ROCHELLE
Pagkalipas ng ilang minuto ay tila bumalik ang katinuan ko at tinulak ko siya palayo sa akin. Akala ko ay tuluyan na siyang magagalit, pero nakarinig ako ng isang tawa mula sa kaniya.
Natigilan ako at tila biglang uminit ang dalawang pisngi ko. Tsk. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
"Oscar, give me the name of this girl and tomorrow morning, prepare a dress that will fit her body for our wedding."
"Copy, sir."
Tsk. Ayaw ko na lang intindihin kung ano ang sinasabi ng lalakeng 'to dahil baka tuluyan pa kong masiraan ng ulo. Oscar pala pangalan ng alalay niyang lalake. Pero, wedding daw?
Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Teka, sandali. Sinong ipapakasal? Ako at ikaw?" Tinuro ko ang sarili ko at pagkatapos ay tinuro ko ang lalake saka ko pinagpatuloy ang aking pananalita.
"Ni hindi nga kita kilala e. Porke't sa lansangan ako lumaki ay maloloko n'yo na ko. Paalisin n'yo ko rito!"
Hindi na ko natakot sumigaw dahil totoo naman ang sinasabi ko. Kung buti sana at mga sindikato lang sila na ibebenta ang laman loob ko, pero ipapakasal nila ko? Nahihibang na ba sila?
"Oscar, you know what to do. I have to go now."
Parang hindi narinig ng lalake ang pananalita ko dahil dinaanan lang niya at naglakad siya patungo sa pintuan ng sala. Sa sobrang inis ko dahil sa kaniyang ginawa ay kinuha ko na suot kong tsinelas. Kahit sobrang dumi nito ay hindi ako nag-alinlangan na ibato ito sa kaniya.
Napangisi na lang ako nang makita na natamaan siya sa ulo. Gotcha!
Natigilan sa paglalakad 'yong lalake at pagkatapos ay humarap siya sa direksiyon ko. Akala ba niya ay natatakot ako sa kaniya? Kanina lang 'yon, hindi na ngayon.
Tumingin pa siya sandali sa tsinelas na binato ko sa kaniya at pagkatapos ay bumalik sa akin ang paningin niya. Bumalik ang matalim na tingin niya sa akin kanina kaya bigla akong natigilan.
Si Oscar na alalay niya ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala at tinutukan na naman ako ng baril sa ulo.
"Ligpitin ko na ba ito, sir?"
Nakuha pa niyang magtanong sa amo niya? E kanina pa nga yata siya kating-kati na patayin ako. Tsk.
"No, Oscar. Get out the room. Leave us alone." Naglakad palapit sa akin 'yong lalake.
Si Oscar naman ay yumuko lang sa kaniyang amo at umalis na nga ng sala. Teka! Tsk. Umalis na talaga 'yong tukmol na 'yon.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang muli kong ibinaling ang aking paningin doon sa lalake.
"What do you want to-"
"Sandali. Mag tagalog ka muna. Kanina pa naikot utak ko kakaintindi sa 'yo e."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng lalake bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. Akala ko nga nagalit na siya, pero hindi pala. Napigilan pa niya sarili niya.
"Ahm, a-ano ba ang gusto mo para pumayag sa wedding? Money? House? Car? What do you want?"
Tss. Hindi pa rin siya nag tagalog ng buo. Napairap tuloy ako ng wala sa oras. Teka, ang money ay pera. Tama ba pagkakaintindi ko?
"Ano bang ibigsabihin mo sa wedding at pera? Ipaintindi mo sa akin ang gusto mo. Saka sino ka muna?"
"I will do your request. I am Dennovan Ritcheld. You just need to follow my order and marry me. Then, I will give you money." Bumalik pa siya sa inuupuan niya kanina at umupo roon. Ibinaling niya ulit ang paningin niya sa akin habang pinagdidikit niya ang kaniyang mga kamay.
Hindi muna ako sumagot o nagbigay ng reaction sa sinabi niya dahil iniintindi ko pa ang english niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tuluyan ko na rin siyang naintindihan.
Bibigyan niya raw ako ng pera kapag nagpakasal ako sa kaniya. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko habang kuyom ko ang aking dalawang kamao.
Tiyak na malaking pera ang ibibigay niya sa akin kapag pumayag ako, pero masusunod ko kaya lahat ng utos niya at magiging isang mabuting asawa kaya ko kung sakali?
Hindi ko pa alam kung sino siya at anong klaseng pagkatao pagkatao siya e. Matapang akong tumitig kay Dennovan pabalik.
"P'wede ba kong magbigay ng kondisyon kung sakali man na pumayag ako?"
Seryoso ako sa pananalita, pero tinawanan lang ako ni Dennovan. Kung may sira lang ang tornilyo ng utak ko ay kanina ko pa ito nabanatan e. Hindi ko na nga siya halos maintindihan at ngayon tinatawanan niya lang ako?
Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Baka kasi masapak ko na talaga ang lalake 'to lalo na at kaming dalawa ang nasa loob. Tsk.
"You're so funny. I'm not really a good person to accept all your words since I said already that money is all that I can offer, but fine. You're exception. What do you want?"
What do you want lang naintindihan ko sa sinabi niya kaya 'yon na lang din ang sasagutin ko. Tss.
"Una, hindi ako parausan na babae. Tandaan mo 'yan. Pangalawa, aalis ako sa bahay na 'to kapag hindi ko gusto ang ugali mo at pangatlo, ayaw ko sa lahat na paglalaruan mo ang feelings ko."
Yumuko ako pagkatapos kong magsalita. Nakaramdam kasi ako ng hiya sa huli kong sinabi at halos pabulong na lang ng magsalita ako. Madali lang naman ang mga kondisyon ko. Sana naman ay sundin niya ang mga 'yon.
"Isa pa, sindikato ka ba?" Iniangat ko ang aking paningin at muli kong sinalubong ang kaniyang mga mata na nakatingin pa rin sa akin.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay tumayo siya at naglakad sa direksiyon ko.
"Do I look like a syndicate to you?"
Ang bawat titig niya sa akin ay tila nagpapahina sa buong katawan ko. Akala ko ay hindi na ko mabibiktima sa mga titig niya, pero nagkamali ako.
Wala na naman akong nagawa nang hawakan niya ang baba ko at titigan niya ng malapitan ang mga mata ko. Hindi ko siya maitulak palayo dahil hindi ko alam kung paano ako iiwas ng tingin sa kaniya.
Parang tumigil bigla ang oras sa aming paligid at sa isang iglap ay namalayan ko na lang na nagdikit na pala ang aming mga labi.