pinagtatakpan si General Brown mula sa mga bala na nilalabas ni Frostal mula sa kanila. Tinutok niya rin ang kanyang b*ril at saktong-sakto ito sa ulo ni General Brown.
Bago pa man niya ito inilabas ay nakita niya na biglang lumingon si Lia sa kanya saka nagpaputok na kaagad niya ring sinalubong kaya nagsalpukan ang dalawang bala. Mariin at masama ang mga titig ni Lia sa kanya.
"As long as I am here, no mission will be failed, Detective Noah," seryosong saad niya. Kahit malayo sila sa isa't isa ay narinig ito ni Noah ng mabuti at napatulala ito sa kung paano inasikaso ni Lia si General Brown papunta sa chopper na magsusundo sa kanila hanggang sila ay maka alis na.
Hindi makagalaw si Noah. Para bang mga titig kanina ni Lia ay kakaiba at parang nang uutos ito sa kanya na huwag na balaking kumilos pa kung ayaw niyang mawalan ng hininga. Iyon ang unang beses na nakita niya ang mga titig na iyon mula sa kanya sa napakahabang panaho na palagi silang nag aaway at naglalaban.
Nakita ito ni Frostal at hindi siya makapaniwala na hinayaan lang ni Noah ang dalaga na gawin ang gusto niyang gawin. Napakuyom siya ng kanyang mga kamao habang nakatingin sa kanya pero agad ding bumuntong hininga at nilaglag ang magazine na walang laman saka niya pintutok upang tignan kung clear na ang b*ril.
Nasa headquarters na sila ngayon at kaagad na ibinalita nila ang kung ano ang nangyari. General Torres slammed the door sa galit, malaking asset na sana si Michael Brown upang malaman na nila kung anong klaseng grupo ang meron konektado si Michael Brown. Laganap kasi ang iba't ibang mga illegal na gawain.
Bumuntong hininga si General Torres saka napasinghap habang nakatitig sa kawalan. "So, what are we gonna report to our head?" Napatitig din sa kawalan si Noah at hindi alam kung ano ang sasabihin habang si Frostal at nakatingin lamang sa kanya.
Hindi niya sinabi kung ano ang nakita niya, sa kung ano ang ginawa ni Noah nung araw na iyon. Naging maganda naman anv nangyari dahil simula nung pagkawala ni Michael Brown sa Visayas ay nabawasan na ang crime rates matapos ang dalawang araw.
"I'll try to gain some information regarding the Dark Devils, sir. Let me handle the case." Napatingin sa kanya si General Torres.
"Make sure of it, Noah Schnyder. Huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin mo. We all know na naging ex mo si Aki, right? Aka code X." Napakuyom siya ng kanyang kamao dahil sinisisi niya ang sarili niya sa kapalpakan ng nangyari sa misyon nila.
"Yes, sir."
"Good, regarding about Dark Devils nakakuha kami ng impormasyon from Ms. Marian Montella. Sa isang actress, ito, magagamit mo ito. Panigurado ang kanilang main base ay wala rito kundi nasa ibang bansa. Hindi ka pa pwede basta-bastang pumunta sa main base nila, kailangan mo pang paghandaan iyon, Noah."
Tumango si Noah at kinuha ang mga papel na binigay ni General Torres sa kanya. Matapos nun ay agaran na siyang umalis hawak hawak ang mga papel para bumalik sa kanyang tahanan.
Akmang kakausapin pa muna sana siya ni Frostal pero dahil sa nagmamadali siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na makausap ang binata.
Mang makarating siya sa kanyang bahay ay agad na dumapa si Noah sa kanyang kama at inisip ang nangyari sa kanya makaraan ang dalawang araw. Hindi niya alam pero bigla nalang siyang napahinto o napatigil sa pagkilos matapos niyang makita si Lia na masamang tumingin sa kanya.
"What the fvck," usal niya saka tumungo sa kanyang shower room para maligo upang makapag simula na sa kanyang mga gawain.
Nagluto muna siya ng makakain at pagkatapos ng lahat nv dapat niyang gawin ay kaagad siyang umupo sa kanyang swiverl chair ay humarap sa computer. Una niyang tinignan ang lahat ng impormasyon na binigay ng Heneral nila sa kanya at namangha siya dahil halos lahat ng impormasyon tungkol dito ay nakalap kaagad nila.
Mayroon pala itong apat na Mafia groups at lahat sila ay pinamumunuan ng nag iisang Mafia Boss. Kaso ang identity nito ay patago pati na rin ang mga board of directors, tanging mga pangalan lang ng Mafia group pati ang mga General ang kasapi nito.
Ngunit, sa isang organization na ito na tinatawag na Dark Devils ay may sarili rin silang mga tauhan. May matatalino at magagaling, halatang ang mga tauhan nila ay well trained simula bata palang. Suspicious ito para kay Noah, marahil ang ilan sa mga kabataan na kidnapped few years ago ay tini train nila upang maging tauhan nila.
"Gotte need to have some conversation with Miss Marian," bulong niya sa kanyang sarili. "But not now, kailangan ko munang alamin ang grupong Dark Phantom. Ang Mafia group na nakadestino rito sa bansa at ang binabantayan ni Michael Brown," dagdag pa nito.
Kinaumagahan ay nagising ng maaga si Noah. Naka boxer lang siya nang biglang may kumatok. Dahil kagigising niya lang ay nawala na sa isip niya ang mag damit pa.
Agad niyang binuksan ang pintuan at nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang makita ang babaeng nang sstalk sa kanyang habang nag j-jogging siya. "I-ikaw!?"
Napasigaw naman si Lia at sinampal ang mukha ni Noah dahilan para mamula ang kanyang pisngi at natumba. Tila ba na starstruck siya sa sampal na ginawad ni Lia sa kanya. "Ano ba! Pwede ba magdamit ka nalang, naka boxer ka pa talaga!?"
"The fvck? Ako pa talaga? E ikaw tong ang aga aga kumakatok na sa bahay ko, pandak!"