Aurelia Ivory Valencia NAPABALING AKO sa hallway. Wala akong makita na kung ano dahil ayoko rin naman maglakad at baka magkasalisahan kami ni Mathias. All I can see is the hallway, it is not narrowed. Malaki ang espasyo habang may iilang interior designs naman sa paligid. Paintings, vases, sculptures at iba pang ginto. Nakita ko si Leoncio na nasa labas ng gate na ‘tong compound. Hindi ko nga alam na compound pala ito. Kung bahay ito ng Dela Estevez… dito rin ba siya nakatira? Di hamak na mas mayaman pala siya kay Sue? Napanguso ako at sinubukang hawakan ang vase ngunit narinig na ang mabibilis na yapak pababa ng hagdan. I saw Mathias looking at me as he went downstairs, he licked his lower lip when he stopped in front. “Why did you bring me here? Paano kung makita ako rito ni Leonci

