bc

Not Your Barbie Girl

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
kickass heroine
heir/heiress
drama
twisted
bxg
realistic earth
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Isang independent at malakas na babae si Rochelle kahit na siya ay isang babaeng nabubuhay lamang sa lansangan. Kaya naman nang matutunan niyang magmahal kasabay ang mabigo sa pag-ibig ay pinangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niyang mas matibay ang nasira niyang pagkatao noon habang ginagawa niya ang balak na paghihiganti sa taong nagwasak ng kaniyang pagkatao. Isang bagong version ang nais niyang ipakita at patunayan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging isa siyang babasaging pinggan.

chap-preview
Free preview
NYBG 1
ROCHELLE Nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang kumakain ng pandesal at pinagmamasdan ang dumadaan na mga sasakyan. Nakangiti ako habang iniisip kung paano ako makakahanap ng makakain para mamayang hapon. Sa panahon kasi ngayon, wala na mas'yadong nagbibigay ng limos para sa mga katulad ko. Iniisip kasi ng mga tao ay kasama ako sa mga sindikato. Tsk. Suot ang isang maduming bestida ay tumayo ako at naglakad-lakad sa paligid ng isang park. Maghanap kaya ko ng isang trabaho na maaari kong pagkakitaan? Napailing ako ng ulo dahil sa naisip. Sa panahon din ngayon, mas'yadong delikado para sa akin ang magtiwala pa sa ibang tao. Mamaya ay kung saang lupalop pa ko dalhin ng magiging amo ko. Sa ganda kong 'to! Napahagikgik ako ng tawa ng dahil sa naisip. Kahit kumukulo pa rin ang aking tiyan dahil sa gutom ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tumawa. Marahil ay sanay na talaga ko sa araw-araw kong pamumuhay. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko bago napagpasiyahan na lumipat ng puwesto. Nagbabakasali na may taong magbigay ng limos sa akin. Nakagat ko ang aking labi nang makakita ako ng isang grupo ng mga lalake na katulad ko ring nanlilimos. Kung minamalas nga naman ako. Sa dami na p'wede kong puntahan ay may makakasalubong pa kong mga unggoy. Tsk. Napasimangot ako nang makita ang paglingon nila sa direksiyon ko. Ang iba sa kanila ay nagbigay ng isang nakakainis na ngiti sa direksiyon ko at ang iba naman ay pinasadahan lang ako ng ngiti. Isa na sa mga nagbigay ng ngiti ang kanilang leader sa grupo na si Zhask. "Ey, anong ginagawa nang isang lalake rito sa puder namin?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa tanong niya. "Pre, anong lalake? Babae kaya 'yan." Tinuro pa ko ng katabi niya at saka tumawa. Nagkunwaring nagulat si Zhask sa sinabi ng kaniyang katabi at saka tinuro rin ang direksiyon ko. "Talaga ba? Akala ko kasi lalake. Wala kasi akong kilala na babaeng katulad niya." Mas lalo pang lumakas ang tawa sa paligid dahil sa pagsasabay-sabay nila sa pagtawa. Bumuntong hininga ako ng malalim at saka kinuyom ang aking dalawang kamao. Hindi ko alam kung makakapagtimpi pa ko sa mga unggoy na 'to. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Med'yo masuwerte ako dahil walang tao na naglalakad. Isang metro ang layo ko sa kanila kaya makakabuwelo pa ko sa gagawin ko. Habang kagat ang aking labi, umatras ako ng isang hakbang bago tumakbo sa direksiyon nila. Tumalon ako sa harapan ni Zhask at sinipa siya sa mukha. Napangisi ako nang makita ang pagbagsak niya sa lupa dahil sa ginawa ko. Lumingon ako sa iba pa niyang kasama. Ngumiti rin ako sa kanila nang makita ko ang kakaibang titig na binibigay nila sa direksiyon ko. Binalik ko ang paningin ko sa direksiyon ni Zhask pagkatayo niya mula sa pagkakasipa ko kanina. "Rocho! Ano na naman bang problema mo? Tss." Hawak-hawak ni Zhask ang mukha niya habang nakatingin siya ng masama sa direksiyon ko. Tinitigan ko rin siya ng masama pabalik dahil sa sinabi niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo kong tawagin sa pangalang Rocho? Baka gusto mong matamaan ng isa pa?" Kung mayabang ako ng slight ay mas mayabang talaga ang isa 'to. Tss. Akala naman niya ay bata pa siya kung umasta e lagpas na nga ang edad namin sa pagiging teen age. "Bakit naman? Gusto kong tawagin ka sa gano'n e. May magagawa ka ba?" Kinuyom ko ang aking dalawang kamao dahil sa inis tungkol sa sinabi ni Zhask. Gusto ko pa sana siyang sapakin, pero ayaw ko ng magsayang ng lakas sa kaniya. Nanghihina na nga ko dahil konti pa lang ang nakain ko e. Tss. Inirapan ko siya bago ko nilagpasan si Zhask pati na ang mga kasama niya. Nagsama-sama pa sila kung wala rin naman silang nagagawa sa lakas ko. Heh. Ngayon na naisip ko ang bagay na 'to. Bakit kaya kahit isang beses ay hindi ako nagawang saktan ng pisikal ng mga mokong na 'yon? Pinilig ko ang aking ulo dahil parang may idea na pumasok bigla sa aking utak. Nahihibang lang siguro ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga taong 'yon. Tss. Naglakad ako patungo sa kabilang barangay ng s'yudad namin. Maraming kasing mayaman na nakatira doon at mga hapon ay dumadating sila sakay ng isang mamahaling sasakyan. Minsan nagbabakasali akong maabutan nila sa tuwing namamalimos ako kahit na hindi talaga sila nagbibigay. Ni ihinto nga ang sasakyan nila para sa akin ay hindi nila magawa. Tss. Tumawid pa ko ng kalsada bago ako tuluyang nakapunta sa kabilang barangay. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil may ilang tao akong nakita na nakatingin sa direksiyon ko at palihim akong tinatawanan. Hindi ko na lang sila pinansin dahil sanay na naman ako sa gano'ng pagtrato. Tss. Habang naglalakad ako patungo sa village ng mga mayayaman ay may isang sasakyan na bigla na lang huminto sa gilid. Isang pagkakataon yata ang bigla na lang bumukas sa harapan ko kaya hindi ko na ito pinalampas. Palihim akong naglakad sa may sasakyan at tiningnan kung may tao sa loob. "Go, find that girl outside. Be careful. She maybe disguising now." "Yes, sir." Natigilan ako sa paglalakad nang may marinig akong nag-uusap. Sa tono ng pananalita nila ay parang hindi maganda kung ipagpatuloy ko pa ang palilimos sa kanila kaya tumalikod na lang ako at naglakad papalayo sa sasakyan. Kaya lang ay nakakailang hakbang pa lang ako nang may humawak bigla sa dalawa kong braso mula sa likod. Sinubukan kong kumawala, pero ang lakas ng taong may hawak sa akin. "Sumama ka na sa amin dahil baka magalit pa si boss sa 'yo. Simple lang naman ang pinapagawa niya sa 'yo e." "Anong sinasabi mo-" Hindi ko na natapos ang aking pananalita nang bigla akong kargahin ng lalake na parang isang sako lang ako bigas. Natigilan ako ng ibaba niya ko mismo sa loob ng kotse na nakita. Sa likod niya mismo ako binaba. Hindi ako nakapagsalita nang may makita pa kong lalake na nakaupo sa harapan. Hindi ko mas'yadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Katapusan ko na yata. Nakuha na ko ng sindikato!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook