KINAUMAGAHAN ng Lunes, naganap ang assembly sa kanilang paaralan. Sabay-sabay silang tutulak papuntang St. Vincent para sa semifinals. Naabutan niya si Heizen, ka-teammate niya, na nag-aayos ng tali ng sintas ng sapatos nito. “‘Morning, Heizen! Have you seen Mercy?” bati niya rito. “‘Morning! Nag-cr lang yata saglit.” “Okay, thanks!” Nagpunta na siyang girls’ bathroom at naabutan niya nga ang kaibigan na nagpupusod ng bubok. “Medyo basa pa ang buhok mo, mamaya mo na talian,” pansin niya rito. “Mas madaling talian kapag basa,” katwiran naman nito. “Sana all nakaka-relate, hindi ba?” pagbibiro niya. Hindi kailanman humaba ang buhok niya ng lampas-balikat. She got her headband in her bag and fixed her short hair. “Pagugupitan ko na nga niyan ito ng maiksi. Gaya niyang iyo.” Ngumuso i

