SEA

1928 Words
Aurelia Ivory Valencia NANG LUMABAS AKO sa villa ay sumakay ako ng golf cart. I was wearing black sunglasses and a long white summer dress that had puff sleeves. Dala ang sling bag na may kaliitan na siyang nakasabit sa aking balikat. Nagising ako na namamaga ang mga mata mula sa pag-iyak. I think I am craving a mango shake this morning to at least refresh my body and mind. I glanced at my digital wristwatch. Wala pang masyadong tao sa aking dinadaanan. “Hi, Gorgeous!” bati ng isang foreigner na nagjo-jogging. Hindi ko iyun pinansin at sinubukang umikot para makahanap ng kainan kung saan may masarap na mango shake. “I wonder if Sue is already awake. Siguradong tulog pa yun sa pagpa-party kagabi,” I mumbled to myself. Pinarada ko ang golf cart at tinignan ang restaurant na simple lang at may kalapitan sa dagat. I bit my lower lip and slowly walked inside. Lahat ay yari sa kahoy ang mga gamit at furniture. All I can see is the color of the woods complemented by the white color of some furniture and decorations. It is an open area, so the moment I went inside, the smell of the saltwater from the beach drawled into my nostrils. The place looks comfortable and simple but traditionally looking. I love how their stuff is still made of wood, like promoting something here to make the people see. “Magde-deliver lang. Maraming bunga ngayon ang farm. Ano Mrs. Estrada, kukunin niyo ba?” A manly voice caught my attention. Ang akma kong pag-upo malapit sa dagat ay naudlot at naglakad patungo sa gawi kung saan mas kita ko ang bagong dating na lalaki at nakaparadang lumang pick-up. “Kunin niyo na. Mamaya mabenta ko yan sa iba. Marami pa naman ang kumuntrata sa akin ng mga prutas ngayong anihan.” The woman who seems owner of the restaurant. Also wearing a casual dress and looking gorgeous on her morenang skin, kahit may katandaan na ay maganda ang mukha at pangangatawan. “Teka at tatawagin ko ang mga trabahante ko para maipasok ang mga prutas. Basta nasisiguro mong matatamis iyan.” She giggles and turns her back to go into the white small house that seems to be made for her employees. Kahit mga tao rito ay simple lang ngunit alam mong mamahalin. They may be wearing simple clothes, but it has a luxurious brand. Maliban dito sa lalaking nakahilig sa sasakyan at nakakrus ang mga braso. Suot ay isang marumi at tila mabigat na pants, light blue na shirt at boots. He was playing with the key on his fingers when he accidentally glanced in my direction. I proudly stood and raised my left eyebrow at him. Napaayos ito ng tindig at tila namangha na makita ako muli. He scanned my body, and I saw how his lips pursed a bit. “Mukhang maraming bunga ang mga tanim niyo, ah!” nang magsidatingan na ang mga kalalakihan na may edad na para lapitan si yung binatang nakilala ko kahapon ay tinalikuran ko na sila at naghanap na ng puwesto. “Menu, Ma’am.” I checked the menu, and I immediately checked the drinks I had been craving. “What fruit shakes here is the best seller?” tamad kong tanong sa babae. “Avocado at mango shake ho, Ma’am.” “I want the fresh mango shake.” Binalik ko ang menu at tinuon ang atensyon sa magandang tanawin sa harapan ko. Dagat na sobrang linaw at buhangin na pinong pino. “Tamang tama, bagong pitas ang mga prutas.” Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. His one palm is inserted inside his pocket. Standing next to me, the key is still on his fingers. “Mag-isa ka lang na nagbabakasyon?” pagpupursigi nitong makipag-usap maski hindi ko siya kinikibo. Who is this man again? f**k. I forgot his name. “May nakikita ka bang kasama ko?” I rested my chin on my hand as my elbow was under the table. Napangalumbabang tiningala ang lalaki. His stares landed on my face, trailing a look at every part of my face. “Kaya pala mukha kang malungkot at ligawin,” panunuya niya at umangat ang gilid ng labi. “Math!” tawag ng isang lalaki. “Eto na yung bayad.” The guy glanced at me one more time before he went to the counter. “Math…” I murmured. “Ang pangit ng pangalan.” I yawned, pero hindi ko iyun natapos dahil sa pagbaling nung Math sa akin. Mabilis kong tinikom ang labi ko at maarte siyang tinignan. He just smirked and winked at me before he went inside the pickup truck. I watched his back. Ang kisig talaga ng lalaking yun. Hindi kaputian, hindi rin naman ganun kamoreno. Tama lang ang kulay ng balat. Mukha namang purong Pilipino, ngunit ang kanyang panga at mga mata ay parang may lahing banyaga. But I doubt it, mukhang Pilipino talaga. Matangkad nga lang kaya mapagkakamalan din na may lahi. I WAS DRINKING my juice when I saw Sue walking on my table. Walang ayos o kahit anong suot na make-up sa mukha. Kagigising lang at medyo maputla ang mukha, marahil hindi na nag abala pa sa pag-aayos. But her lips are pink and a bit glossy. Gayundin naman ang mukha niya, maski maputla ay makinis pa rin tignan. “Bakit mas mukha kang antok kaysa sa akin?” panunuya niya at umupo sa harapan ko. “How’s your party last night?” “Fine, we just dance. Hindi masyadong uminom dahil pagod na rin naman ako.” She called the waiter and settled her eyes on me. “We are planning to drink again tonight. Inimbitahan