“ Sabik na sabik ako gumising ng maaga dahil nasisislayan ko ang mga ngiti ng aking ama at ina. Sila ang madalas maghanda ng aking almusal kahit na mayroon naman kami na maaaring magluto sa amin.”
“Goodmorning mahal kong Cassandra” wika ng ama nito.
"Papa! Bakit ngayon ka lang dumating? Alam mo ba na miss na miss kita!” tanging ngiting sumisilay sa mga labi nito.
“Pasensya ka na anak marami pa kasi tayong ani na palay ngayon may mga iba pa na kailangan unahin.”
“ Papa naman parang hindi n'yo naman ako na miss!”
“Ikaw talagang bata ka. Napaka-matampuhin mo naman. Na miss ko talaga ang nag-iisa kong anak. At lumalaki ka na Cassandra kaya dapat matutunan mo na rin ang mga bagay-bagay lalo na't palaki nang palaki ang sakahan natin. Higit sa lahat mahal na mahal ka namin ng mama mo kaya lahat gagawin namin para sayo.”
“Mahal ko rin po kayo Papa, kayo po ni Mama.”
“Isa pa anak hindi p'wede basta-basta na lang tayo uupo lalo na't maraming magsasaka ang umaasa sa atin. Alam mo 'yon dahil darating rin ang panahon ikaw din ang mamahala nito.
Simple lang ang buhay natin pero marami tayong natutulungan.”
“Papa naman alam ko naman' yon. Pero Papa namumunga na rin ang mga pananim natin na mga punong mangga. Gusto ko po sanang sumama para may makatulong po kayo,” wika ni Cassandra habang nakayakap s akaniyang ama.
“Naku anak! H'wag na marami akong tauhan na maaaring makatulong sa akin,” wika ng kaniyang ama kasabay nang paghalik nito sa kaniyang noo.
“Oh! Sige na, aalis na ako at maraming ani ngayon. At kailangan na ito sa merkado sa mga susunod na araw. Maiwan na muna kita d' yan magpapakabait ka,”wika ng kaniyang ama.
“Simpleng buhay lang ang mayroon kami. Na halos malaking sakahan ang negosyo ng aking ama dito sa amin sa ALMADEO. Mayroon din kaming malaking lupain na nabili dito sa probinsya. Ang aking ina naman ang katuwang at katulong ni Papa sa pagpapatakbo ng aming palayan. Bukod kasi sa palay na mayroon kami ay tanging mga punong mangga ang iyong makikita tulad ng sinturisan at anumang gulay na pananim,” nabasag ang pagmumuni-muni ni Aliyah nang masulyapan niya sa bintana ang kaniyang ama.
“Papa mag-iingat po kayo!” malakas niyang sigaw sa kaniyang ama.
“Oo anak! Huwag kang mag-alala mag-iingat ako. Hintayin mo na lang ang Mama mo. Pauwi na iyon at kasa-kasama niya ang Chang mo at ang pinsan mo na sina Lea,Amy, at Carol.”
“Gano'n po ba Papa!” tanging sigaw ni Cassandra. “Sige po at ipagluluto ko po sila ng masarap na pagkain,”kasabay nang pagkaway ng kaniyang mga kamay sa kaniyang ama.
Mabilis ni Cassandra tinakbo ang ibabang hakdanan. Nakikita niya ang ginagawa ni Manang Lusing s akusina kaya naman kaagad niya itong pinuntahan upang magluto rin ng masarap na pagkain para sa darating nilang bisita. Hanggang sa mapabaling ang mga mata ni Manang Lusing sa kaniyang ginagawa.
“Naku! Cassandra iha, huwag ka na mag-abala pa. Ako na ang magluluto at bahalang mag-ayos para sa lahat. Kumpleto rin naman ang mga sangkap kaya alam kong hindi ako malilito. Umakyat ka na sa taas at doon mo na lang hintayin kapag handa na ang lahat. Magpakaabala ka na lang muna sa silid mo.
Tatawagin nalang kita kapag nan d'yan na sila at kapag okay na ang lahat.”
“Salamat po Manang Lusing.”
Halos matagal ng kasambahay si Manang Lusing. At ito na rin ang nagpalaki sa kaniya dahil sa pagiging abala ng kaniyang mga magulang sa negosyo. Hindi rin kasi biro ang mag-asikaso ng ganoon negosyo. Kaya naman sila ang nagbabaksak sa mercado ng pangunahing pangangailangan ng mga tao at higit sa lahat ang bigas na kadalasan mas demand na kinuhuha sa kanila. Muling napabaling si Cassandra sa matanda at kasunod nang pamamaalam nito.
"Manang Lusing akyat na po ako. Tawagin n'yo nalang po ako kapag dumating na po sila.”
"Oo, hija. Tatawagan na lamang kita kapag nand'yan na sila,” wika ni Manang Lusing.
"Salamat po!” ani ni Cassandra habang paakyat siya ng hagdan.
Tanging wala na siyang hihilingin pa sa kaniyang buhay. Ang makasama ang pamilya niya ay iyon ang mas mahalaga para sa kaniya. Matapos niyang makarating sa kaniyang silid ay nagtingo siya sa kaniyang balkonahe. Nakikita niya ang mga taong masayang nag-aani ng palay at iyong iba naman ay nagtatanim ng iba't ibang klase ng gulay. Isang malamig na dampi ng hanging sa kaniyang mukha ang naramdaman niya. Kasabay nang sariwang hangin rin nito ang kaniyang nalalanghap. Napapapikit siya hindi lang sa saya kung hindi sa mga natatamasan niya sa kaniyang buhay. Kasama ang kaniyang magulang at isa na nga roon si Manang Lusing. Na nagtiyagang nag-alaga para sa kaniya. Muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata kasunod nang pag-ikot niya habang hawak nito ang laylayan ng kaniyang damit. Suot niya ang white flower dress na above the knee. Ang maganda niyang katawan ay humahambing sa maamo niyang mukha. Napataas ang kaniyang dalawang kamay at kasunod nang pagunat ng kaniyang katawan. Ngunit isang bagay ang kaniyang napansin sa 'di kalayuan. Subalit ipinagpaliban na lamang niya ito at kasunod nang pagpasok niya sa loob ng kaniyang silid. Binuksan niya ang isang drawer na kinaiingatan niya. Isang simple notebook ang kinuha niya kasabay nang pagbuklat nito ay ang pagdampot niya ng bolpen sa kaniyang table. Isinulat niya ang magagandang araw na nakakapagbigay nang saya sa kaniyang buhay. At isang salita ang kaniyang ibinulong sa kaniyang sarili.
“Darating rin ang panahon makakatagpo din ako ng katulad ni Papa. Na kaya akong mahalin sa kung sino man ako at hindi sa kung anong bagay na mayroon ako. Isang taong ipaparamdam rin na mahalaga ako,” wika ni Cassandra habang masisilayan sa kaniyang mga labi ang maganda niyang pagkakangiti. Ibinalik niya ito sa drawer at nahiga sa kaniyang kama habang tinatamasa niya ang hanging nanggagaling sa labas ng kaniyang balkonahe.