THERAPEUTIC

2014 Words
Aurelia Ivory Valencia TAHIMIK NAMING tinatahak ang daan sa gubat na tingin ko ay saulo niya ang bawat daan at pasikot-sikot dito. I was watching his back, broad shoulders, and muscular body. How he managed to remove the branches of trees in the trail. “Paano mo nalaman ang Isla Marahuyo? Paano ka napadpad rito?” kaswal nitong tanong habang nakatalikod. “Napadpad?” natawa ako roon. “You said it like I came here by accident. I am a tourist, obviously. This is a tourist spot, an exclusive resort.” Tumigil siya at nilingon ako. The ghost of a smile on his lips is restrained. But yet it is still evident. “Kung ganun narito ka upang magbakasyon?” tinaasan niya ako ng isang kilay. “Ano pa ba? Ano ba ang gagawin dito bukod sa pagbabakasyon? Ang mag ani ng mga bunga ng tanim sa farm?” nagpakawala ako ng halakhak at nakita ko kung paano ito napanguso at tinalikuran ako. “Anong problema sa pag-aani ng tanim?” “Don’t be offended. I am just stating the fact, do I look like a farmer?” I paused. “O mukhang turista? Alin doon sa dalawa? Syempre yung turista diba.” I rolled my eyes at him even though he was not looking at me. I heard him sigh heavily and continue walking. Dumidilim na ang paligid, mas lumalamig na rin ang dampi ng hangin sa aking balat. Patuloy lamang kaming naglalakad ng tahimik. “Baka kung saan mo ako dalhin, mukhang kanina pa tayo palakad-lakad.” Natawa siya at bahagyang gumalaw ang balikat. I didn’t laugh nor inject any reaction on my face. Seryoso lamang akong nakatingin sa likod niya at nakasunod. “Anong problema mo at naisipan mong pumunta rito?” Binalingan niya ako at panandalian akong natigilan hindi dahil sa tanong niya, bagkus sa posisyon nito na sobrang kisig maski pagbaling sa akin ay nakakamangha ang itsura at katawan. “Pamilya? Kaibigan? Pera? O pag-ibig?” I blinked my eyes several times and tilted my head a bit. Anong pinagsasabi ng lalaking ito? “Hindi ba pweding narito ako upang magbakasyon?” Hindi siya umimik doon. “Tsaka, pera? Problema sa pera? People who go here obviously are wealthy people who can afford the stay here in this… luxurious resort.” Hindi niya ba yun naisip? “Hindi lahat ng nakakapasok dito ay mayayaman katulad mo.” Mayaman? Ako? Hah! Hindi ko na nga alam kung makabalik ako ng syudad ay may career pang naghihintay sa akin. I am just a rising artist in the industry, wala pa ngang sapat na ipon at stable na buhay. “Kung ganun pweding pumasok dito yung mga mahihirap katulad mo?” I heard him chuckle in disbelief. Hindi ako mayaman, pero hindi rin naman ako kasing hirap nito. Wala naman akong gustong masamang ipahiwatig sa aking sinabi. “At tsaka hindi ako narito dahil may problema ako. Nandito ako dahil gusto ko ng bakasyon, pribado at engrandeng bakasyon.” I stretched my arms in the air to make a point about why I was there. Pero kalaunan ay tumagis ang pait sa aking lalamunan, dahil tama naman siya. “Unang beses kitang makita rito…” Tumaas ang isang kilay ko. Ano naman ngayon? “Hindi mo ba alam ang history ng islang ito?” Bigla akong natigilan sa mga sinasabi ng lalaking nasa harapan ko. Bumagal ang lakad ko gayundin naman kasi siya. “History?” I don’t even know anything about this f*****g island. “Ano? Kumakain kayo ng tao? Pinapatay niyo sila at inaalay? Ano?” I probed. Natawa siya muli sa seryosong pahayag ko. Humarap siya hawak ang itak kung kaya napaatras ako ng kaunti. Kumalabog ang didbib ko ngunit taas noo siyang tinignan sa mga mata. Para tapatan ang mapanuyang titig niya sa akin. “Alay? Nagpapatawa ka ba?” He smirked boyishly, making his aura darkened a bit. Sumasabay sa unti-unting pagdilim ng paligid. “Itong isla ay ginagawang theraphy ng mga tao na… kailangang buuin ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay bumabalik dahil napamahal na rin kahit papaano rito. Ang iba hindi na nakakabalik, tulad nga ng sabi mo, dahil pribado at eklusibo ito. Kaya ako nagtatanong kanina kung bakit ka napunta rito.” Iling akong natawa sa kanyang paliwanag. He didn’t smile a bit, he remained a bit firm, mysterious, and emotionless as I processed the details of what he said and reacted to it. “Simple lang naman ang tanong ko. Ayos lang kung hindi mo sagutin.” I snorted at him for saying that. I paused and didn’t speak further about the topic. Dahil nagpatuloy na rin naman siya sa paglalakad ay sumunod na ako sa kanya. Iniisip kung totoo ba ang sinasabi nito, therapeutic ba talaga ang islang ito? Is there magic in here that can make my pain go away? Can make my negative thoughts disappear? “Nandito na tayo.” Doon lang ako natauhan para tignan ang paligid. “Ayan ba yung sasakyan mo?” turo niya sa golf cart na may kalayuan. “I think so.” Hinarap ko siya at naabutan itong pinapasok ang kanyang itak sa lagayan nito na nakasabit sa baywang lang niya. “Pardon, what’s your name?” Umangat siya ng tingin sa akin. His jaw moved. His brown eyes welcomed my stares. Awang ang labi at napanguso. Bumaling siya sa golf cart at nilagay ang dalawang kamay sa baywang. “Math.” “Matt? Like Matteo?” I asked with a bit of an accent. “Math, like a subject.” Sagot niya na may konting halo ng iritasyon dahil sa pag-ienglish ko. Natawa ako sa kanyang pangalan. “Thanks, Math.” Maarte kong pahayag. “Well, see you around then.” Matamis ko siyang nginitian, konting peki at konting pagod ang naghalo. He just nodded his head and turned his back at me. Naglakad na rin ako papuntang golf cart. Binalingan ko muli yung binata kung naroroon pa rin ngunit wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina nung tignan ko. I just shrugged my shoulders and went to the golf cart, pinaandar na iyun at dumiretso na sa totoong dapat ko talagang pupuntahan. NANG MAKARATING AKO sa villa ni Suelyn ay naabutan ko itong may kausap na matangkad na lalaking mukhang foreigner. I don’t think the man is half, he looks a bit like Italian. Sue is wearing a yellow bikini, tila galing sa dagat at basa pa ang buhok. Pinatungan niya iyun ng see-through na cover up na putting dress. The way she playfully holds the strand of her hair is a scheme of flirting. She is not oblivious that I’m already near them. Lumampas ang tingin sa akin ni Sue at mabilis na nagpaalam sa lalaki upang lapitan ako. “I’ve been around for you, everywhere! Saan ka ba galing?” She presented her arms in front of me, exaggeratedly on her movements. “I swam and dined in the resto. I even went to your villa but you weren't there!” “Naligaw lang.” I hugged my shoulders as I noticed the redness on my skin. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamok o kung anong insekto mayroon sa bukid na aming dinaanan. “I’m hungry. Where should we eat?” I roamed my eyes around. Nasa villa niya kami, pwedi kami magpa-deliever ng pagkain. But of course, gusto ko munang kumain sa labas para ma-experience ang ganda ng resort. “Sa sky lounge tayo mag-dinner.” Her face becomes excited. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. We went there and my expectations of the fine dining restaurant didn’t fail me. It was so damn fancy with a mezmerizing view. Naglalakihan ang mga chandelier, ang disenyo ay hindi common sa mga napupuntahan kong mamahaling restaurant. Maraming upuan, some couches are huge and can cover the table and people. Providing enough privacy. Ang ilaw ay hindi masakit sa mata, ang disenyo ay nakakamangha. Maraming tao, makikita talagang big time and successful guests ang nandito. “This is the fanciest restaurant here. May mga kainan sa baba, pero ito yung sobrang fancy at luxurious na restaurant.” “Hindi ba sila nalulugi?” I suddenly asked out of nowhere. Natigilan si Sue at may ngisi sa labi. “I mean, they are operating a lot of things and activities here… pero hindi ganun karami yung tao.” “Silly, Aurelia! Maraming tao rito, may mga iilan lang na villa or area na talagang exclusive. Pero yun nga, the price is so expensive that even I can’t afford it. I must save money for this luxurious vacation pa.” Napahilig ako sa inuupuan at bumaling sa ganda ng view ng dagat at bukid. Tama nga ang lalaki kanina, this island is therapeutic. Everything that you see around you, is organic and natural. Refreshing and very… adventurous looking. “Do you have any errands to do tonight? Wanna join me in the bar with some of my friends?” alok ni Sue. “We will drink and party.” Mas lalo lang akong napahilig sa kinauupaun at pinagkrus ang dalawang braso ko sa aking dibdib. The last time I got drunk so bad, it also went so f*****g bad. “Nah. Pass. Magpapahinga ako.” Napairap siya at humilig sa lamesa namin. “Aurelia—” “Ivory,” pagtatama ko sa kanya. “Whatever. Girl, kahit anong gawin mo rito, walang may pakialam sayo. You’re not a celebrity here, there is no paparazzi. There are no people who will judge you if you drink and get drunk crazily tonight. Trust me, you can do whatever you want here.” Umiling pa rin ako. “Hindi ka naman siguro unaware sa mga kagagahan ko tuwing nalalasing ako ng husto. Diba?” “I am here, I’ll take care of you.” She wink at me. At yan ang huling bagay na gusto kong mangyari. No way. I would not trust my life to her. “Or maybe don’t drink too much na lang if you cannot trust your actions when you are drunk. Simple as that. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Kalimutan mo na yung Henry Conception na yun, mas maraming guwapo rito. I swear,” she continues encouraging me. Umiwas ako ng tingin, hindi na nakasagot dahil dumating na ang pagkain namin. “Talagang hindi ka sasama at magkukulong ka sa villa mo?” pangungulit niya habang naglalakad kami sa dalampasigan. Papunta sa golf cart na aming sasakyan upang makabalik sa villa. “Magpapahinga ako, Sue. I’m exhausted,” pagod ko siyang tinignan. Nang mag-isa na lang ako na nakasakay sa golf cart at minamaneho iyun pabalik sa aking villa ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko mag-isa na naman ako, malungkot at ginugulo ng mga pangyayari sa syudad. “f*****g liar! This is not a therapeutic island!” galit kong bulong sa hangin. Mas lalo pa akong nakaramdam ng lungkot ng pumasok na ako sa villa at mag-isa sa silid. Tahimik at malamig. It sounds so peaceful, pero ang isip ko ay hindi payapa sa maraming iniisip. Matapos mag half-bathe ay humiga na ako sa aking kama. I opened my cellphone to scroll through my gallery. Tinitignan ang bawat larawan namin ni Henry. Paano kung ako ang mapunta sa sitwasyon ni Henry? Paano kung ako ang kailangang mamili? Kaya ko bang talikuran ang pag-ibig para sa pinapangarap na kasikatan? Kaya ko bang makita ang lalaking mahal ko na mahusgahan at masaktan? “Sinungaling!” I muttered firmly. “Tangina ka! Ang sabi mo mahal mo ako at hinding hindi mo ipagpapalit ang pangalan mo para sa relasyon natin. Gago ka pala, eh! Inuna mo pang protektahan ang sarili mo! Tangina ka! Duwag!” Pakikipag-usap ko sa larawan ni Henry na nakangiti habang akbay ako. Parehong may hawak na ice cream. I groaned in anger and threw my cell phone on my bed. Mabuti at hindi iyun nahulog sa kama kaya ayos lang naman. I covered myself of the blanket and started crying. Until I fell asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD