Aurelia Ivory Valencia SINUOT KO ang itim na salamin at binilisan ang lakad para makasabay si Aeliana. China has been very busy hanging out with these Dela Estevez cousins kasama ang boyfriend niya. Ae is a bit aloof and has her own space of silence. Pero heto ako at ginagambala siya sa ibang rason. “Ivory, this is not my first time here. I’ve been roaming around on this island. Why do you want me to spend my days driving a golf cart? There is no fun in that.” Tamad siyang pumuwesto ng upo sa gilid malapit sa tanawing dagat. “Besides, Gazpar is inviting me to horseback riding. Mas masaya yun kaysa sa alok mong imbitasyon na umikot habang nakasakay sa golf cart.” Gusto ko sana sa sky lounge ko sila i-set up ni Mathias. Pero iniisip ko pa lang ang ayos ng lalaking iyun, mukhang hindi ga