ako ng… iilan kong mga kaibigan. You should come this time.” I played the straw on my lips. “Ang dami mong kaibigan ah,” mahina kong bulong. “Sumama kana. Baka sabihin ni Glenn pinapabayaan kita rito mag-isa.” Umirap siya sa akin at napasimangot. “Tsaka hahanapan kita ng lalaki para hindi kana malungkot. I don’t understand what you see on that Henry Conception, hindi guwapo.” Napahilot ako ng sentido. Palibhasa ang mga tipo ni Sue at laging nali-link sa kanya ay yung mga lalaking magaganda ang katawan, matangkad, at mukhang mga may lahi. WE TRY TO walk around the resort, Sue tour me around to the area that she is familiar with. Wala pa kaming masyadong ginawa kundi kumuha ng larawan at kabisaduhin ang pasikot-sikot sa lugar. Dapit hapon nung nagpaalam siyang maliligo sa dagat. I don’t like the beach, I don’t like the smell of the water and its taste. Kung kaya ay nanatili na lamang ako sa batuhang naglalakihan, nakaupo roon at pinapanuod si Sue na lumangoy kasama ang iilang mga guests ng resort. “Slut!” narinig kong sigaw ng isang babae kaya napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. Nakaramdam ako ng pait at konting hapdi sa aking dibdib. I know it was not for me nung makita ko ang magkasintahan na ngayon ay nagtatalo at hinihila ng kayang nobyo palayo sa babaeng tinawag niyang slut. Hindi ko alam kung bakit unang pumasok sa isip ko ay para sa akin ang salitang iyun. I swallowed hard and shifted my gaze to the sunset in front of me. Hindi ako masaya rito. Gusto ko ng bumalik sa syudad at kausapin si Henry. I wanna go back there and prove my innocence to the people who kept on accusing me that I sell my body for projects and popularity. “Aurelia!” Bumaling ako kay Sue. “Catch!” tinapon niya sa akin ang isang shell. Mabilis ko naman iyung sinalo sa pag-aakalang shell lamang iyun. Pero nung hawakan ko ay gumapang iyun kaya napatalon ako sa gulat. “Putangina mo!” sigaw ko sa takot at mabilis na tinapon iyun kung saan. But suddenly, I got out of balance which made me fall on the water. Bumagsak ang likod ko sa ilalim at napapikit ako sa lakas ng impact nun. I know how to swim, but at that moment the impact of my fall was so strong that I almost lost consciousness. I opened my eyes. Pansin ko na ang unti-unti kong paglubog sa ilalim. But before I closed my eyes, I saw a man coming on my way. Hindi siya pamilyar sa akin, palapit na lumalangoy. Like an expert swimmer. Kumunot ang nuo ko nung malapit na siya at hinawakan ang aking baywang. He pulls me out of the water. Mestizo at mukhang may lahi ang lalaki. “Aurelia!” narinig kong tawag ni Sue. “Sorry. I’m sorry.” She is panicking. While I was coughing the whole time. Nakaupo sa buhangin at habol ang paghinga ko habang panay ang ubo. “You don’t know how to swim?” he smirked playfully at me, tila ba ang nangyari ay nakakatuwa at hindi ganun kadelikado. “Hindi ka pala pwedi sa dagat, Miss.” Panunuya niya pa. Kaya imbes na pasalamatan ko ang lalaking iyun na nakapamaywang sa harapan ko at may ngising naglalaro sa labi ay tanging pag-ubo na lang ang aking ginawa. “Thanks, Gazpar. Thanks for saving my friend.” Sue casually said as she continued checking on me. “Let’s go to a clinic?” nag-aalalang tanong nito. “Humihinga naman, ayos na yan.” Pagsabat muli ng lalaki kaya sumama ang tingin ko sa kanya. “Thanks,” labas sa ilong kong sagot. “Gazpar! Let’s go, dude!” sigaw ng grupo ng mga kalalakihan na naghihintay sa kanya. Ang ilan ay lumapit pa para tignan ang nangyayari. “What happened to her? Did she step on sea urchins?” tanong ng kasamahan nito. “Hindi naman. Nalunod lang ng konti,” the man who saved me answered and chuckled as he stared at me. “Mauna na kami, Sue. Kita na lang tayo mamaya.” The man saluted to Sue and shifted his gaze at me. Ngumisi ito muli na tila ba nakakatawa ako bago umalis at iwan kami. “Ang yabang…” I mumbled to myself. “Hindi, mabait yun.” I looked at Sue and unconsciously gave her a fierce look. “Sorry,” she apologizes again and pouts her lips a bit. “I was just fooling around, ang lalim kasi ng iniisip mo. I am a bit bothered because you don’t seem to enjoy the island.” Napalunok ako at muling naubo. I hate the taste of the water. f**k! “That’s why you should come with me and meet new friends here. Naisip ko kasi na baka you don’t like hanging out with me, why don’t you meet some of my girlfriends? Baka makasundo mo sila at… matuwa ka naman.” Napatitig ako kay Sue. She is interesting, hindi ko akalain na may kabutihan din pala itong tinatago. I thought she was a spoiled brat who always thinks about herself. Yung tipong anong pakialam niya sayo basta siya masaya at nasusunod ang gusto niya. “There are fun activities here that you should try, but our interests seem to not align.” Kinunutan ko siya ng nuo. A bit amused. “Uuwi na ako soon, wala kang kasama rito. Kaya ipapakilala kita sa iilan kong mga kaibigan dito. Gazpar, he is one of my closest friends here.” She smiled sweetly at me. Very enticing like alluring me to fall into her trap. “Okay. I’ll join you… tonight.” Kaysa naman magkulong ako sa villa ko at umiyak hanggang sa makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD