Chapter 10

1067 Words
Nasa isang malaking grocery store sina Noah and Lia. Papasok na dapat sila nang biglang nagsalita ang guard. "Sir, ingatan niyo po kapatid niyo. Baka kasi mawala, maliit pa naman." Hindi makahinga si kakatawa si Noah ng palihim habang si Lia naman ay nakikipag talo sa guard at pinapagalitan ito. Tinignan ni Noah si Lia na nagagalit sa guard at habang nakatingin siya rito ay nakaramdam siya ng pamilyar na feeling. Ewan din sa kanya pero parang komportable siyang makasama ang babae kaya hinayaan niya itong sumama sa kanya. Iniling iling niya ang kanyang ulo at nagsalita. "Wala kang dapat pagkatiwalaan, Noah. Lahat ay posibleng spy at manloloko," saad niya sa kanyang sarili at naglakad na para iwan si Lia. "Hoy! Iiwan mo naman agad ako e!" Hindi umimik si Noah sa halip ay kinuha lamang ang mga kailangan niya sa loob ng isang buwan. Tinignan siya ni Lia at halata sa mukha nito na seryoso siya. Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad at napansin ni Lia na parang hindi komportable si Noah sa kanya. Masama naman ang pakiramdam ng dalaga marahil dahil sa sobrang sakit ng sugat sa kanyang braso. Para siyang lalagnatin or kung ano pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad para samahan si Noah. Napansin ito ng binata na kakaiba ang kinikilos ni Lia na para bang naghahabol siya ng hininga. "Ayos ka lang ba?" Tumango lang si Lia sa kanyang tanong habang hawak hawak ang kanyang ulo. Nag-isip ng mabuti si Lia kung aalis na ba siya o ipagpapatuloy niya ito. Hindi naman kasi siya pwedeng umalis na wala siyang dala or walang napala. Panigurado kung aalis siya ngayon ay hindi na naman niya makakausap si Noah ng ilang araw. Pero kung ipagpapatuloy niya ito baka mas lalong lumala ang kanyang karamdaman. "Pasensiya na, mukhang kailangan ko atang umuwi." Ayan ang mga salitang binanggit ni Lia bago siya umalis sa tabi ni Noah na pagewang gewang. Napahinto siya at tumingin kay Lia. "Kung aalis ka, saan ka sasakay?" Hindi nagsalita si Lia at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa nilapitan niya at hinawakan ang kanyang leeg. Nahaplos ni Noah na mainit ito kaya nanlaki ang kanyang mga mata. "Mataas ang lagnat mo?" Muntikan pang mahimatay ang dalaga buti nalang naalalayan ni Noah ang kanyang pagbagsak. Binuhat niya ito at iniwan nalang ang cart sa tabi at pumunta palabas papunta sa kanyang sasakyan. "Where is your phone? Tatawagan ko ang pamilya mo para—" Hindi natuloy ang kung anong sasabihin ni Noah nang magsalita si Lia. "I don't have a family." Nanahimik siya dahil kagaya ni Lia ay wala rin siyang pamilya. Napagdesisyunan niya nalang na dalhin ang dalaga pabalik sa kanyang bahay pero bago iyon ay dumaan muna siya sa botika upang bilhan siya ng gamot. "Hey, ano bang pangalan mo? I want to know some of your information." "Secillia," tipid niyang sagot at tumango naman si Noah bilang tugon. Habang papunta sila sa bahay ay tinawagan niya ang kanyang kakilala upang asikasuhin si Lia sa kanyang bahay. Sakto naman ang pagdating nila at ang pagdating ng babaeng naka big bike at suot pa nito ang kanyang helmet. "Rosanna, please take care of her." "Gosh, ngayon lang ata kita nakita na may dinalang babae sa loob ng bahay mo, Noah? Anong meron? Pinsan mo ba siya or something?" tanong ng babaeng kakababa lang sa kanyang big bike. "Don't ask too much questions, she need your help now." Tinignan ng babae si Lia na dala dala ni Noah habang hapong hapo. Hirap na hirap siyang huminga dahil sa tindi ng kanyang lagnat. Kaagad na pinasok ni Noah si Lia sa kanyang kwarto at doon siya inalagaan ni Rosana. Naramdaman ni Lia na may kakaibang kamay ang humawak sa kanya kaagad niya itong sinampal dahilan para masaktan si Rosana. "Move, don't touch me." Nakita ito ni Noah kaya nanibago siya. Parang hindi siya ang babaeng nakilala niya kanina. Kakaiba ang kanyang kinikilos lalo na nung dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kaagad na bumangon si Lia habang hawak hawak ang kanyang braso kung saan may sugat. Hula niya, ang metal na nakasabit sa kanyang braso ng ilang oras ay may something na inilagay kaya ganito siya nanghihina. Kung mag sstay pa siya ng matagal dito baka mahalata ni Noah ang lahat at hindi niya hahayaang mangyari yun. "Stop walking, Secillia. Mataas ang lagnat mo ni hindi ka nga maka hakbang balak mo pang umuwi?" tanong ni Noah sa kanya pero hindi nakinig si Lia. Naglakad siya papunta sa cr ni Noah at ang dalawa ay nakatitig sa kanya hanggang sa sinara niya ang pintuan. "Baka natat*e lang siya?" tanong ni Rosanna. Bumuntong hininga si Noah at lumapit sa comfort room saka kumatok. "Lumabas ka na diyan Secillia kung wala kang gagawin." Hindi umimik si Lia bagkus ay tinanggal niya ang nakatakip sa kanyang sugat at nakitang nagdudugo ito. Sobrang hapdi na hindi niya matiis ang sakit. "Lia!" sigaw ni Noah. Ayaw pa rin paawat ni Lia at binasa ang kanyang sugat upang linisin ang dugo sa kanyang braso. Mas lalo lang tuloy humahapdi, hindi niya alam kung ano ang pwede niya pang gawin dahil hindi naman niya alam kung ano ang nailagay sa metal device na iyon sa kanyang braso. "Fvck, Lia. Dapat talaga hindi ka na pumunta. Delikado ka ngayon, masyado pa namang observant yang detective na yan," usal niya sa kanyang sarili habang namimilipit pa rin siya sa kanyang sigat at hingal na hingal. Nakita naman ni Rosanna na hindi pa rin lumalabas si Lia kaya naglakas loob siyang kausapin ito. "Ako ang gagamot sa’yo, Miss. Wala naman akong gagawinh masama sa’yo, huwag kang mag alala tayong dalawa lang. Hindi natin kasama ang asungot dito, okay? Napansin ko kanina ang pamamaga ng braso mo, kung hindi mo ipapagamot posibleng magka inpeksyon yan at maputol ang braso mo." Narinig iyon ni Lia kaya napa isip siya. Hindi man siya makakasiguro kung mapagkakatiwalaan niya ang mga salita niya pero mas mainam na kesa sa mag take risk siya na umuwi at siya na naman ang gagamot sa kanyang sarili. Kahit hinang-hina ay pilit niyang binuksan ang pintuan. Nakita niya si Rosanna na ngumiti at tinulungan siyang makatayo. Tinignan niya si Noah na seryosong nakatingin sa kanya at maya-maya ay umalis sa harapan nila. "Please, heal me," bulong niya kay Rosanna dahilan ng pag ngiti ng dalaga sa kanya. "At your service, Miss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD