NYBG 2

1013 Words
ROCHELLE Hindi na ako nagtangka na magpumiglas dahil tumabi sa akin 'yong lalake na kanina lang ay nakaupo sa unahan. 'Yong lalake naman na kumuha sa akin ay umupo sa driver seat ba 'yon? Ah basta! Mas'yadong malabo ang isipan ko ngayon dahil sa kaba at takot habang nagsimula na sa pag-andar ang sinasakyan naming kotse. Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay ni hindi man lang lumingon sa akin itong katabi ko. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko. "You make it hard for us to catch you if you can come with us quietly like this." Bigla na lang nagsalita 'yong lalake na katabi ko kaya pasimple akong napatingin sa kaniyang direksiyon. Anong pinagsasabi ng isang 'to? Ngayon ko lang naman sila nakita e. Taong lansangan ako, pero nakakaintindi ako ng english kahit papaano. Makababa lang ako sa sinasakyan namin at mawala sa kanila ang hawak nilang baril ay talagang makakatikim sila sa akin ng suntok. Tsk. Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay tumigil ang sinasakyan naming kotse sa isang malaking bahay. Mansion na nga yata ito dahil sa sobrang laki. May sumalubong pa sa aming mga katulong na lalake. Nakayuko sila habang binubuksan nila ng maayos ang gate. Pagkapasok namin sa loob ng ilang minuto ay mas napanganga ako sa aking nakita. Parang isang buong barangay na yata ang espasyo ng bahay na 'to. Kung gano'n ay dito kaya nagtatago at naninirahan ang mga sindikato na dumukot sa akin? "Get out the car now. We will need to talk about the fake relationship and wedding." Sa sobrang busy ko dahil sa kakatingin sa aking paligid ay hindi ko namalayan na nakababa na pala ang mga tao na kasama ko sa loob ng kotse. Aangal sana ako sa sinabi ng lalake na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitingin sa akin, pero tinutukan na naman ako ng baril ng kasama niya kaya nakasimangot na lang akong bumaba ng kotse kahit ayaw ko. Ano kayang gagawin sa akin ng mga 'to? Ibebenta na ba nila ang laman loob ko? Gagawin na ba nila kong bayarang babae? Anong sinasabi ng lalake tungkol sa fake relationship and wedding? Tsk. Hindi ko sila maintindihan. Samantala, hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mansion ay may sumalubong na sa amin na mga katulong. Nakahilera silang lahat at nakayuko sa direksiyon namin. "Welcome, young master." Tumingin ako sa kasama kong lalake. Hindi ko napagmasdan ng maigi ang mukha niya dahil bigla siyang nauna sa amin sa paglalakad. Sumunod na lang ako sa kaniya kaysa naman sabayan ko sa paglalakad ang alalay niyang lalake na may nakaturo pa ring baril sa akin. Tss. Pagkapasok naman namin sa loob ay tila isang palasyo ang napuntahan ko. Kumikinang ang mga gamit at pakiramdaman ko ay isang prinsipe ang dumukot sa akin, hindi isang sindikato. Tumigil kami sa sala na tila mas malaki pa sa covered court namin sa barangay. Naupo ang lalake roon at ako naman at nanatiling nakatayo. Wala na 'yong isang lalake na kasama namin kanina. Tanging kami na lang dalawa ng lalake ang nandito ngayon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko na rin ng maigi ang kaniyang mukha. Hindi ko akalain na mga mukhang artista na pala ang mga sindikato ngayon. Hindi lang siya mukhang artista. Mukha rin siyang prinsipe. Nakatingin siya sa direksiyon ko. Walang expression ang mukha niya, pero maya-maya ay napalitan ang kaniyang expression at nagsalubong ang dalawang kilay niya habang nakatitig sa akin. "Who are you?" Teka. Ano nga ba ibigsabihin ulit ng sinabi niya? Pinikit ko pa ang mata ko para pag-isipan maigi kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya bago ko siya sinagot. "W-Who are you too? Kung hindi mo pala ko kilala at hindi kita kilala e mas mabuting ibalik mo na lang ako kung saan mo ko nakuha dahil kailangan ko pa manglimos ng makakain ko para mamaya. Tss." Pinikit ng lalake ang kaniyang mata. Pagkatapos ay kinuyom niya ang kaniyang mga kamao at bumuntong hininga ng malalim. Biglang nag-igting ang kaniyang panga. Parang hindi maganda ang expression ng lalakeng 'to ngayon. Nanganganib yata ako ah. "Who are you to talk to me like that? Tsk. You're not the woman we are looking for!" Naiinis na rin ako sa kakasalita ng english ng lalake 'to ah. Konti na lang at masasapak ko na 'to kung wala lang ako sa teritoryo niya. Tsk. Nakakarindi na rin ang sigaw niya. "Pake ko ba sa babae na sinasabi mo? Ibalik mo na lang ako kung hindi naman pala ko 'yon. Tapos ang usapan!" Pareho kaming natigilan dahil sa malakas na pagsigaw ko. Lagot na. Parang mali yata ang ginawa ko. Tinitigan ako ng masama ng lalake at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot dahil lang sa isang titig. Para siyang handang pumatay ano mang oras dahil lang sa uri ng pagtitig niya sa direksiyon ko. Dagdag pa rito ay biglang bumukas ang pinto ng sala at pumasok 'yong lalake na tinutukan ako ng baril kanina. Narinig din yata niya ang pagsigaw ko kaya siya pumasok. Ang patalim na titig sa akin ng isang mala-anghel ang mukha ng lalake ay napalitan ng isang ngisi. Tumayo siya sa kaniyang inuupuan at lumapit siya sa direksiyon ko. Kahit na nawala ang matalim na titig niya sa akin ay tila nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot kaya hindi rin ako agad nakagalaw. "No. You is enough. You will marry me wether you like it or not." Hinawakan ng lalake 'yong mukha ko at nakangiti niya kong tinitigan sa aking mata. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin at suntukan dahil paghahawak sa baba ko, pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa pagkatao ko na saktan siya. Lalo na ngayon na nakatingin ako sa kulay abo niyang mga mata at mahabang pilik-mata. "Pakakasalan mo ko, naiintindihan mo ba ko?" Isang tango na lang ang tinugon ko sa kaniya dahil tila tumiklop bigla ang dila ko nang marinig ko siyang magtagalog. Hinawakan niya ang aking labi at kiniskis doon ang kaniyang hintuturo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD