ERI got her crush’ phone number but had never sent him a text message. Wala siyang lakas ng loob na i-text ito at magpakilala. It had been five days since the Athletic Meet has started. It’d last for two weeks. Championship na next week at nakapasok sila sa semifinals. “O, bakit ka nandito?” tanong ng kaklase niyang si Leon. Pumasok kasi siya dahil wala naman silang game ngayong araw. Kahit pa nga excused sila sa klase, pumasok pa rin siya dahil alam niyang nahuhuli na siya sa klase. Mercy didn’t go to school at all. Magpapahinga raw muna ito. “Walang game. Saka, rito naman ang game mamayang hapon.” “Sabagay,” sagot nito. “I’ll watch the basketball game. Gusto mo bang manood? I’ll be with Flare. You know her, right?” Tumango siya. She knew her. Matalik na kaibigan ni Leon na nasa iban

