"Kapal ng asungot na to! Kaya pala natagpuan niya kami nung nakaraang araw kasi may tracking device tong braso ko! Kung hindi pa ako umuwi, hindi ko pa malalaman! Kaya pala ang sakit ng braso ko lagi kasi may metal na naka stuck sa braso ko!" bulyaw ni Lia sa kanyang sarili at saka inayos ang kanyang sugat pagka uwi niya sa kanyang tahanan.
Bumuntong hininga siya at piniling magpahinga. Nais niya mang puntahan kaagad si Noah upang i check ang kanyang phone kung hanggang ngayon ay na t-track pa rin siya pero hindi niya pa kaya. Sobrang sakit pa ng kanyang braso at baka kapag magpakita kaagad siya ay mahalata ni Noah na siya at ang Aki na kilala niya ay iisa lang.
Makaraan ang ilang araw, medyo gumaling na ang kanyang sugat kaya kaagad na nag ayos si Lia. Hindi lang naman ito para i check kung nasa kanya pa rin ang lokasyon niya kundi kasama ito sa kanyang misyon. Si Peligro.
Naniniwala si Lia na si Peligro at si Detective Noah ay iisa lamang lalo na at nasa iisang date lang ang nangyaring nakaraan ng dalawa. Bukod doon, wala na siyang ibang maging ebidensiya pa. Kung sakali mang hindi si Noah si Peligro, pwede pa rin siyang maging isa sa mga taong magiging konektado kay Peligro. Marahil, baka may hawak din siyang kaso tungkol sa isang Peligro.
Nang makapag ayos siya ay pinili niyang pumunta ng maaga dahil baka may balak na naman itong mag jogging sa umaga. Pagkarating niya ay kaagad siyang kumatok at napangiti naman si Lia nang buksan niya ito pero nanlaki nalang din ang kanyang mga mata nang makita niyang hubad si Noah at tanging boxer lang ang pantakip niya! Dahilan para makita ang umbok nito.
Namula si Lia saka siya sumigaw at sinampal si Noah dahilan ng pamumula ng kanyang pisngi at natumba ito. Dumaan pa ang ilang segundo bago niya na realized na natumba na siya ng isang ordinaryong babae.
"Ano ba! Pwede ba magdamit ka nalang, naka boxer ka pa talaga!?"
"The fvck? Ako pa talaga? E ikaw tong ang aga aga kumakatok na sa bahay ko, pandak!"
Nag away pa ng ilang beses ang dalawa hanggang sa ibigay ni Lia ang kanyang regalo sa lalaki. Isa itong morning meal na siyang dahilan ng pagtaas ng kilay ni Noah sa kanya. "Are you expecting me to take that and eat it?"
Hindi na binigay ni Lia ang morning meal na gawa niya saka niya ito tinapon sa basurahan. "Madali naman akong kausap e." Bumuntong hininga si Noah saka nag krus ng kanyang braso.
"What is your purpose for going here, Miss?"
"What? Gusto ko lang pumunta."
"You're too creepy." Agad siyang sinaradahan ni Noah pero agad din namang napigilan ni Lia iyon.
"Teka, saglit!" Tinignan ni Lia si Noah sa kanyang mga mata at ramdam niya kung gaano ito ka riin nang titigan siya.
"I'm busy, you are not allowed here, woman. Mas mainam pa na umuwi ka na sa nanay at tatay mo." At pinilit niyang sinara ang pinto kaya hindi na nakapasok si Lia.
Hindi siya makapaniwala na sinaradahan nalang siya ng ganun-ganun lang! "Kung wala lang akong kailangan sayo, hindi ako magpupumilit na pumunta sayo e!" mahina niyang bulong saka sinipa ang kanyang pinto. .
"Siraan mo pa." Napahakbang siya palayo at bumuntong hininga.
Tumingin siya sa kanyang kanang bahagi at nakita na may mauupuan doon kaya napagdesisyunan niyang umupo at maghintay hanggang sa makalabas siya. "Akala mo ba aalis ako? Hihintayin kita rito!"
Ang hindi niya alam ay binabantayan siya ni Noah sa kanyang camera sa labas. Naririnig niya ang bawat sinasabi ng dalaga. Umupo siya at naghintay ng dalawang oras pero naghihintay pa rin ang dalaga sa kanya.
"Ano bang kailangan ng babaeng ito sa akin?" tanong niya sa kanyang sarilu at tumayo. Tumungo siyang kusina at nakita na konti nalang pala ang stocks ng kanyang mga walking pantry. Kailangan na niyang mag grocery para sa isang buwan.
Naligo na siya at nagbihis saka niya kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Bago pa man niya buksan ang pintuan ay huminga muna siya ng malalim at lumabas na ng bahay. Agad siyang nakita ni Lia kaya agad na tumayo ang dalaga at lumapit sa kanya.
"Talagang ayaw mong tumigil?"
"Ayoko." Tinaasan lamang siya ni Lia ng kanyang kilay. Noah rolled his eyes at saka nagsimulang maglakad.
"Ano bang kailangan mo? Hindi ka naman ata pumunta dito dahil gusto mo ako at magpapansin lang sa akin?" Napatahimik si Lia at nag isip ng kung ano na pwede niyang magamit para hindi manghinala si Noah sa kanya.
"Wala na talaga, ayun lang. First time mo bang naranasan to?" Napatigil si Noah sa kanya. Tama naman siya na first time niyang naranasan iyon dahil kahit gusto man siya ng mga babae wala ni isang naglakas loob na kausapin siya dahil lahat sila natatakot sa presensiya niya.
"Isa lang masasabi ko sayo, wala kang pag-asa sa akin. Mas mainam na umuwi ka na sa inyo at maghanap ka nalang ng ibang lalaki na magugustuhan mo."
Akmang papasok na sana si Noah sa kanyang sasakyan pero agad hinawakan ni Lia ang kanyang mga paa. "Isama mo ako!" Nagulat si Noah sa kanyang ginawa at saka pinagsabihan siya.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako, hindi ka nga pwedeng sumama! Wala ka ngang pag-asa sa akin!"
"Hindi nga pwede yon!" Pilit na hawalan ni Lia ang kanyang mga paa habang nakapikit dahil ayaw niya talagang bitawan si Noah.
Hindi naman pwede na basta siyang susuko kaya kung hindi niya madala sa magandang usapan ay pipilitin niya ito! Kailangan niyang malaman kung nakuha niya ba ang lokasyon niya, ang kanyang bahay. Hindi lamang iyon, kung hindi niya makuha ang loob ni Noah ay mas lalo siyang mahihirapan sa kanyang misyon!
Umabot din sila ng ilang minuto kakasigaw at pilit na pagkapit ni Lia sa kanyang mga paa hanggang sa napagod na si Noah sa babae. "Tumayo ka na nga diyan! Ngayong araw lang pagbibigyan kita. Kapag may ginawa kang kalokohan, mananagot ka sa akin!"
Biglang tumalon ang puso ni Lia sa tuwa kaya kaagad siyang tumayo at ngumiti. "Salamat sir, Pogi!"
Nairita lang si Noah at saka pumasok sa sasakyan at saka niya pinapasok si Lia sa loob. 'Bw*set na babang to, mas malala pa sa mga sa paparazzi,' sambit niya sa kanyang sarili.